Chapter 4: It's Just A Game

37 17 0
                                    


Asia’s POV

“MAGANDANG MAGANDANG UMAGA po sa lahat ng mga taga Barangay Luna Olivia Vienne Esperanza (L-O-V-E). ISA NAMAN PONG MASIGABONG PALAKPAKAN AT HIYAWAN DYAANNN” energytic na bati sa amin nung pagirl na MC na agad namang tinugon ng mga tao na kahit pati ako at sina Tayra ay nakikisabay rin syempre maliban lang dun sa tatlong lalaki.

Medyo nacurious lang ako kung bakit ganoon ang pangalan ng kanilang barangay kaya naman kinulbit ko si Millady na syang katabi ko sa upuan habang sa kabila ko naman ay si Tayra. Ito ang pwesto namin sa upuan.

Millady---Ako---Tayra---Colt---Andres---Satu

“Bakit?” tanong sa akin ni Millady matapos ko syang kulbitin

“May itatanong ako sayo.” sabi ko dito

“Ano yun?”

“Bakit ganun yung pangalan ng barangay nyo? Para kasi syang pangalan ng tao.” tanong ko dito

“Actually tama ka pangalan talaga sya ng tao.”

“Ah so ipinangalan pala sa kanya itong lugar nyo.”

“Yup.” maikling tugon nito

“Bakit sa kanya I mean diba pwede naman na ibang pangalan yung gamitin pero bakit yung sa kanya pa.” tanong ko ulit dito

“Si Miss Luna kasi ay kaisa-isahang anak ng mag-asawang Lucas at Lucille Esperanza. Sila ang may-ari ng lupaing ito. Napakabait daw ng mag-asawang iyon dahil lahat ng nakikilala nilang tao na walang matitirahan ay dinadala nila dito sa kanilang lupain upang bigyan ng tulong na magkaroon ng sariling tahanan hanggang sa yung mga taong natulungan nila ay nagkaroon na rin ng kanya kanyang pamilya at dito na rin tumira.

Kaya lang isang araw nagulat na lang ang mga tao ng makita nilang nasusunog ang mansion ng mga Esperanza at natagpuan ang bangkay ng mag-asawa pero walang nakitang bangkay ng bata ang hula nila ay baka daw naging abo na ito. Nakilala nila na ang mga bangkay ay sina Lucas at Lucille Esperanza dahil sa suot nitong family bracelet na sila lamang mag-anak ang mayroon.” mahabang paliwanag nito

“Kung lupain ito ng mga Esperanza paano ito naging pag-aari ng gobyerno at ginawang isang barangay.” tanong ko ulit dito dahil hindi ko maintindihn ang sarili ko kung bakit mas lalo akong nacurious sa bagay na ito.

“Walang kahit na sinong nakakaalam basta dumating na lang daw dito isang araw ang ilang tauhan ng gobyerno at tinatanong ang mga tao kong anong gusto nila na maging pangalan ng barangay na ito kaya bilang pagpapasalamat sa kabutihang loob sa mag-asawa ay pangalan ng nag-iisa nilang anak ang pinili nilang ipangalan sa barangay na ito.” salaysay pa rin nito

“Ahh…kanino mo naman nalaman iyang kwento na yan?” tanong ko

“Sa nanay ko. Isa kasi si Tatay sa natulungan nila tapos nung maging mag-asawa sila dito na rin tumira si nanay. Bakit mo nga pala natanong yun?” kwento nito sa akin

“Ha ano curious lang kasi ako.” sagot ko

“Ahh sige makinig na tayo.” sabi nito at tumingin na sa harapan kaya nagpokus na rin lang ako sa sinasabi ng kanilang kapitan ngunit hindi ko alam kung bakit kahit anong gawin ko ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol sa mag-asawang Esperanza.

Makalipas lamang ang ilang minuto ay natapos na nito ang kanyang speech pati na rin ng ilang mga opisyales at kasalukuyang inaannounce na noong emcee ang mga mechanics ng unang palaro.

“Ang una nating palaro ay tinatawag na relay. Alam ko naman na halos lahat kayo ay pamilyar na sa larong ito pero syempre ipapaliwanag ko pa rin. Ang kailangan ko dito sa unahan ay dalawang team ng mga kabataan na may tig-anim na members. Ang gagawin nila ay kailangan nilang ikutan ang bote na nakapwesto sa unahan ng bawat team ng hindi nahuhulog ang kalamansi na nasa kutsara at nakalagay sa bibig nila. Pagkatapos nila ikutan ang bote ay ipapasa naman nila ito sa susunod na member tapos gagawin din ito ng iba hanggang sa matapos silang lahat at kung sino ang team na mauunang matapos ay syang panalo.” mahabang paliwanag ng MC

Love Alone (ON GOING) Where stories live. Discover now