Chapter 10

462 16 0
                                    


CHRISTIAN LAKE

HABANG nasa loob ng kwarto ay hindi ako mapakali, naiisip ko pa rin ang mga sinabi sa akin ni Kit kanina. Tama 'yong mga sinabi niya, dahil ganon ang nararamdaman ko. I feel like I buried my own self, my own personality.

Hindi ko kayang ipakita sa lahat dahil natatakot akong pagtawan nila. Kaya pinipilit ko nalang itago.

Habang nakahiga sa kama ay lalo lang dumadami ang pumapasok sa isip ko. Lalo lang akong nagugulohan. Dahil paano naman pala ako magpaka-totoo, eh sarili ko ngang pagkatao parang hindi ko kilala.

Parang nag flashback ang lahat sa akin. Naalala kong puro lalaki na bisexual lang pala ang mga ex ko, walang babae. Pagdating naman sa crush, puro lalaki. Parang hirap na hirap na ako magkagusto sa babae.

Like kanina kay Samantha, maganda naman siya at maraming may crush sa kanya. Pero kahit anong pilit ko hindi ko siya nagustohan, hindi ko ramdam ang puso ko. Pero nong dumating si Kit, parang ang sigla ko.

So ngayon, nalilito na ako. "Ano ba talaga ako? Am I bisexual? Or a true gay? Ano ba talaga ang sexuality ko? Ano ba talaga ang pagkatao ko? Ano ba talaga akooo..." napahawak nalang ako sa ulo ko na halos sumasakit na.


Isa lang ang alam kong paraan para makuha ko ang sagot. Agad akong bumangon at dali-daling lumapit sa computer set ko. Agad ako nag search sa Google.

am i bisexual or really gay?

Madaming results ang lumabas. Iniisa-isa ko pag click ang lahat ng websites at binabasa ang mga articles. Napunta pa ako sa Youtube at pinapanuod ang mga experience ng kapwa ko curious sa pagkatao.

"When I was a kid I know na bakla ako. Pero pagtongtong ko ng college, napansin kong nagkagusto din pala ako sa mga babae. May nakapagsabi na bisexual daw ako. Pero ewan, mas madalas akong nakipag flirt sa mga lalaki. Na-a-attract naman ako sa mga babae. Pero nagdadamit pang-babae pa rin ako."

Lalo lang akong nagulohan sa experience niya, balak ko pa sana taposin pero sinave ko nalang sa watch later at nanuod pa ng iba.


Iniwan ko na ang panonood sa Youtube at bumalik sa Google. Napunta ako sa isang website na sexuality quiz, may tanong dito nakalagay na kung saan daw ako nalilito, kaya nilagay ko if am I bisexual or gay, at may mga lumabas na questions na kailangan ko sagotan.

Pagkatapos ko sagotan ang 30 questions na about sa sarili ay lumabas na ang result.

50% Bisexual
50% Gay

Nanlaki ang mga mata ko. "What the heck! Pati dito hindi rin sigurado! Wala man lang sa kanila kahit 49%!" Lalo lang sumasakit ang ulo ko dito. Akala ko makakuha ako ng sagot, lalo lang pala ako pinapalito.


Bumalik ako sa results ng Google about sa question ko at nag scroll pa ako para makahanap ng articles. "Ano bayan, part na nga ako ng lgbt, nalilito naman ako kung ano ba talaga ako..." napakamot ako sa ulo.

Dati alam kong hindi ako straight, pero ngayon hindi ko na alam kung bisexual or totoong gay ba talaga ako.

May article akong natignan, pero sobrang haba ng explanation, tinatamad na ako magbasa ngayon ng maraming opinion. Ang gusto ko kahit short message lang basta makuha ko ang sagot, pero ito kung saan-saan lumiko ang topic, napunta pa sa science.

Anong kinalaman ng science sa sexuality ko aber?

Napahiga nalang ako sa kama. "Damn it! Bakit hindi ko kilala ang sarili kooo!" Sumigaw ako at tinakpan ko nalang ang mukha ko sa unan. Inalis ko ang unan sa mukha ko at parang gusto ko nalang umiyak.

Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now