KABANATA 13

5 0 0
                                    

Kabanata 13




"Kaya mo namang igala ang mga kaibigan mo dito na ikaw lang, alam mo na ang pasikot-sikot dito sa rancho" angil ko kay kwago. Gusto kasi niyang samahan ko pa sila ng mga kaibigan niyang maglakwatsa dito sa rancho.

"I Want you to come with us" pamimilit nito.

"Bakit pa?" Angil ko

"Well may sinabi sa amin ang mga kaibigan mo" pabiting ani nito.

"Ano?" Taas-kilay tanong ko.

"May sapa daw dito" tsk! Ang iingay talaga ng mga 'yun!

"And?"

"Samahan mo kami don" ani pa niya.

"Kayo nalang pasama kayo kay aladin" tanggi ko.

"Bakit? May gagawin ka ba?" Takang tanong niya.

"Meron"

"Ano? Wala namang pasok ah summer na" taka paring ani niya.

"Magpapahinga ako, matutulog ako" nauubos na pasensyang ani ko.

"You should enjoy the summer" pamimilit pa nito.

"Yeah, and I enjoy my summer sleeping all day" Pagtitimpi kong hindi siya masigawan.

"Bigyan mo naman ng oras ang sarili mong magsaya" suhesyon pa nito.

"I know that! Pero ang saya na gusto ko ay mabawi lahat ng gabing kulang ako sa tulog!" Singhal ko dito, namimilit kasi!

"You can slept there thought" sarap niyang sapakin swear!

"BOSIT! BOSIT! TANGINAAAAAAA!" I shout in frustration. I really hate it when I get frustrated naiiyak ako!

Pumunta ako sa kusina't pinakalma ang sarili ko, Ang bilis na kasi ng paghinga ko. Bumalik na ako sa labas nang maging okay ako.

"Let's go" ani ko sa kanila. Nagsalubong ang kilay ko nang makitang nasa golf cart lahat ng gamit nila.

"Aanhin niyo tong golf cart?" Kunot-noong tanong ko. "Ito sasakyan ninyo?" Sarkasmong ani ko, tumango naman si kwago.

"Hindi ba sinabi ng mga kaibigan ko na walang sasakyan ang makakapunta doon?" Hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.

"Wala silang sinabi na ganyan" ani ni zahir. goosh! Huminga ako ng malalim.

"Marunong ba kayong mangabayo?" I ask them.

"Hindi, No" sabay sabay nilang sagot. Jusko po!

Pumasok ako sa loob ng mansyon at kinuha ang susi ng van.

"Lipat ninyo dito ang mga gamit ninyo" utos ko sa kanila nang mailabas ko na ang van.

Isa isa naman nilang nilipat ang mga gamit, pati ang mga pagkaing kanilang pinaluto sa akin kanina. Pagkatapos nilang ilipat ang mga gamit dumating ang mga kaibigan ko na bihis na bihis halatang Alam na Alam ang outing na gaganapin.

Nakangisi pa itong bumati sa akin. Mga siraulo talaga! ani ko pa sa isip.

"Pasok na kayo" pumasok ako sa driver seat.

"Ikaw magd-drive?" gulat na tanong ni kwago. Nilingon ko siya at tumango. Nagtinginin silang, halatang walang tiwala sa akin.

"Sumakay na kayo, baka magbago pa isip ko" pananakot ko sa kanila.

Hinintay kong makapasok silang lahat bago pinausad ang van.

"Ky bakit ibang daan to?" Kinakabahang tanong ni ethyl.

She Caught My Attention (On-going)Where stories live. Discover now