Chapter 27

349 16 6
                                    


CHRISTIAN LAKE

WE'RE finally here on Enchant Lake, the place that they say will enchanted you dahil parang dadalhin ka sa ibang mundo. A world of fantasy, sabi pa ng iba.

Sa labas palang ay napamangha na kami dahil sa napakalaki nilang gate na parang pinaghaharian ng iba't ibang flowers. "Wow, gate palang parang dadalhin na tayo sa fantasy world." Manghang sabi ni Jason.

Dala-dala na namin ang aming mga bag at gamit at dahan-dahan na kaming lumakad. Pagkalapit namin sa gate ay kusa itong nagbukas.


Bumungad sa amin ang napakalawak na forest. Pero hindi ito basta-bastang forest lang, kakaiba ito sa lahat ng forest dahil mas malawak ang field at hindi hiwalay-hiwalay ang mga kahoy naka linya sila at may kunting space sa pagitan. May mga bench din sa gilid-gilid.

Habang nililingon namin ang paligid ay may ngiti sa labi namin dahil sa malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa katawan namin. May naririnig pa kaming nag aawitang mga ibon.

Nakita naming marami din ang mga tao dito. Lahat ay mukhang nag enjoy, wala kami nakitang malungkot, lahat may ngiti sa labi habang tinitignan ang ganda ng lugar na 'to. Meron pang mga naka camping sa gilid.

May mga couples din ang sobrang sweet na nag date dito. Isang gay couple ang umagaw sa 'kin ng pansin. Nakaupo sila sa kumot nilang nakalagay sa field. Dahan-dahan pa nagkalapit ang mga mukha nila habang magkahawak ang mga kamay nila.

Dahan-dahan kong nilingon si Kit at nakatingin din pala siya sa dalawang couple. Nilingon niya ako and he simple smiled kaya napangiti din ako.


May lumapit sa aming staff na babae at nakasuot ng uniform na white and green dress. "Good morning guess, welcome to Enchant Lake. Nakahanda na po ang inyong magiging rest house, kaya hali na po kayo." Nakangiting sabi niya at sumunod naman kami sa kanya.

Dinala niya kami ngayon sa isang napakalaking guess house na all made by wood. Malawak ang front yard nito at may magaganda pang garden. Pagpasok namin sa bahay ay namamangha pa rin kami dahil ganito pala kaganda ang isang klase ng bahay na gawa lahat sa matitibay na wood.

Complete naman ang guess room na 'to, merong restroom, kitchen at living room na may flat screen pa sa harap ng sofa.

"May dalawang kwarto lang po ang available, girls room and boys room. Pero malaki po ang mga ito at may tig-iisa kayong kama." Sabi sa 'min ng babae at tumango naman kami.

"Sige kung wala na kayong questions ay maiwan ko na kayo dito. If you want anything from us pwede niyo tawagan ang mga hotline na 'to from different services dito." May ngiti sa labi niya habang inabot kay Rifah ang isang map na sa ibaba nito ay makikita din ang hotline numbers.

Nang makaalis na ang staff ay pumasok na sila Rifah, Samantha, Fril, Eff at Rene sa girls room. "Uy bakit ka nandyan Rene..." tawang sabi ni Kenn. "Fuck you ka sa 'kin!" Pinakitaan siya ng middle finger ni Rene kaya nagtawanan na kaming lahat.

Dali-dali ngayon tumakbo ang lahat ng mga kaibigan kong lalaki sa boys room. "Uy sa 'kin ang pinakamagandang bed..." sigaw pa ni Hweb. Habang tumatawa lang kami ni Kit sa likod.


Mayamaya nang makapagbihis na kami ng pangbahay ay sabay-sabay na kaming kumain. Mukhang gutom na gutom ang lahat dahil sa mahabang byahe. Pero busog na busog naman ngayon dahil sa mga masasarap na pagkaing pinoy na kami lang mismo ang nagtulongan sa pagluto.

Magkasama kami ngayon sa living room. "So sa'n niyo una gustong pumunta dito?" Tanong ni Rifah habang nakatingin sa map at inilapag niya ito sa maliit na lamisa na nakapagitna para makita namin.

Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now