Episode 4: Ang Demon Hunter Na Si Yoga

101 7 0
                                    

Episode 4: Ang demon hunter na si Yoga

YOGA POV

"Bakit ganon? Bakit parang tinatamad ka na makipagtalik sa akin? Hindi ko masyadong maramdaman yung pagmamahal at lambing mo, para wala lang ako sa iyo," ang reklamo ng aking kasintahan na si Alisa noong matapos kaming magtalik.

"Nabitin ka ba? Gusto mo bang ulitin natin?" tanong ko sabay hawak sa aking matigas pang alaga at pinasok ko ito sa kanyang naglalawang lagusan. Isang malalim na pagbaon ang aking ginawa dahilan para mainis siya at itulak ako dahilan para mahugot ang aking sandata sa kanyang hiwa.

"Aray, ano ba Yoga! Ang laki laki ng alaga mo, hindi mo dapat ako binibigla! Saka ayoko na! Wala na ako sa mood," ang singhal niya sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang kumuha ng tela at punasan ang mala makopang ulo ng aking alaga na basa dahil sa kanyang katas na sumasabog sa aking kada bayo.

"Ano bang problema Alisa?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw yung problema, simula noong dumating ka galing doon sa barko ng mga pirata ay halos lagi ka ng walang gana sa akin. May babae ka ba doon? Tapatin mo nga ako!" ang pagdududa nito.

"Babae? Nakita mong namatay lahat ng kaibigan ko dahil pinatay sila ng mga demonyong sirenang iyon! Bakit nagagawa mo pa akong pagbintangan? Pagod lang ako at maraming iniisip. Sana ay inunawa mo man lang ang kalagayan ko," ang sagot ko sa kanya sabay tayo sa aking kinalalagyan, nagsuot ako ng pantalon at damit saka ako lumabas sa aming silid na may dingding na kahoy lamang.

"Saan ka pupunta? Yogaaa!" ang iritable sigaw niya pero hindi na ito pinansin. Naglakad ako patungo sa kahoy na upuan sa pampang ng dagat at pinagmasdan ko itong mabuti. Habang nasa ganoong posisyon ako ay nagbalik sa aking isipan yung mga pangyayari matapos akong mabiktima ng mga sirena doon malayong karagatan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa aking isipan ang lahat basta ang alam ko lang ay iniligtas ako ng isang lalaking hindi ko halos matandaan ang mukha.

FLASHBACK

Iniligtas ako noong lalaki iyon, at bago ako tuluyang mawalan ng malay at nakita ko pa ang kanyang matamis na ngiti. Pagkatapos noon ay wala akong natandaan pa. Hindi na rin malinaw sa akin kung paano ako nakarating pabalik sa aming islang ito. Basta noong magkaroon ako ng malay ay natagpuan ko ang aking sarili nakahiga sa pampang at pinagkakaguluhan na ng mga tao.

Noong bumalik ang aking ulirat ay isang malalim na pagsinghap ang aking ginawa. Kasabay nito ang sunod sunod kong pag ubo dahil sa pagkakainom ng maraming tubig. Magulong ang aking isipan ngunit mas lalo pa itong naging magulo noong bumalik sa aking alala ang mga tagpi tagping pangyayari sa ilalim ng dagat habang yakap ako noong taong nagligtas sa akin.

Wala tuloy akong magawa kundi ang matahimik na lang at mapatingin sa kalayuan ng karagatan. "Diba si Yoga iyan? Yung isang hunter na gwapo at maraming babaeng nagkakandarapa," ang wika ng mga tao sa aking paligid pero hindi ko naman sila pinansin.

"Yan nga si Yoga, yung umiyot sa pinsan kong babae tapos di na nagpakita sa kanya. Tang inang iyan! Buhay pa pala ang hayop! Teka nga at matawag yung pinsan ko!" ang wika naman nung isang lalaki sa aking gilid at hinampas pa ako nito ng batya sa ulo. Pero hindi ko siya pinansin, nanatili lamang akong nakatitig sa karagatan at binubuo ang mga pangyayari sa aking isipan.

"Siguro naalog ang utak niyan kaya nawala ang kayabangan. Tama lang iyan sa kanya, sa dami ng babaeng niloko niya," ang wika pa ng isa sabay pukpok ng sagwan sa aking ulo.

Tahimik..

"Tumabi kayo diyan," ang wika ng isang lalaki at dito ay nagbigay daan ang mga tao sa aking paligid.

Water Snake: THE LEGEND OF THE DEEPWhere stories live. Discover now