Chapter 8

492 22 17
                                    


CHRISTIAN LAKE

KAHIT kailan naman hindi ako nahihiyang makipag-usap sa iba, pero pagdating sa kanya, ilang minuto din bago ako makapag salita. "B-Buying books?" Tanong ko.

Tumango naman siya. "Yeah. It's just my first time. Any recommendation?" Sagot niya.

Napangiti ako sa sinabi niya, parang ang sweet pakinggan na first time niya magbasa ng libro at manggagaling sa recommendation ko ang babasahin niya.

Walang ibang pumasok sa isip ko kundi ang Heartstopper. "Try mo 'to." Agad ko inabot sa kanya.

Natahimik siya at nakatingin lang siya ngayon sa libro na parang nagdadalawang isip kung hahawakan ba ito. Natigilan ako nang marealize kong straight pala siya. "Oh gosh, I'm sorry..." tawang sabi ko kahit nakaramdam ng hiya.

Ibabalik ko na sana ang libro pero bigla niya hinawakan ang kamay ko. "I-I can give it a try." Sinusubukan niyang ngumiti.

"S-Sigurado ka?" Tanong ko. Tumango lang siya. "Yes. Kapag hindi ko magustohan, ibigay ko nalang sa kapatid ko. Pero sure naman akong maganda 'to, syempre recommendation mo eh. Halata sa 'yong may maganda kang taste sa libro." Nakatitig siya sa mga mata ko habang sinasabi ito.

Hindi ako makapagsalita dahil parang mawawala ang kaluluwa ko sa sobrang kilig. Hindi na naburo ngayon sa mukha ko ang matamis kong ngiti habang nakipagtitigan ako sa kanya at pariho naming hawak ang libro.



Nang makauwi sa bahay ay dala-dala ko pa rin ang kilig na 'yon. Halos hindi ako makatulog kakaisip nong magkahawak ang aming mga kamay at nagkatitigan ang aming mga mata.

Binuksan ko muna ang Instagram ko at nag search sa account niya. Maraming Kit ang lumabas, pero ni-isa dito ang account niya. Hindi ko naman kasi alam ang buong pangalan niya.

Pumunta nalang ako sa message at nakita kong online pa ang mga kaibigan ko, kaya nag message ako sa group chat namin.


  INSTAGRAM
christian.lake

mga ackla nakita ko siya kanina

jasonchixx
who? spill the tea

christian.lake
si kit grabe kinikilig ako

hweblastmanstanding
gosh i told you straight siya halata naman sa circle of friends niya

christian.lake
pero may iba akong feelings kanina eh i feel like bisexual din siya

hweblastmanstanding
pano mo nasabi?

christian.lake
nong nasa book store ako kukunin din niya sana ang heartstopper kaso nagkasabay ang kamay namin

tapos ito pa, nirecommend ko sa kanya ang book at okay lang sa kanya binili niya eh diba lgbt theme ang book na yon

hweblastmanstanding
baka kasi to show respect nalang sayo dahil nag recommend ka

jasonchixx
o baka lgbt ally lang siya tulad ko, not a part of lgbt not bisexual pero support niya ang mga ito

christian.lake
ah basta hindi ko talaga makakalimutan yon, grabe ang lambot ng mga kamay niyaaaa

jasonchixx
matulog kana ackla may pasok pa tayo bukas



IT'S a new brand day and I'm gonna start my day with good vibes. Masaya ako dahil papasok na naman ako sa school, makikita ko na naman ang mga kaibigan ko, makapag bonding na ako sa kanila ng maayos dahil wala ng distraction na fucking relationship.

Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now