CHAPTER 5

82 7 0
                                    

Chapter 5: Kid




DAYS have passed and I didn't bother to make a plan. Walang saysay rin naman iyon kung sakaling maisipan kong gumawa ng plano dahil may mamamatay at mamamatay na mga inosenteng tao kahit anong gawin ko.

Knowing that ruthless mafia boss, he would not make second thoughts about killing someone. Parang pagpitas lang ng bulaklak ang ginawa niyang pagpatay sa isang tao. Ni 'di man lang nangilabot sa mga ginagawa niya!

I heaved a deep sighed nang maalala ko si Lucia. Sa kakarampot na minutong nagkakilala kami ay parang gumaan ang loob ko ngunit kasabay rin no'n ang inuusig kong konsensiya. Alam ko sa isip ko na tinangka ko siyang gamitin, that I've take advantage her innocence in order for me to escaped.

Kung saan ka man ngayon, Lucia, sana'y makamit mo ang kapayapaan kahit na ganoon ang ginawa sa 'yo ng amo mo.

Iba na rin ang katulong na nagsisilbi at nagbibigay ng pangangailangan ko. Mas matanda iyon kumpara sa naunang nakilala ko pero minabuti ko na lang na huwag masyadong makipag-usap sa kaniya dahil baka iyon pa ang maging dahilan ng pagkawala ng buhay sa mata nito.

Kapag natutulog ako sa gabi o tuwing lalapat ang katawan sa higaan ay paulit-ulit kong nakikita ang ginawa ng taong iyon. Anong karapatan niya para kumitil ng buhay?

I was so furious but I coudn't do anything.  All I can do was to cursed him into the depths of my mind, torture him with my awful words, and continously dragged him to the pits of hell with my thougths.

Naputol ang pag-iisip ko at napalingon sa pinto nang marinig ang marahang pagkatok roon. "Ma'am Jeyk, ito na po ang pananghalian nin'yo," anuns'yo nito kasabay nang pagbukas ng pinto.

Nginitian ko lang ito at tumango. 'Gaya ng ginagawa ni Lucia sa 'kin ay nagbigay galang muna ito bago at pagkatapos nilapag ang pagkain, saka isinara ang pinanggalingang pintuan.

Hindi ko na mabilang kung ilang araw na ako rito. Wala na rin kasi sa akin ang cellphone ko. Baka buwan na nga 'ata ang nilagi ko sa apat na sulok na k'wartong 'to.

Matagal na ring hindi ko narinig ang boses ni Agon at ng mga kaibigan nito. Siguro ay hindi ito naglalagi sa mansiyon niya o hindi kaya ay may iba pang ginagawa kaya hindi siya nakauuwi rito. It's possible na hindi ko lang talaga naririnig dahil sound proof itong pinaglalagyan ko? I brushed the thought off my mind. Bakit ko ba iniisip ang mga taong iyon?

I got off my bed and eat but I stopped when I felt something on my chest. Panadalian lang iyon kaya hindi ko na pinansin pa. Pinagpatuloy ko ang pagkain hanggang sa matapos ako.

Iniwan ko na roon sa mesa na nasa gilid ng pinto ang pinagkainan, I know that Karen, the new maid, will picked that up.

Pumasok na ako sa banyo para gawin ang routine ko. Mabilis akong natapos sa pagligo at kasalukuyang nasa veranda para lumanghap ng sariwang hangin.

The sky was gloomy today, I think there's a storm coming. Napapikit ako sa malamig na hanging nalalanghap, seems it will rain any moment.

Medyo malakas rin ang hangin at nagsasayawan ang mga puno sa loob ng mansiyon at maraming nagliliparang mga tuyong dahon sa paligid. But despite of that situation, ang mga tauhan ni Agon ay nakatindig pa rin sa kani-kanilang p'westo at walang pakialam sa malakas na hangin.

Bigla na lang pumasok na katanungan sa isip. Pinagpapahinga niya rin kaya itong mga tauhan niya? Napailing ako, who cares anyway?

Suddenly, my gazed darted on the garden. Malayang namumukadkad ang mga rosas na puti sa bawat hilera. May mga iba't ibang uri rin ng mga bulaklak sa paligid, mukhang alagang-alaga sa kahitikan ng hardin. It was relaxing to be in there, I guess.

Mafia Society #1: Chained to the Ruthless Mafia BossWhere stories live. Discover now