KABANATA 8

4 0 0
                                    



Naghahanda kami ng pamilya ko upang magsimba dahil linggo ngayon, naka-ugalian na talaga namin na tuwing linggo ay magsisimba kami kasama ang ibang mga trabahador sa hacienda Igdanes. Papunta na kami sa mansyon ng mga Igdanes upang sabay-sabay kaming pupunta sa simbahan, nakagawian na talaga namin dito na sabay-sabay kaming pupunta sa simbahan.

Tanaw na namin si Aling rosing at Mae na naghihintay sa labas ng mansyon at ang iba pa naming mga kasama, kami nalang ata ang kanilang hinihintay.

Van ang dala naming sasakyan para magkasya kaming lahat.

"Maayong buntag" bati ni papa sa kanila ng makahinto na kami sa kanilang harapan.

"Maayong buntag pud kol mayong" bati din nila kay papa.

"Kompleto namo?" Tanong ni papa sa kanila.

"Oh kol, kompleto na" sagot naman nila

"Sige sakay namo para makalakaw nata ninyo aron dili ta malate sa mass" Saad ni papa sa mga ito.

Binuksan ko ang pinto ng van para makasakay na sila. Isasara ko na sana ito ng may pumigil dito, at pagtingin ko si kwago pala. Bihis na bihis, naka white long sleeve at maong pants ito.

"Saan ka pupunta?" Takang tanong ko sa kanya.

"Sasama sa inyo magsimba, sinabihan ako ni Aling rosing kanina na magsisimba daw kayo kaya sumama na ako" sagot nito, akala ko gagala siya yun pala alam niyang sa simbahan ang punta namin.

"Sige sakay ka na para makaalis na tayo" utos ko sa kanya, nang makapasok na siya ay sinara ko narin ang pinto.

"Tara na pa" Saad ko ng maisara ko na ang pinto.

Pinaandar narin ni papa ang van para makaalis na kaming medjo binilisan ni papa ang takbo dahil malapit na kaming malate sa second mass. After few minutes nakarating narin kami sa simbahan, ipinarada muna ni papa ang van bago kami lumabas. Pina-una ko na 'yong iba lumabas dahil nag-ayos muna ako saglit sa mukha ko.

Paglabas ko, akala ko ako nalang ang nandoon pero nagkakamali ako dahil nandoon pa si kwago.

"Ano pang ginagawa mo dito?" takang ko sa kanya, don't tell me hinihintay niya ako? Tsk! Nevermind.

"Hinihintay ka" simpling sagot niya, tinaasan ko naman siya ng kilay saka inirapan.

Tinalikuran ko na siya at nauna ng maglakad, hindi ko na siya nilingon kasi alam kong sumunod naman siya sa akin.

Nangmakapasok na ako sa loob ng simbahan nagsign of the Cruz muna ako sa may holy water doon. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng simbahan para hanapin kong saan naka-upo sila mama at 'yong mga kasamahan namin. Nangmakita ko na kong saan sila naka-upo ay pinuntahan ko narin ang mga ito.

After a few minutes nagsimula na ang mass, nakinig lang ako ng mabuti sa mga sinabi ni father.

Pagkatapos ng isang oras natapos narin ang mass, naghintay muna kami ng mga ilang minuto bago lumabas para hindi kami makikipagsiksikan sa mga taong papalabas rin. Mas minabuti naming paunahin nalang ang mga ito.

Nagtungo agad kami sa sasakyan ng makalabas na kami sa simbahan,  pinaandar narin ni papa ang van nangmakapasok na kaming lahat sa sasakyan at pinausad ito. Pumunta naman kami sa paborito naming kainan, dito kami palaging kumakain pagkatapos naming magsimba. Nakagawian narin kasi namin na sa tuwing matapos ang Simba ay magkakaroon kami ng konting salo-salo sa labas.

"Unsay gusto ninyo orderon?" tanong ni mama sa amin ng maka-upo na kami sa restaurant. Nagturo agad ang kapatid ko sa gusto nilang kainin.

"Oh kamo pag-order na pud mo" pahag ni mama sa iba naming kasama.

"Ikaw anong gusto mong-orderin?" Mahinang tanong ko sa aking katabi, kanina pa kasi ito hindi kumikibo halatang hindi niya alam anong ibig sabihin ng mga sinasabi namin.

"Ito nalang at ito" turo niya sa cassava cake at french fries.

"Anong gusto mong panulak?" Tanong ko sa kanya habang tumitingin-tingin ako sa pwede kong orderin.

"Kong ano 'yong sayo 'yun nalang din sakin" pahayag niya sa akin.

Nang makapili na ako sa gusto kong kainin ay tumayo na ako para mag-oder.

After a minutes sabay-sabay na dumating ang nga inorder namin kaya sabay-sabay narin kaming at bago kami kumain syempre pray muna.

Habang kumakain kami nag-usap-usap sila syempre hindi talaga mawawala 'yang chikahan at chismisan kapag may salo-salo.

Pagkatapos ng isang oras napagdesisyonan narin naming umuwi, nagbayad muna si mama sa mga inorder namin bago kami umalis.

Minutes later, nakarating na kami dito sa mansyon at nagsibabaan narin 'yong mga kasama namin.

"Adto sami kol mayong ante lyn-lyn, salamat sa libre" pagkatapos nilang magpaalam at magpasalamat kina mama't papa ay umiwi narin ang mga ito.

Nagpa-iwan ako dito sa mansyon dahil meron akong aasikasuhin. Pumasok na ako sa loob ng mansyon nangmakaalis na sila mama.

Umupo ako sa couch doon at pinaandar ko ang TV para manood ng movie sa Netflix. Nakasanayan ko narin kasing manood dito, pinapayagan naman ako nila tita Samara at tito amir sa kahit anong gawin ko dito sa mansyon nila. Hindi rin kasi sila taon-taon bibisita dito dasi may inaasikasong kompanya si tito amir doon sa Manila.

Habang nanonood ako ng duty after school, rinig ko ang yapak baba sa hagdan.

"Feel at home, ha" sarcastic na wika ni kwago, pero inirapan ko lang siya at nagpatuloy lang sa panonood.

"dodaeche! jeoli gayo!" (Ano ba! Umalis ka nga!) Singhal ko sa kanya ng hinarangan niya ang TV.

"You know how to speak korean?" Manghang tanong nito sa akin at umupo sa kabilang couch.

"geulae, hajiman nan geuleohji anh-a" (oo pero hindi ako ganon kagaling) sagot ko sa kanya pero nakatingin ako sa aking pinanood.

"That's good" sabi niya, hindi na ako kumibo pa kasi ayaw kong kinakausap ako pagnanood ako.

Nasakalagitnaan ako ng panonood ng hindi ko na naramdaman ang presinsya ni kwago sa kabilang sofa, kaya nilingon ko ito at ayon nakatulog pala. Natapos ko naring panoorin ang episodes 1-3, Ng pinatay ko na ang TV kasi aasikasuhin ko na ang dapat kong gawin.

It's already 5pm when I'm done doin' what I do, I already call papa para magpasunod na. But before going home I cooked kwago dinner first.



She Caught My Attention (On-going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora