Chapter 6: Budol Fight

3 1 0
                                    

Asia’s POV

”ASIA, IHA! Halina na kayo rito at magsisimula na ang budol fight.” tawag sa amin ni Tita Marsha habang nakikita kami parating galing sa burol.

“Yun tamang-tama gutom na nga ako.” masayang sabi ni colt at agad na hinila si Tayra papunta sa harap ng mahabang lamesa na punong punong ng iba’t ibang uri ng pagkain kaya natatawang sumunod na lang kami sa mga ito.

Nang makita ko ang mga pagkaing nakahain sa lamesa ay hindi ko mapigilang makaramdam ng gutom. Agad din namang dumami ang mga tao na nakapalibot sa lamesa ng tinawag na ito ng mga opisyales upang simulan na ang budol fight.

“MGA MINAMAHAL KONG KABARANGAY NAIS KO KAYONG PASALAMATAN SA PAKIKILAHOK NIYO SA PAGDIRIWANG NATIN SA ARAW NA ITO KAYA NAMAN SABAY-SABAY NATING ISIGAW ANG HAPPY FIESTA BARANGAY MAPAGMAHAL!“ malakas at maligayang pahayag ng kapitan ng barangay.

“HAPPY FIESTA BARANGAY MAPAGMAHAL!” sabay- sabay naming sigaw.

“SIMULAN NA ANG BUDOL FIGHTTTT!” muling pahayag ng kapitan kaya tuwang-tuwa ang mga taong pumunta sa may gripo at naghugas na ng kanilang mga kamay para sinimulan na ang pagkain. Dali-dali din akong sumunod kina Tayra ng makita kung naghuhugas na rin sila ng kamay.

“Marunong ka bang magkamay kumain?” tanong ni Tayra sa akin.

“Oo naman ako pa.” sagot ko na may halong confidence.

“HAHA okay balik na tayo doon.” masayang yaya nito sa akin kaya agad kaming bumalik sa may lamesa at humanap ng pwesto.

Pagkabalik namin dito ay nagsisimula ng kumain ang mga tao habang tumabi naman si Tayra kay Colt na parang mauubusan ng pagkain sa sobrang dami ng pagkain na nasa tapat niya. Naiiling na lang na lumapit ako kay Millady at hindi na nag-abala pang  tingnan ang tao na katabi ko sa kabila.

Bago kumain ay masaya ko munang  pinagmamasdan ang mga tao sa paligid ko dahil sa pag-aakalang hindi ko na mararanasan ang ganito kasaya sa buong buhay ko.

“Asia kumain ka na. Kanina ka pa nakatulala dyan.” natatawang wika sa akin ni Millady na nasa kaliwa ko.

“Ah sige.” nahihiya kong sagot dito.

Nang kukuha na ako ng pagkain sa harapan ko nagulat ako ng makitang wala ng pagkain pati sa tapat ko. Agad kong iginala ang paningin ko at ng makakita ako ng bunton ng pagkain sa may tagiliran ko ay aabutin ko na sana ng may biglang kumuha na nun at naunahan na ako.

“Haysst, mukhang uuwi ako ng gutom.”  malungkot kong bulong sa aking sarili

“OH, kainin mo.” masungit na sabi ni Satu habang nilalagay sa harapan ko ang pagkain niya kaya gulat akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam na sya pala ang katabi ko sa kanan.

“Ha? pero sayo yan eh.” nag-aalangan kong sagot dito.

“Hindi naman ako patay gutom na tulad mo.” masungit pa rin nitong sabi kaya inirapan ko na lang ito at sinimulan ng kumain.

“Ah ano nga ang tawag dito?” tanong ko dito habang kumukurit dun sa parang isda na matigas.

“Tuyo yan. Para yan lang di mo pa alam.” sagot nito habang seryosong nakatingin sa ginagawa ko.

“Eh sa hindi ko alam eh.” inis kong sabi dito kaya nanggigil kong pinisil ung tuyo.

“Arayy ko po!” mangiyak-ngiyak kong sabi kaya agad na natigilan si Satu at hinawakan ang kamay ko.

“Tss… d kasi nag-iingat eh.” paninisi pa nito sa akin

“Ikaw kaya ang may kasalanan kung hindi mo ako iniinis di ko pipisilin iyang tuyo at hindi ako matitinik.” ganti ko dito.

“Oo ako na may kasalan.” napipilitan nitong sabi na may kasama pang irap. Tingnan mo to kalalaking tao ang hilig mang-irap. Walang originality. HAHAHA

“Napipilitan ka lang ata eh.” sabi ko pa rin dito kaya naman ang walanghiya pinisil iyong daliri ko na natinik.

“Aray ko naman!” nanggigigil kong sabi.

“Wag kang OA. Malayo pa yan sa bituka.” sagot nito sabay bitaw sa kamay ko

“Eh sa masakit eh.” bulong kong sabi kasi baka sungitan na naman ako. Paano kaya ako nito kakain takot na ako kasi baka matinik na naman ako. Kung bakit ba naman kasi may padrama drama pa ako kanina iyan tuloy naubusan ako ng ibang ulam.

“Nga-nga.” masungit na sabi ni Satu habang hindi makatingin ng diretso sa akin at namumula ang tainga.

“Anong ginagawa mo?” nagtatakang tanong ko dito

“Wag ka ng  magtanong basta gawin mo na lang ang sinasabi ko kung ayaw mong magutom.” pagalit naman nitong sagot. Tingnan mo to kanina nahihiyangayon naman galit na pero wala akong pake kaysa magutom naman ako diba.

“Ahhh.” nakanganga kong sabi at natawa ako ng makita kong mas lalong namula ang tainga nya ng matapos niya akong subuan.

“Ahemm wag kang tumawa naawa lang ako sayo.” nahihiya nitong sabi habang patuloy sa pagsubo sa akin. Nang matapos kaming kumain ay tumulong kami sa paglilinis ng mga pinagkainan bago sabay-sabay umuwi.

Pagkarating sa bahay nina Satu ay agad na akong dumiretso sa kwarto ni Ven-ven para gawin ang mga night routines ko bago matulog. Nakita ko na mahimbing nang natutulog si Ven-ven sa kanyang kama, nauna na kasing umuwi sina Aling Marsha pagkatapos ng budol fight dahil inaantok na daw si Ven-ven. Pagkalabas ko ng CR ay dahan-dahan na  akong humiga sa kama at napangiti ng naisip ko ang lahat ng nangyari kanina.

“May tinago din pa lang kabaitan sa katawan ang SATUpak na yun eh.” mahina kong bulong sa aking sarili kaya hindi ko mapigilan na makaramdam ng kaunting kilig. Konti lang kasi masungit pa rin sya at tupakin minsan sweet madalas galit.

“Tss…di ka pwedeng kiligin.” mariin kong sabi sa aking sarili at hindi mapigilang tapikin ang aking noo dahil doon ay gumalaw ang kama at medyo naalimpungatan si Ven-ven.

“Ate bakit? mahinang tanong nito sa akin.

“Wala baby, huwag munang pansinin si Ate sige na matulog ka na ulit.” sabi ko sa kanya kaya bumalik na ulit sya sa pagtulog. Nang makita kung nakatulog na ulit ito ay naisipan kong lumabas saglit dahil hindi pa ako inaantok. Dumiretso ako sa may terrace at pinagmasdan ang kalangitan na puno ng mga bituin.

“Kayo na ang bahala sa akin mom at dad. Natatakot po ako kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili kong mahulog sa lalaking kinaiinisan ko at the same time ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng puso ko” bulong ko sa hangin habang pilit inaabot ang mga bituin.

“Bakit di ka pa natutulog?” tanong sa akin ng isang baritonong boses.


-------------------------------------

Please vote, comment, and share
Thank you!!!

<<cii_chelles>>

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Alone (ON GOING) Where stories live. Discover now