Chapter 9

449 22 5
                                    


CHRISTIAN LAKE

LUNCH time na namin dahil tanghali na, pero tapos na kaming tatlo magsalo-salo sa loob ng room dahil may dala naman kaming baon. Nasa labas kami ng hallway at nagusap-usap.

"I have something to say." Pariho silang naghintay sa sasabihin ko. Ngumiti ako bago nagsalita. "Break na kami ni Nard! Wala na siya sa buhay ko!" Tuwang-tuwa ko itong sinabi.

Tila nakahinga sila ng maluwag. "Oh thanks God, buti nalang nataohan ka na...hindi mo deserve ang ganon ka-toxic na relationship..." sabi sa 'kin ni Jason.

Nakangiti naman kanina si Hweb na natutuwa din para sa 'kin, pero naging seryoso siya ngayon. "Pero nakipag break ka ba talaga dahil ayaw mo na? O nakipag break ka lang dahil may nakita kang iba? Dahil nakilala mo si Kit?" Napalunok ako sa naging tanong niya.

Medyo natagalan bago ako makasagot. "Hindi. Labas dito si Kit. Nakipag break ako kay Nard because he cheated on me. While he begging for my forgiveness, nakipag balikan naman pala siya sa ex niya." Bumalik tuloy ang galit ko.

Napakuyom ng kamao si Hweb. "Eh hayop naman pala siya!" Nagtaas ang boses niya na parang mas galit pa siya kumpara sa 'kin.

"Hayaan mo na 'yon hindi ko 'yon kawalan, jejemon 'yon eh, mga myday no'n puro may stickers, sa Capcut na nga lang mag edit dinudumihan pa ng stickers, at hindi pa pantay ang rotation ng pictures..." nagtawanan kami ngayon ng mga kaibigan ko.

"Bully ka rin minsan 'no...pero tama 'yan, isipin mo lang ang mga bagay na ayaw mo sa kanya at pinandidirian mo, para maisip mo talagang bakit iiyakan mo pa 'yon..." tugon naman ni Jason.

"Breaking up with him, was the best decision I made." Ngumiti ako.


"Congrats then. I'm happy for you." Natigil kami nang marinig 'yon galing sa likod namin. Pagkalingon namin ay si Fril pala 'to na galing pa sa cafeteria. Dahan akong tumango. "Thanks." Pagkatapos ko magpasalamat ay ngumiti lang siya at pumasok na sa room.

May pagtataka sa mukha ng mga kaibigan ko. "What happened? Did you tell her?" Kunot-noong tanong ni Hweb.

"It's a long story kung bakit niya nalaman ang issue namin ni Nard. But hindi ko sinabi sa kanya ang sexuality ko, I lied na girlfriend ko si Nard. And mukhang naniwala naman siya." Sagot ko.

"Mabuti nalang hindi mo sinabi sa kanya, dahil hindi pa natin siya ganon ka-kilala, baka mamaya ikalat niya sa buong room." Tugon ni Jason. "Anong sabi niya sa 'yo?" Tanong niya.

"Actually, nakatulong siya. She give me advice that I should prioritize myself first. So, I'm now on my era to be the best version of myself. Hindi na ako papasok sa toxic na relationship, especially ldr." Ngumiti ako habang tinitignan sila.

"Wow. Marunong din pala magbigay ng advice ang barney na 'yon," saad ni Hweb. "Sinong barney?" Tanong ko. "Si Fril. Ayon ang tawag nila sa kanya." Sagot naman ni Jason. "Bully niyo talaga. Kapag kayo sinuntok no'n, bahala kayo."


Natigil kami nang biglang may lumapit sa aming babae, hindi siya gaano kaganda, magulo ang mga buhok at amoy putok pa. "Kuya anong name mo po?" Nakatingin siya kay Jason.

Nagtinginan kami ni Hweb at dali-dali naming hinawakan ang mga kamay ni Jason para hindi siya makawala. "Jason Chec ang name niya." Tugon ni Hweb at pinaglilingon naman kami ni Jason. "Pinaggagawa niyong hayop kayo..." mahinang sabi niya sa amin.

"May Instagram po siya?" Tanong ulit ng babae. Tumango ako. "Oo meron, jasonchixx. Message mo siya, madaling mapa-ibig 'to..." kami pa rin ang sumasagot dahil ayaw na ayaw ni Jason na halos maiiyak na. "Sinasabi ko sa inyo mapapatay ko talaga kayo..." nagpipigil naman kaming tumawa ni Hweb.

Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora