Chapter 2: Meet His Friends

74 27 3
                                    

Asia's POV

Tulala lang ako dito sa terrace nila Satu habang pinagmamasdan ang mga tao sa labas ng kani-kanilang mga bahay na busy sa paglalagay ng makukulay na bandiritas habang ang mga bata naman ay masayang naglalaro. Nabanggit kasi sa akin ni Ven-ven kanina na bukas ay kapistahan na ng kanilang barangay kaya kahit medyo madilim na ay marami pa ring tao sa labas.

"Asia bakit nandito ka lang, dapat ay nakikihalubilo ka rin sa mga kabataan dito." sabi sa akin ni Tita Marsha (nanay ni Satu)

"Naku! Eh wala naman po akong mga kakilala dito." nahihiyang sagot ko dito

"Halika at sumama ka sa akin para makilala mo yung mga kaibigan ni Satu." saad nito at hinawakan ang kamay ko kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumama

Pagkalabas ng bahay ay agad kaming dumiretso sa grupo ng mga kabataan na nakatambay sa may basketball court na hindi naman kalayuan sa kanilang bahay. Halos hindi ako makatingin sa harapan dahil ayoko makita si Satu na masama ngayon ang tingin sa akin.

"Inay ano pong ginagawa nyo dito?" magalang na tanong nito kay Tita Marsha

"Anak dapat hindi mo iniiwan itong kaibigan mo na mag-isa sa bahay." sermon nito kay Satu
"Eh inay-" hindi na natapos ang sasabihin nito dahil agad na nagsalita ulit ang kanyang ina

"Tumigil ka Satu at asikasuhin mo yang bisita mo. Hala sige at aalis na ako." sabi nito at naglakad na paalis pero agad ko itong hinabol

"Ahh Tita sasama na lang po ako sa inyo." sabi ko dito

"Iha mas nababagay ka dito dahil puro kami may edad na doon atsaka si Satu na ang bahala sayo dito." sagot nito at tuluyan ng umalis kaya wala na akong nagawa kung hindi ang bumalik sa pwesto nina Satu at umupo sa isang bench na katabi ng inuupuan nila.

Tahimik lamang akong umupo at pinagmasdan silang magkakaibigan. Nagulat ako ng lumapit sa akin yung dalawang babae na kaibigan ni Satu.

"Hi!!! mga kaibigan kami ni Satu, I'm Millady and this is Tayra." pagpapakilala sa akin nung dalawa

"Asianne pero pwede nyo akong tawaging Asia." nakangiti kong sagot sa kanila dahil mukha naman silang mababait hindi katulad ni Satu na may SATUpak lagi. HAHA

"Tara dun tayo kina Satu at ipapakilala ka namin dun sa dalawa." sabi ni Edna

"Ha! Wag na nakakahiya." pagtanggi ko sa mga ito

"Naku! Wag ka ng mahiya sa mga yun." sabi naman ni Tayra na hinihila na ako

Ano pa nga bang magagawa ko edi syempre sumama kahit na malapit na yata akong matunaw dahil sa mga tingin ni Satu...masamang tingin actually...(^.^)

Nang makarating kami sa pwesto nung mga lalaki ay agad nila akong pinakilala sa mga ito.

"Guys meet Asia our new friend." pakilala sa akin ni Tayra.

"Ikinagagalak kong makilala ka binibini, Andres ang aking ngalan." pagpapakilala nung lalaking nakasalamin at may hawak na libro

Halos manosebleed naman ako sa words na ginamit nito.

"Hay naku Asia, pagpasensyahan mo na yang si Andres at mahilig talaga yan gumamit ng mga ganyang salita kaya nga andres ang pangalan nyan eh dahil kapanahunan pa nyan ang bayaning si Andres Bonifacio." natatawang sabi ni Millady.

"Ha?" nasabi ko na lang

"Wag munang pansinin yang dalawa dahil ganyan lang talaga sila magmahalan." tumatawang sabi ni Tayra kaya pati kaming lahat ay napatawa na rin maliban kay Millady at Andres na ang sama ng tingin sa isa't isa.

Love Alone (ON GOING) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt