Chapter 30

521 23 28
                                    


KIT SMITH

IT'S a new day and Monday, tapos na ang weekend getaway balik na sa school. Pero sad to say hindi ko makikita si Christian at ang mga bago kong friends. Dahil sa good news na rin na nagising na si Lolo.

Kaya papunta ako ngayon sa hospital para samahan siya, mamayang gabi pa makakapunta sina Mama at Ate dahil busy sa mga business.

May malapit na hospital dito sa village namin at do'n naka confine si Lolo. Hindi rin nagtagal ang byahe ko at narating ko na 'to. I parked my car at pumasok na sa hospital habang may dala-dalang basket na puno ng saging na paboritong kainin ni Lolo.

Nang marating ko ang room ni Lolo ay excited na akong makita siya, kaya pagkabukas ko sa pinto ay agad akong ngumiti. "Lolo Ed...nandito na ang paborito mong apo..." tuwang-tuwa ko na sabi.


Napaayos ng pagsandal si Lolo sa unan. "Kit my cutie apo..." nakita ko ang labis din niyang saya.

Dali-dali kong nilagay sa itaas ng drawer ang dala kong basket at agad na niyakap si Lolo. "Miss na miss po kita Lo..." hinawakan niya ang likod ko. "Paiiyakin mo na naman ako Apo..." tumawa siya pero alam ko namang nagpipigil lang siyang umiyak.

Na-comatose si Lolo for almost 1 month, dahil sa pagkabagok ng ulo niya sa kotse nong gabing nagmamaniho siya at may pasalubong sa kanyang sasakyan, eh medyo lasing siya no'n kaya hindi niya namalayan.

Hindi pa naman masyadong matanda si Lolo Edward, 50 years old na siya ngayon, gwapo pa rin kahit maputi na ang mga buhok. Pero ayaw na niya magmahal mula nong pumanaw si Lola.


"Kumusta ka naman Kit? Kumusta ang pag fo-football mo?" Tanong niya sa 'kin. Medyo mabuti na ang pakiramdam niya ngayon, nakakapagsalita at nakakakilos na rin siya, kumakain pa siya ngayon ng saging.

Nakaupo naman ako sa gilid at kinakausap siya. "Okay naman po. Nanalo nga kami sa tournament." Napangiti si Lolo. "Talaga? Naku sayang, kung hindi lang ito nangyari sa 'kin napanood sana kita do'n." Sagot naman niya.

Hinawakan ni Lolo ang kamay ko. "How about friends? May mga kaibigan ka na ba?" Nagtanong siya ulit. Napangiti naman ako. "Yes Lo, sobrang swerte ko sa mga bago kong kaibigan ngayon." Lalo pang tumamis ang ngiti ko nang maalala si Christian. "In fact, I have this one person na sobrang special sa 'kin."


"Wow, who's that girl?" Nakangiting tanong niya. Umiling ako. "He's the kindest and sweetest guy I meet. He's name is Christian." Dumaan sa isip ko si Christian. "Base sa mukha mo ngayon, sobrang saya mo. Ngayon lang kita nakitang ngumiti ng ganyan habang may binanggit ka sa aking tao." Tugon ni Lolo.

"You should meet him Lo. Hindi ko siya kasama ngayon, pero may pictures naman kami together." Pinakita ko kay Lolo ngayon ang pictures namin ni Christian mula nong first na mirror shot namin sa loob ng changing room hanggang nong sa Enchant Lake.

"You really look happy with him. Kit I'm happy for you dahil nakilala mo siya, siya lang ang kaibigan mong nagpapasaya sa 'yo ng ganito. Keep him Kit, keep him." Bigla nalang naging emotional si Lolo, nakita ko ang luha na nagbabadya sa mga mata niya.

Agad ko siyang niyakap. "I promise Lo." Sa simpleng pag-uusap naming ito ay naging emotional si Lolo, siguro masaya lang siya para sa 'kin.



Nakaramdam ng uhaw si Lolo kaya kailangan ko munang lumabas at bumili ng tubig. Habang naglalakad sa hallway ay napahinto ako nang makitang papalapit si Christian na naka uniform pa. Napangiti ako habang lumapit kami sa isa't isa.

Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now