Episode 13: Ang Pagbabalik ng Mandirigma

73 7 0
                                    

Episode 13: Ang Pagbabalik ng Mandirigma

YOGA POV

Ang kaisa isang bayan dito sa isla ng Leren, napapaligiran ng maraming bakod na matataas at gawa sa matitibay bakal. Hindi nakapagtataka na madalas silang atakihin ng mga Gidlis kaya't ganito na lang ang proteksyon sa paligid. Ang mga bahay dito ay yari sa bato at mayroong mga matutulis na kahoy sa itaas. Batid kong ginawa ito para naman sa mga Bat Demon na pagala gala sa himpapawid.

Nagpatuloy kami sa paglalakad palapit sa naturang bayan at dito ay agad akong nakilala ng aming mga kasamahang hunter. Mga bagay na nagbigay sa kanila sa saya at pagtataka. Katulad ng aking inaasahan ay tiyak na magtatanong na naman sila kung paano ako nabuhay.

"Si Yoga nga! Buhay si Pareng Yoga!" ang wika ng isang nakakilala sa akin at dito ay nakita kong lumabas si Wei at ang iba pa mula sa kanilang tinutuluyan.

Nagtatakbo sila patungo sa akin sa pangunguna ni Wei na halos hindi makapaniwalang buhay nga ako. Agad niya akong niyakap at inakbayan. "Putangna ina pare, totoo ba ito? Buhay ka nga! Tangna ka! Marami akong sinayang na luha sa iyo! Akala namin dito patay ka na! Teka paano kang makaligtas? Kitang kita namin na bumagsak ka sa dagat at kinain ng mga sirena!" ang agad na tanong nito.

Natawa ako, "pwede bang mamaya na ako mag k-kwento? Nagugutom na kasi kami ng kasama ko. May pagkain ba dyan?" tanong ko naman.

"Oo naman pare, pasok kayo dito. Tiyak na matutuwa si Piyo dahil buhay ka," ang sagot ni Wei sabay bukas sa tarangkahan at bago pumasok sa loob ay hinawakan ko pa kamay ni Soju at niyaya itong lumakad sa loob.

"Alam mo pare dito sa isla ng Leren ay gabi gabing aksyon ang nanaganap sa amin. Ang mga tao dito ay halos nasanay na rin sa ganitong sitwasyon. Hindi naman nila magawang makalabas dahil delikado. Kaya yung mga tahanan nila ay may mga underground na silid, doon sila nagtatago kapag gabi upang makasiguradong ligtas sila," paliwanag ni Wei habang lumalakad kami.

"Matatalino rin iyang mga Gidlis na iyan e. Madali sila nagpapasok pero hindi nagpapalabas. Noong papasok kami dito ay wala naman halos humarang sa amin. Pero noong palabas kami ay doon sila umatake. Pwede pumasok at bawal ang lumabas," ang tugon ng isa.

"At iyon ang dahilan kaya yung mga tao dito ay hindi makaalis. Pero ang mga tao dito palaban rin, kapag may pumasok na mga demonyo sa bakuran ay talagang pinapatay nila. Kaya ang misyon ay nabago na rin," sagot ni Wei.

"Ano na ang misyon ng mga hunter ngayon?" tanong ko naman.

"Ang pangunahing misyon natin ay ilikas lahat ng mga taong bayan at ilipat sa ibang isla. Wala tayong magagawa sa islang ito ng Leren. Mawawasak na ito at hindi na rin tatagal," sagot ni Wei at dito niyaya niya kaming pumasok sa kanilang bahay na tinutuluyan. Naghain sila ng pagkain at inumin sa lamesa.

"Eh teka pare, sino ba iyan gwapong tisoy na iyan?" tanong pa niya noong mapansin si Soju.

Inakbayan ko si Soju at pinagmalaki sa kanya, "mga pare, kaya ako buhay ay dahil sa taong ito. Siya ang nagligtas sa akin mula sa tiyak na kapahamakan. Isa lang naman siyang upper rank na hunter mula sa isla ng ano.. saan na nga iyon?" tanong ko kay Soju, nakalimutan kong itanong kung taga saan siya.

"Doon sa isla ng Wakuha, doon ako naninirahan bilang hunter," ang sagot niya sa amin.

"Isla ng Wakuha? May kalayuan iyon ah. Teka, wag kang magagalit ha, pero parang wala sa mukha mo ang maging mahusay na hunter. Sobrang gwapo mga pare oh, at parang nakita ka na namin e, hindi lang namin maalala kung saan. Teka, hmmmm," tugon ni Wei habang nakatingin sa mukha ni Soju.

"Talaga? Baka naman dumidiskarte lang kayo kay Soju? Mga gago doon nga kayo," ang masungit kong suway sa kanila. "Ayokong tinititigan niyo siya," ang dagdag ko pa.

Water Snake: THE LEGEND OF THE DEEPWhere stories live. Discover now