KABANATA 9

5 0 0
                                    

Kabanata 9




Maaga akong gumising upang ipaghanda ang mga kapatid ko para pumasok ngayong araw. 3:00am palang ay gising na ako kasi pupunta rin ako sa rancho ngayong umaga bago pumasok.

Pagkatapos kong mahanda ang umagahan at lunch box nila ay naglinis muna ako sa sala at kusina bago naligo.

Umalis agad ako sa bahay pagkatapos kong maligo, tamang-tama'y 4:30am nang maka-alis ako.

Pagkadating ko sa mansyon ng Igdanes ay agad ko ring ipinagluto ng agahan si kwago. Marunong namang magluto sina Aling rosing at Mae pero ako talaga ang inatasan nila tita Samara sa pagluto ng pagkain para sa kanilang anak.

Sinigang lang na baboy ang niluto ko para sa agahan ni kwago. After a few minutes naluto narin ang sinigang na baboy, tamang-tama nandito narin si kwago.

"Good morning" bati ni kwago sa akin pagpasok niya.

"Morning" maikling bati ko rin sa kanya.

"Wala kang pasok ngayon?" Takang tanong nito sa akin.

"Meron, mamayang 8:00am pa" sagot ko ng nakatalikod sa kanya. Hinanda ko na ang sinigang na baboy.

Nang-inilagay ko na ang sinigang sa mesa, nagulat ako ng nakahanda na ang mesa. I didn't expect na gagawin Yan ni kwago nangkusang loob.

Pagkahanda ko sa pagkain ay umupo narin ako at nagsimula na kaming kumain.

After we ate I washed the dishes at pumunta na sa vegetable farm. Kailangan kasi ako ngayon don dahil ihaharvest na 'yung ibang mga gulay.

Pagkadating ko don, malapit na silang matapos sa paghaharvest.

"Maayong buntag sa inyo" bati ko sa kanilang. Pagkababa ko sa sinasakyan kong kabayo.

"Maayong buntag pud ky" bati rin nila sa akin.

Tumulong narin ako sa pag-aani ng mga gulay para mas mabilis silang matapos.

After an half hour, natapos narin naming iharvest ang mga gulay. Tamang-tama ay dumating narin ang pick-up nakukuha sa mga gulay para dalhin sa merkado.

Pagkatapos makarga lahat ng gulay sa pick-up ay umalis na ito. Nagpaalam narin ako sa mga trabahador na nandon na umalis narin dahil may pasok pa ako.

Pagkadating ko sa bahay ay naligo ulit ako dahil na ngangamoy pawis ako. Nagpahatid narin ako kay papa papuntang paaralan pagkatapos kong magawa ang routines ko before going to school.

"Good morning, Good morning ky" itong dalawang kaibigan ko agad ang bumungad sa akin pagpasok ko sa room.

"Morning" walang ganang bati ko sa kanila.

"Hooy babae ka Hindi mo sinabi sa amin na may dinidate ka na pala ah" tukso ni chele sa akin, kimunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

"Oo nga chika ka naman oy! Daya nito di porket may nanliligaw na sayo maglilihim kana" gatong din nitong si Etheyl.

"Pinagsasabi ninyo, yan na ba ang resulta sa pinagsabay ang thesis at ibang mga requirements. Kong ano-ano nakikita ninyo" inirapan ko sila at tinalikuran. Pumunta na ako sa upuan ko at inilagay ko na don ang mga dala kong gamit.

"Hoy! hindi kami namamalik-mata or guni-guni noh! Totoong nakita ka naming nagsimba kahapon na may kasamang gwapong lalaki" natigilan ako ng marinig ko 'yon.

"Oh, natigilan ka kasi nahuli ka namin" ani chele, pinaningkitan pa niya ako ng mata. Parang tanga.

"Hindi ko naman kasi boyprend o manliligaw ang impaktong 'yon!" Singhal ko sa kanila.

She Caught My Attention (On-going)Where stories live. Discover now