VI. Luha at Tamis

9 0 0
                                    

"Magandang umaga!" bati ni Julius kay Sheryl, sabay alok ng kape na siya mismo ang nag-brew.


Tutulong sanang maghanda ng almusal si Sheryl pero nakahain na ang mga yaya ng mga anak ni Joanne paglabas niya sa kuwarto. Maaga talaga nagigising ang household pag may bata.

"Huwag kaya tayo dito mag-breakfast?" tanong ni Julius.Puyat at hindi pa masyadong gising si Sheryl, pero sulit naman ang sakit ng ulong dinaranas niya ngayon. Napalapit siya nang husto sa mga kaibigan ni Julius, at natuwa rin siya sa mas malalim na pagkakakilala niya rito dahil sa kanila.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Sheryl, sabay tanggap sa mug ng kape na inihanda ni Julius. Nag-kiss sa kanya si Julius sa noo. "At nasaan silang lahat?"

"Yung mga hindi talaga tagarito, alam mo namang unti-unting nagsiuwian na mula pagsikat ng araw. Sina Alex at Joanne, ipinasyal na ang mga bata. Nagtatatalo sila paglabas dito kung sa park o sa swimming o sa horseback riding o sa McDonald's sila pupunta."

"Hirap talaga ng may anak," sabi ni Sheryl. Kung siya, limang oras lang ang tulog na putol-putol pa dahil sa labas-masok ng mga roommates niya, malamang, yung mag-asawa, halos wala pa dahil sila ang hosts kagabi, pero kailangang pagbigyan ang lakad na talaga namang pinlano at inilaan para sa mga bata.

"Ano, ready ka na bang umalis? O kung gusto mo light breakfast muna tayo dito, tapos magsimba tayo, tapos lunch sa Tagaytay?" Kanina pa gising si Julius at nagpaplano ng kanilang araw. Sa sala kasi nagsiksikan ang mga kalalakihan kaya walang may matinong tulog sa kanila. Ang mga misis at si Sheryl, nagkasya sa mga kwarto. Pero isa-isa na ring nagpaalam ang mga barkada dahil karamihan sa kanila, kagabi pa dapat umuwi.

"Maganda yata yung almusal-simba-lunch na plano. Aabot tayo sa 10 a.m. mass, bibilisan ko lang mag-pack," sagot ni Sheryl. Naka-shower naman na siya. Aba'y hindi siya magpapakita kay Julius ng bagong-gising look kaya siniguro niyang bago siya bumaba sa kusina ay ayos na siya.

"Masarap ba 'yung kape? Batangas brew 'yan," kwento ni Julius.

"Actually parang matapang siya kesa sa usual na iniinom ko, pero tama lang ito para magising."

"Wala ka bang hangover? May Berocca rito, iniwan ni Ria para sa iyo."

"Ayun, parang kailangan ko 'yan..." bago pa makakuha ng basong may tubig si Sheryl para sa Berocca, nagawa na ito ni Julius. Pinanood nila ang tablet na mag-fizz sa tubig.

"Ang thoughtful naman ni Ria. Actually, aside from Joanne, parang siya ang pinaka-makakasundo ko sa barkada mo. Although mabait naman lahat. Natuwa rin ako dun sa abogada, pinagtanggol ka."

"Natuwa rin silang lahat sa iyo," maingat na sabi ni Julius. Bigla lang siyang nag-flashback sa nangyari dati, nung nakasundo ng barkada ang dating girlfriend niyang doktora at makipag-break siya, hindi niya maintindihan bakit may opinion sila. Apektado lahat. Sana naman hindi mangyari iyon with Sheryl. Not that may balak siyang makipag-break kay Sheryl. Ni hindi pa nga sila. Yata.

"Sana nga makita ko sila ulit." Na-conscious si Sheryl sa sagot niya kasi parang nagpapa-imbitang ewan siya sa lakad ng barkada. Pinansin na lang niya ang nakahain sa lamesa. "Grabe naman ito, parang hotel breakfast. May pancakes, may toast, may fruits, may yogurt. Pero ang pinakamasarap, yung kape!"

"Siyempre, guwapo ang nagtimpla eh. Pero gusto ko ng kanin. Di bale mamayang lunch na lang natin. With bulalo at tawilis!"

Pag nagpupunta ang barkada ni Sheryl sa Tagaytay, palibhasa all girls dahil hindi usually isinasama ang mga asawa't anak ng mga kaibigan niya, hindi sila sa bulalohan kumakain kundi sa mga out-of-the-way na restaurants na Western food ang inihahanda, o kaya sa mga bed-and-breakfast na may kasamang spa. Mahina siya sa kanin pero masarap sigurong panoorin kumain nang marami si Julius.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Iba na ang May PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon