Episode 9: Ang Isla ng Leren

79 6 0
                                    

Episode 9: Ang Isla ng Leren

YOGA POV

Malayo layo rin ang isla ng Leren at habang palapit kami dito ay kapansin pansin na dumidilim ang paligid mga bagay na nagbigay ng samu't saring reaksyon sa aming lahat dito sa barko. May mga nanabik, may mga natakot at mayroon rin mga natuliro. Sa aking parte ay mas ikinalma ko ang aking sarili ang pagkataranta ay hindi makakatulong. "Mukhang tama nga sila, kapag daw ang isang lugar ay punong puno ng mga Gidlis ay madalang na raw itong sikatan ng araw dahil hinaharang nila ang enerhiya ng liwanag na nagmumula sa kalangitan," ang bulong ni Wei sa akin habang natatanaw namin ang isla.

"Kakaiba nga sa pakiramdam, para bang kahit saan ka luminga ay may panganib na nag aabang," ang bulong ko rin sa kanya.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay lumapit sa amin si Piyo at may ibinigay na malalambot na na tela na animo bulak. "Ilagay niyo ito sa mga tainga niyo, isa itong espesyal na tela na sinasala ang ingay sa paligid. Makakatulong ito sa atin," ang wika niya.

"Bakit mo nasabi Piyo?" tanong ni Wei habang ipinapasak namin sa aming tainga ang mga tela. Noong inilagay namin ito ay ugong na lang ang aming narinig.

Hindi na bumakas ang labi ni Piyo, sumensyal lang ito ng "shhhh, tahimik" sabay turo sa ibaba ng barko kung saan naroon ang maraming sirena na nakapalibot sa aming barko.

Ang lahat ay naglagay ng tela sa kanilang tainga, marahil ay alam na nila ang mangyayari. Ngunit may ibang malakas ang loob at hindi nagpasidak sa nakikitang panganib sa kanilang paligid. Kahit ako mismo sa aking sarili alam kong delikado kapag nagsimulang humihimig ang mga sirena dahil ang sino mang makakarinig sa kanilang tinig ay mapapasailalim sa isang sumpa na kahit anong iutos nila sa mga ito ay tiyak nagagawin katulad ng pagtalon sa barko at pagpapakain sa kanilang mga sarili.

Wala akong marinig, bagamat nakikita ko ng malinaw ang kaganapan sa aking paligid. Maya maya ay nagtakip ng tainga at may tumalon sa barko. Ito ang hudyat na humihimig na ang mga sirena upang makapangbiktima.

May ilang tumalon sa karagatan, may ilang naman na nag iba bigla ang kilos at nagsimulang mag amok! Halos ilan lamang kaming nagtakip ng tainga kaya hindi apektado ng sumpa ang aming pag iisip. Ang mga hindi naglagay ng takip sa kanilang mga tainga ang mabilis na ginagapangan ng sumpa.

Nagagawa ng mga sirena ang kanilang nais na pag-uutos sa mga taong napasa ilalim ng kanilang sumpa kaya ang ilan sa mga hunter na apektado ay umatake sa amin gamit ang kanilang mga patalim. Hindi ko akalain na pati ang mga bagay na ganito ay saklaw ng kanilang kapangyarihan bilang mga demonyong sirena.

Dahil sa pag atake ng aming mga kasamahan na napasailalim ng sumpa ay nagkagulo sa barko. Wala naman kaming ibang pagpipilian kundi ang lumaban. Agad kong kinuha ang dalawang uri ng patalim sa gamit ni Wei, isang espada at isang kunai na sandata ng mga taga ibang isla.

Nagsimula ang pag atake, hunter laban sa kapwa hunter. Dalawang lalaking armado ng malalaking itak ang umatake sa akin kaya naman lumaban ako. Nagtatakbo ako sa mga malalaking kargo at doon ay tumuntong, ginamit ko ang mga ito bilang panangga sa kanilang mga malalakas na paghataw ng patalim ang iba ay sinasangga ko gamit ang kunai at espada. Noong una ay ingat na ingat akong masaktan at masugatan ang kalaban ngunit talagang wild sila at halatang nilason na ang mga utak. Kapag nalason ng sirena ang iyong isipan ay mabubuang ka na at mahihirapan ka na bumalik sa katinuan. Kaya ganito na lang kung makipaglaban ang mga hunter na apektado ng kanilang mga sumpa.

Masyado silang wild, mapangahas at sobrang pusok! Padaskol daskol ang kilos at walang direksyon. Lumilipad ang mga patalim sa iba't ibang direksyon! Ang mga pinuno ng bawag grupo kabilang na sina Hamon at Kiyan ay napilitan na ring pumatay ng kanila miyembro.

Water Snake: THE LEGEND OF THE DEEPWhere stories live. Discover now