KABANATA 5

7 5 0
                                    

Pumanhik na ako pababa pagkatapos kong mag-ayos.

Nagtaka ako ng hindi ko makita sa Sala si ky pagbaba ko.

Kunot-noong umupo ako sa cough.

Bakit wala pa s'ya? its already 5:05am tsk! tsk!

"Senyorito ano pong ginagawa mo dya'n?" tanong ni Mae

"Hinihintay ko si ky"

"Si ky? Nando'n na siya sa kusina. Kanina pa 'yon doon, Nagbabake siya ng cookies. Puntahan mo nalang po siya doon" pahayag niya sa akin

Tumango ako sa kanya bilang tugon.

Pumasok ako sa kusina, Nakita kong pinasok na niya sa loob ng refrigerator ang mga cookies.

Tiningnan n'ya ako at......

Pinagpatuloy ulit ang ginagawa!

The heck! I thought she would great me!

Pagkatapos niyang ipasok lahat ng cookies sa refrigerator ay inayos naman niya ang mesa.

Nilapag niya sa mesa ang isang bowl na kalderitang manok, adobong manok at isang pitchel ng pineapple juice.

Kumuha siya ng isang plato, kutsara, baso at tinidor.  Nilagay niya sa mesa 'yon at.....

Naglakad palabas

"Hey! Hey! Where are you going?" Pigil ko sa kanya

Tinuro lang niya ang labas.

"Ano namang gagawin mo d'on?" Taas-kilay kong tanong

"Hihintayin ka" malamig niyang sagot

"Umupo ka dito, sabayan mo 'kong kumain"

Hinila ko ang katabi kong upuan para d'on s'ya uupo. Tumayo ako para kunan siya ng kubyertos.

"Ano bang tinayo-tayo mo riyaan. Halika na dito" sita ko sa kanya saka tinapik ang katabing upuan.

Naglakad siya palapit sa akin at umupo sa kaharap Kong upuan.

"Sabi ko dito ka sa tabi ko" nauubusang pasinsyang usal ko.

"Bakit kailangang sa tabi mo pa ako uupo?" Malamig niyang tanong

"Wala rin namang masama kong dito ka uupo sa tabi ko!" Singhal ko sa kanya.

Tiningnan niya ako ng masama. Saka tumayo at lumipat sa katabi kong upuan.

Nilagyan ko ng kainin at ulam ang plato niya.

"Kumain kana" utos ko dito

Hindi na siya umangal pa, Kinuha niya ang kanyang kutsara at sumubo.

"Magdahan-dahan ka nga sa pagsubo para kang hinahabol" sita ko sa kanya ng sunod sunod itong sumubo.

"Tsk! Kumain kana ngalang dya'n, dami mong pinupuna" sinamaan niya ako ng tingin.





NAGTAKA ako ng pumasok siya sa kwadra. Pagkatapos naming puntahan ang mga alagang hayop dito agad ang punta niya. May lalakarin ba kami?

Lumabas siya ng may dalang dalawang kabayo. Lalo akong nagtaka aanhin niya ang dalawang kabayo?

"Anong gagawin mo sa dalawang kabayong 'yan?" Kunot-noong tanong ko.

Hindi niya ako sinagot sa halip ibinigay niya sa akin ang tali ng isang kabayo. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Aanhin ko to?"

"Iyan ang gagamitin mo, may pupuntahan tayo"

"B-but I don't know how to ride a horse"

She Caught My Attention (On-going)Where stories live. Discover now