Episode 12: Ang Sikreto ni Soju

80 9 1
                                    

Episode 12: Ang Sikreto ni Soju

YOGA POV

Parang isang mabilis na pangyayari ang lahat, hindi ko na ito kontrolado. Ngayon ay katabi ko ang isang misteryosong taong nagligtas sa akin ng dalawang beses mula doon sa barko ng mga pirata hanggang dito sa isla ng Leren. Bukod sa kanyang nakapagwapong mukha, napakakinis at mapuputing balat, magandang katawan at maamong mga mata ay wala na akong alam sa kanya.

Habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha ay mas lalo pa akong nakakaramdam ng kakaiba sa kanya at ang hindi ko maunawaan ay kung bakit ngayon ko lang ito naramdaman. Kahit madalas kong kasama si Alisa doon sa aking dampa ay hindi ko naramdaman ang sayang ito. Pakiwari ko ay ligtas ako sa kanyang tabi at walang sinuman ang maaaring manakit sa akin.

"Sino ka ba talaga, Soju?" tanong ko habang nakatitig sa kanyang mukha.

Ngumiti lang ito at saka isinubsob ang mukha sa aking dibdib kaya naman wala akong nagawa kundi ang yakapin siya at ikulong sa aking bisig.

KINABUKASAN..

Halos dalawang araw na rin pala akong nawawala sa piling ng aking mga kasamahang hunter. Siguro nga ay inakala nilang patay na ako at ang ilan sa kanila ay nagtatawa na ngayon. Hindi ko lubos maisip kung ano kaya ang magiging reaksyon nila kung sakaling makita nila akong buhay. Iisipin kaya nila na ako ay isang multo na? O aparisyon kaya?

"Talagang iniwanan ng kaibigan mong mangingisda itong bangka niya? Saan siya sumakay kahapon?" tanong ko kay Soju na may halong pagtataka. Ang dagat ay sobrang delikado, parang imposible yata na lalangoy lang yung kaibigan niya pabalik sa isla nila," pagtataka ko.

"Mayroon pa siyang itinatagong bangka dito sa paligid ng isla na siya lang ang nakakaalam, iyon ang sinakyan niya pabalik sa isla nila. Teka, nawiwirduhan ka ba sa kaibigan kong iyon?" tanong niya sa akin.

Nagkibit balikat ako, "hindi, sa tingin ko ay mabait at malikhain ang kaibigan mo. Parang ikaw, mabait, maabilidad, malikhain, matapang at magandang lalaki," ang tugon ko sa kanya habang nakangiti.

"Bolero naman to, teka sigurado ka ba na gusto mong bumalik sa isla ng Leren?" tanong niya ulit sa akin.

"Oo, kailangan kong bumalik," ang sagot ko naman.

"Kung ganoon ay tara na. Hindi rin naman kita mapipigilan e," ang tugon niya sa akin habang nakangiti kaya naman kapwa kami sumampa sa bangka at saka naghanda para makapag sagwan patungo doon sa isla.

Tanghaling tapat, maaliwalas ang paligid at maganda ang alon sa karagatan. Kanina ay may mangilang ngilang mga sirena ang nakapalibot sa amin ngunit ang nakapagtataka ay parang takot silang lumapit na parang may nagtutulak sa kanila palayo. Wala rin akong naririnig na paghimig mula sa kanila at ang labis na nakapagtataka ay para bang binibigyan pa nila kami ng daan. Nangangamba ako noong mga oras na iyon para sa amin ni Soju.

Ngunit sa kabilang banda kung pagmamasdan mo naman si Soju ay parang wala lang sa kanya ang lahat. Para bang walang takot, walang pangamba at relax na relax lang ito habang nakaupo sa gilid ng bangka at nagsasagwan. "Soj, hindi ka ba natatakot sa mga sirena sa paligid?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman. Kapag natakot ka sa kanila ay lalo silang magnanais na kainin ka. Ang pinakamagandang gawin ay magpanggap ka na hindi sila nakikita," ang sagot nito sa akin habang nakangiti.

"Yung pagpunta natin sa isla ng Leren, hindi ka ba natatakot? Bakit kailangan mo pang sumama?" tanong ko ulit.

"Wala lang, gusto lang kitang makasama ng mas matagal," ang nakangiti ulit niyang sagot, pati mata niya ay nakangiti rin. Lalo lang ako nakakaramdam ng kung ano kapag napapatingin ako sa kanyang labi na kasing pula ng balat ng mansanas.

Water Snake: THE LEGEND OF THE DEEPWhere stories live. Discover now