KABANATA 17

29 0 0
                                    


Kabanata 17



"Ky, pinatawag ka ni Dr. Juliet" ani ng kasamahan kong si shine paglapit niya sa akin.

"Bakit daw?"

"Iwan," Kibit-balikat niyang wika "puntahan mo nalang"

"Sige, nasaan ba siya?"

"Sa office"

Iniwan ko na siya doon at pumunta sa office ni Dr. Juliet. Dr. Juliet is our head Doctor here in Apocon Regional Hospital.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto bago binuksan ito.

May kinalikot siya sa kanyang laptop. Nag-angat ito ng tingin sa akin nang mapansin niya ako.

"Pinatawag niyo raw ho ako" I smile at her.

"Ah, Yes sit down please" turo niya sa katapat niyang upuan.

"I called you because I have a favor to you" panimula niya.

"Ano po 'yon?" I curiously ask

"Nakatanggap ako ng tawag from Manila. Mr. Igdanes doctor, and said that Mr. Igdanes will be transfer here I mean he's going back to their rancho for his recovery and he need a nurse to assist him" Bigla akong nanlamig sa narinig.

"Bakit po ako?" I politely ask, baka masamain niya ang tanong ko.

"Dahil alam kong kilala mo siya at malapit lang kayo ng bahay, right? At alam kong maaalagaan mo siya ng mabuti," Ngumiti siya ng malaki sa akin. "Tatanggapin mo ba ang offer?" Tanong niya sa akin.

"Pag-iisipan ko pa po"

"50k per week ang sahod mo" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"50k per week po?" Ulit ko, 'di makakapaniwala. Ang laki ng namang ng offer nila.

"Yes, ano Go ka ba?" Ani niya. I smile at her.

"Sige Go ako diyan, mahirap tangggihan ang grasya" natawa kaming dalawa.

"We'll be expecting them to arrive two weeks from now" pahayag niya.

"Okay noted po Doc. matagal-tagal pa pala"

Nag-usap muna kami ng ilang minuto tungkol sa in-offer niya sa akin bago ako nagpaalam.

"Sige po malapit na out ko, alis na ako" paalam ko sa kanya.

"Sige ingat ka pauwi, dahan dahan lang sa pagmamaniho" bilin niya sa akin.

Ngumiti muna ako sa kanya bago tuluyang sinara ang pinto.

"Oh ano, bakit ka pinatawag?" Usisa ni shine sa akin nang makabik ako.

"May binigay lang na bagong trabaho" niligpit ko na ang mga gamit ko dahil malapit na ang off ko.

"Ano namang trabaho 'yan?" Curious niyang tanong

"Private nurse lang"

"Ay wow nagl-level-up si anteh mo" biro niya sa akin.

"Tskk! Ikaw talaga, oh sige alis na ako out ko na" paalam ko sa kanya.

"Sige ingat ka-bye" kumaway siya dta akin "i-kumusta mo ako sa tatlo mong anak" habol nito. Tinangoan ko lang siya.

Umuwi muna ako sa condo para iwan doon ang mga gamit ko pang-hospital at maligo narin bago uuwi ng probinsya.

Nagmadali na ako dahil malapit ng gumabi, medjo malayo pa naman ang babyahiin ko.

Hindi ko nakalimotang dumaan sa  Dunkin donuts store para bumili ng pasalubong sa mga anak ko. Bumili rin ako ng limang kilo ng ubas.

Nag-drive thru rin ako sa Jollibee at McDo pangpasalubong sa parents ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She Caught My Attention (On-going)Where stories live. Discover now