Chapter 3: Fiesta

46 14 0
                                    

Asia's POV

"Sasama ako sayo."

"Huwag na." sagot ni Satu

"Pumayag ka na kasi na sumama ako...pretty please..." pacute kong sabi dito pero mukhang waepek pa rin

"Huwag na. " saad muli nito

"Bakit ba kasi ayaw mo akong isama?" medyo naiinis ko ng tanong kasi hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong naki-usap sa kanya simula kanina na isama ako pero pare-parehas ang nakukuha kong sagot. HUWAG NA, HUWAG NA puro na lang huwag na, wala na ba syang alam isagot kung hindi yun pwede namang sige na lang.

"Hindi pwede na hindi ako sumama sayo dahil nangako ako sa mga kaibigan mo na pupunta ako." paliwanag ko dito at baka sakaling pumayag na sumama na ako sa kanya papunta sa court.

Ngayong araw kasi na ito ang kapistahan ng kanilang barangay at sabi sa akin ni Ven-ven na tuwing fiesta dito sa kanila ay nagkakaroon ng mga patimpalak o palaro ang mga opisyales ng barangay. Ang mga mananalo daw ay makakatanggap ng premyo pwedeng pera o grocery depende sa kung anong sinalihan mo tapos pagsapit daw ng hapon ay nagkakaroon sila ng budol fight at wala akong ideya kung ano yang budol fight na yan.

"Huwag na nga bakit ba ang kulit mo." sagot nito sa akin na parang nauubusan na yata ng pasensya dahil kanina ko pa syang kinukulit na isama ako

"Eh kung pinapayagan mo na lang kasi ako diba edi sana hindi kita kinukulit ngayon tapos ikaw pa itong magagalit." gigil kong sagot dito

HA! hindi lang sya ang may karapatang magalit kasi in the first place pwede naman na hindi na lang ako magpaalam sa kanya pero ano nagpaalam pa rin ako.

"UYYY LQ SILA." kinikilig na sigaw ni Ven-ven sa amin ng lumabas sya sa kanyang kwarto na nakabihis na rin.

Sabay tuloy kaming nag-iwas ng tingin sa isa't isa at nanahimik kung bakit naman kasi daig pa namin ang magjowang nagtatalo kanina pati tuloy bata iba na ang naiisip.

"Anak payagan mo na kasi si Asia na sumama sayo para naman malibang sya habang nandito sa atin at hindi mainip dito sa bahay." nakangiting pahayag ni Tita na kasunod pala ni Ven-ven ng lumabas ng kwarto.

"Sige po Inay." sagot nito sa kanyang ina

Nang marinig ko ang sagot nito sa kanyang ina ay nang-aasar na tumingin ako sa kanya at dinilatan sya. Alam nyo kung anong ginawa ni SATUpak? INIRAPAN lang naman ako kalalaking tao nito nang-iirap kaya inirapan ko din sya kala nya ha di ko sya uurungan...dukutin ko mata nya dyan eh...HAHAHA

Pagkatapos naming na mag-irapan eh humarap agad ako kay Tita.para magpasalamat.

"Salamat po Tita." tanging nasambit ko na lamang buti na lang pala nandito pa sina Tita kung hindi baka hindi na talaga sinama nito kanina kasi dapat maaga silang aalis kaya lang tulog pa si Ven-ven kaya inintay nya muna itong magising.

"Sya sige na mauna na kayo doon at Asia." tawag nito sa akin

"Po?"

"Mag-enjoy ka lang iha." paalala nito sa akin

"Oo naman po." masayang sagot ko

"Alis na po kami Inay." paalam ni Satu sabay nagmano kay Tita at ginulo ang buhok ni Ven-ven.

"Kita na lang po tayo doon." sabi ko at nagmano rin dito tapos pinisil ko naman ang pisngi ni Ven-ven
"Bye ate at kuya." kumakaway na paalam sa amin nito habang naglalakad na kami palabas ng bahay kaya kumaway din ako pabalik dito

"Tss...childish" bulong nito na narinig ko naman

"Ako childish?" sabi ko habang nakaturo sa sarili ko at tumigil pa sa paglalakad

Love Alone (ON GOING) Where stories live. Discover now