CHAPTER 9

82 5 2
                                    

Chapter 9: Danger


"SHE'S kuya's girlfriend!" sagot ni Levin na ikinalaki ng mata ko. Sinamaan niya ng tingin ang lalaki. Acting as if he was big than the man he was facing.

Girlfriend? What the hell?

The guy smirked at me. "Nice catch. Tiyak na matutuwa nito si boss." Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at pumito.

"Stop staring like that on Ate Jeykcil! Stupid bad man!" inis na suway ni Levin sa lalaki kaya pinigilan ko agad nang akmang lalapit sa lalaking iyon.

Oh god! Ang talim ng tabas ng bibig ng batang ito. Ngayon ko lang ata narinig na nagmura si Levin.

"Levin. Please don't do that," pakiusap ko dahil baka kung ano ang gawin nito sa bata.

I'm not afraid for my life but in Levin's. Ayokong may mangyari sa kaniya. No! I can't let that happen, mamamatay muna ako bago nila mahawakan siya.

Mas lalo siyang humalakhak. "Tinuruan talaga ni del Vecho itong kapatid niya, hmm? Nice. Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo bata."

Tinutukan niya ng baril si Levin na ikinasigaw ko.

"Oh my god! No!" Tinago ko agad si Levin sa likuran ko kaya sa akin na nakatutok ang baril. My heart was thumping hard facing the muzzle of the gun that any minute will fire me to death. Naramdaman ko ang pagpupumiglas ni Levin sa likuran ko dahil gusto niya akong protektahan pero hindi ko siya binitiwan. "Levin, please, stay on my back. Diyan ka lang, Ate Jeyk will protect you."

Tumawa na naman ang lalaking iyon at parang mabunutan ako ng tinik sa dibdib ng ibinaba nito ang baril na nakatutok sa akin. I thought he would put it on his lap but he didn't. Mabilis niyang pinalabas ang kamay sa bintana saka walang habas na kinalabit ang gatilyo na naglikha nang malakas na tunog ng putok.

I put both of my hands on Levin's ears and hugged him tightly. Ramdam ko rin ang pagkagulat ng bata sa putok ng baril. He was startled for the gunshot and began to hug my waist tightly.

"Ate Jeyk, I'm scared," pakinig kong usal ng bata. Tuluyan nang nawala ang tapang na kanina ay pinapakita niya. Nervousness can be hear on his voice.

Who wouldn't be scared in our situation that we are in grave danger? Sino ang hindi mangangatog gayong isang kalabit lang ng gatilyong ito ay agad na tatakas ang buhay sa mata namin? Besides, Levin is still a kid, hindi dapat niya nararanasan ang ganitong bagay. He's still too innocent to find out about this world.

"Shhh. Your kuya will saved us here. Don't worry," pampalubag loob ko sa bata na kahit ako ay hindi ko naman alam kung magiging totoo ba itong sinabi ko sa kaniya, pero may katiting na pag-asa sa isip ko na sasagipin kami ni Agon ngayon. Kapatid niya ang nasa bingit ng kamatayan ngayon, it was impossible for him to sit idly.

Bigla akong napayuko at niyakap si Levin nang muling magkaputukan. Humalakhak na parang demonyo ang lalaking nagmamaneho sa kotseng ito at pinaliko-liko pa ang kotse as if he's mocking the other cars behind us.

Dumadagundong ang dibdib ko at naglayag ang isip sa kung ano mang kayang gawin ng lalaking ito sa amin ni Levin. Mabilis akong nag-isip ng paraan para makalabas sa kotse at bigla akong napatingin sa pinto na nasa harap ko.

Ilang ulit akong napatingin sa lalaki at sa pinto. Kasabay no'n ang pag-angat ng ulo ko para silipin ang mga kotseng nakabuntot sa 'min.

All of the cars are familiar to me and I know this is all Agon's men. Sa pagkakataong ito alam kong papunta na rito ni Agon pero hindi ko na kaya pang maghuntay ng tulong mula sa kaniya at sa mga tauhan niya.

Mafia Society #1: Chained to the Ruthless Mafia BossWhere stories live. Discover now