Chapter 1: The Beginning

133 29 0
                                    

Third Person's POV

Isang babae ang naglalakad sa isang lugar na tahimik at tanging mga huni lamang ng ibon ang iyong maririnig. Sa isip ng babae ay malayong-malayo ito sa lugar na kanyang kinagisnan.

"Hay... pagod na pagod na talaga ako. Humanda talaga sa akin ang mga babaeng yun kapag nakabalik ako doon. Babalatan ko talaga sila ng buhay...grrr" sabi ng babae habang patuloy pa rin sa kanyang paglalakad.

Maya-maya pa ay nakarating sya sa isang lugar na maraming mga tindahan kung saan karamihan ay mga prutas at gulay ang tinda (PALENGKE) ng biglang kumalam ang kanyang sikmura.

"Gutom na rin ako pero wala na akong pera dahil kinuha na rin nung babaeng yun. TSS... bahala na nga." bulong nito sa kanyang sarili at naglakad palapit sa isang tindahan ng mga prutas

"Ahh Manang, magkano po ang kilo ng mansanas? lakas loob na tanong ng babae sa isang tindera

"Singkwenta Ineng." sagot ng tindera

"Isang kilo nga po."

Naglagay na ang tindera ng mansanas sa isang plastic at kinilo. Nang makitang may isang kilo na ito ay agad na nitong inabot sa babae ang plastic na naglalaman ng mga mansanas.

Pagkakuha ng babae dito ay nagmamadali na itong tumalikod pero tinawag ito nung tindera.

"Ineng wala ka pang bayad." sabi ng tindera sa babae

Nahihiyang humarap ang babae at hindi nagdalawang-isip na maki-usap sa tindera.

"Ano kasi...Manang wala po kasi akong pera eh tapos gutom na gutom na rin po ako kaya baka pwede pong libre na lang." mahinahong sagot ng babae na may halong pagmamakaawa.

"Nako pasensya ka na Ineng pero hindi pwede eh kailangan ko din kasi ng pera para sa pagpapagamot ng aking anak." malungkot na sagot ng tindera

"Pero Manang..." maikling tugon ng babae ngunit nakita nyang malungkot na umiling ang tindera kaya iaabot na nya sana ang plastic na may lamang mansanas dito ng may biglang nagsalita.

"Ako na ho ang magbabayad Aling Wanda. Magkano po ba?" sabi nung isang lalaking bigla na lamang sumulpot at mukhang kilala nung tindera.

"Ohh Satu! Ikaw pala yan. Singkwenta lang iho." nag-abot agad yung lalaki ng singkwenta pesos sa tindera at agad nito iyong tinanggap kaya hindi na muli itong nagtangka pa na kunin sa babae ang mga mansanas.

"Oho namalengke po kasi ako dahil wala pa si Inay at nasa trabaho pa kaya ako ho muna ang gumawa nito. Sige po mauna na ako Aling Wanda." sagot nung lalaki at umalis na

Nang makarecover sa pagkagulat ang babae dahil sa biglaang pagsulpot ng lalaki ay nagmamadali na itong nagpaalam sa tindera at agad hinabol ang lalaking tumulong sa kanya.

Asia's POV

"TEKA LANG KUYA!" sigaw ko habang tumatakbo pero tuloy pa rin sa paglalakad yung lalaki

"HEY STOP WALKING!" sigaw ko ulit pero diretso pa rin ito

Kung bakit naman kasi napakabilis nitong maglakad daig pa yata nito ang may lahing kangaroo eh. HAHAHA

AKALAIN MO NGA NAMAN...AKO NA SI ASIANNE MYTH PETERSON AY HINDI MANLANG PAPANSININ NG LALAKING YUN!!! HA HINDI MAAARI... (smirk)

"SATUUUU! PLEASE DON'T LEAVE ME." sigaw ko na maluha-luha pa at umupo sa may daanan kaya naman ang ending sobrang dami na ngayon ng mga matang nakatingin sa amin.
Medyo nahihiya ako sa ginagawa ko pero wala na akong pake basta makausap ko lang ang lalaking ito. Kailangan ko ng matutuluyan ngayon dahil malapit na ring dumilim at sya lang ang naiisip kong taong makakatulong sa akin.

Love Alone (ON GOING) Where stories live. Discover now