IV. Ang Magkaibang Plano

18 0 0
                                    

Nag-stop over nga sa malaking gas station sina Sheryl at Julius bago tumuloy sa Tagaytay. Naka-gown si Sheryl, diba? Kasi dapat didiretso sila sa simbahan pagkatapos. Nakasuot naman ng suit nya si Julius maliban sa jacket kaya bagay sila, at hinayaan na lang nilang pagtinginan sila ng mga tao.


Pumasok sila sa Starbucks para magkape. Alam nilang dapat kumain din sila kasi dinner pa ang susunod nilang meal, sa reception.


May gustong tanungin si Julius kanina pa, at nakahanap siya ng pagkakataon nung nakaupo na sila, habang naglalagay ng asukal sa kape niya si Sheryl.


"Uh, Sheryl, earlier when you introduced me to your dad... sabi mo, ano, sabi mo... I'm your 'friend' Julius."


Nagpigil ng tawa si Sheryl. "Tama naman, diba? We are friends, right?" Pinanood niya ang facial expression ni Julius.


Hindi matiyak ni Julius kung paano sasabihin ang follow-up question. Uminom ng kape niya si Sheryl, at naisip na hindi pala muna niya dapat ginamit ang MAC lipstick, sana light gloss na lang muna kasi napunta lang sa coffee cup lahat. Hindi bale, talent naman niya iyong pagre-retouch.


Binalikan niya ang pamumrublema ni Julius nang may konting amusement. "Bakit, akala mo na-Friend Zone kita?" sabi niyang naglalaro ang mga mata.


"No, no, I just wanted to... know what that meant for you." Si Julius ba ito? Si Julius na ni hindi umaabot sa Friend Zone, dahil matapos niyang pagsawaan ang mga babae, halos hindi na siya kinakausap ng mga ito? Si Julius ba itong worried kung kaibigan lang ang turing sa kanya ni Sheryl?


"Look, it's my dad. I know what triggers his alarm system. Hindi ka pa niya kilala e. Hindi pa rin kita masyadong kilala. When it becomes clear to us what we are, then I'll tell him. Okay?" Hindi sinasadya ni Sheryl na mang-pressure. Hindi pa nga naman sila nagtatanong kung anong status nila. Nililigawan ba siya ni Julius? Iyon ang bagay na maiintindihan ng henerasyon ng parents niya. Are they dating? Iyon ang uso ngayon, walang commitment, unless sabihin nila parehong exclusive na sila. Sila na ba? Sheryl was hoping these things would be settled that weekend.


"Ok." Napalunok si Julius. Ito ang napapala niya sa pagtatanong ng mga bagay na hindi niya alam ang sagot. At hindi pa siya handang sagutin. Sa tanda niyang ito, parang hindi nag-aapply lahat ng dati niya nang gawi. Dati-rati, siya ang hari ng MU, ng malalabong usapan.


Ang ikli naman ng sagot, naisip ni Sheryl. Pero ayaw niyang masira ang magandang araw. Hindi siya magmamadali. Kahit na sabi ni Georgia, hindi utak ang pinapagana niya rito kay Julius.


"Tell me, Sheryl," sabi ni Georgia nung huli nilang usap sa Skype, nang mabalitaan nitong sasama siya sa Tagaytay para makilala ang mga kaibigan ni Julius, "which of your standards did Julius meet so exceptionally well? Hindi kaya inabutan lang siya ng right time, yung handa ka nang magka-relationship ulit? Or you just found him irresistibly handsome? Kasi come onnn, sa tinagal-tagal nang paghihintay mo, hindi mo masagot sa akin bakit ang lakas ng tama mo rito kay Engineer?"


Puwede ba naman kay Georgia ang mga sagot na, "Hindi ko maipaliwanag e, basta masaya ako pag kasama ko siya, at wala akong gusto kung hindi makausap siya, isipin siya, o planuhin kelan kami magkikita ulit." So, hindi ito ang sinagot ni Sheryl.

Iba na ang May PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon