Episode 5: Ala-ala Ng Puso

103 7 0
                                    

Episode 5: Ala-ala ng puso

YOGA POV

"Alam mo ba nakita ko si Alisa kanina may kalandiang ibang lalaki gusto mo ba upakan na natin?" tanong ni Wei sa akin habang abala ako sa pagbibilang ng pera na aking kinita. Bumili rin ako ng dalawang alak at ibinigay sa kanya ang isa.

Natawa ako, "wala naman akong pakialam kay Alisa. Naghahanap lang iyon ng ibang ligaya," ang tugon ko naman sabay tungga sa bote.

"Bakit wala ka yatang pakialam. Pinakamaganda at maalindog na si Alisa dito sa isla. Swerte ka nga at naikakama mo pa siya. Bakit wala kang pakialam pare? Bilang kasintahang lalaki dapat ay nagwawala ka na ngayon."

"Bakit ako magwawala? Para sa akin ay walang pinagkaiba si Alisa sa mga normal na babaeng naikama ko, pare-pareho silang hindi naliligayahan kapag hindi nilalabasan ng sampung beses," ang sagot sabay tunggo ulit sa alak.

Natawa si Wei, "kung sabagay, hindi kasi patas e, kapag nakatatlong putok na tayo ay lupaypay na. Samantalang silang mga babae kahit makasampung sunod sunod ay kayang kaya pa rin tapos sila pa ang galit kapag hindi na tayo nakasabay," ang hirit nito.

Tawanan kami..

"Teka pare, maiba ako, totoo bang magaganda talaga yung mga sirena doon sa parte karagatan na iyon?"

"Oo, magaganda talaga sila, maaamo ang mga mukha, nangungusap ang mga mata at talagang nakakaakit ng husto. Hindi nakapagtataka na pati ang mga bihasang pirata ay napapatay nila. Tapos ay hihimig sila ng kakaibang tunog na nakakahipnotismo at mawawala na lang sa kontrol ang iyong katawan," ang tugon ko naman.

"Paano mo nilabanan iyon? Paano ka nakaligtas sa hipnotismo nila?"

"Sinibat ko yung sirenang umaawit at pagkatapos ay nagbago ang kaniyang anyo. Nawala yung magandang mukha niya. Napalitan ito ng halimaw na imahe, nagkaroon siya ng maluwang na bibig na puro pangil at ang balat ay umitim na parang mga pating. Ang kanilang mga kuko ay humaba rin na kasing talim ng mga punyal. Nahulog ako sa tubig at hinila nila ako sa ilalim, mabuti na lang at lumaban ako.. pero.." hindi ko naituloy ang aking pagsasalita dahil kumabog ang aking dibdib at naalala ko na naman yung lalaking nagligtas sa akin.

"Pero?" tanong niya na halatang nabitin.

"Wala pre, iba na lang yung pag usapan natin, medyo hindi pa ako nakakabangon sa pagluluksa mga kagrupo kong namatay doon," ang tugon ko sabay lunok muli ng alak.

Kung sa bagay, kung sa akin rin nangyari iyan malamang ay baka hindi ko na rin maikwento ng buo ang mga pangyayari. Nga pala, sigurado ka ba na kay Piyo ka na gugrupo?"

Nagkibit balikat ako, "hindi ko alam, Wei. Ikaw ang kagrupo ni Piyo diba? Ano sa palagay mo?" tanong ko rin sa kanya.

"Alam mo pre, si Piyo ay mahilig mag solo iyan. Kahit kasama namin iyan ay naglalakad siyang mag isa at pipiliting talunin ang kalaban ng siya lang ang gumagawa pagkatapos ay sa kanya lahat ang papuri," ang natatawang sagot nito.

"Ayaw niyo ba nun? Hindi kayo mapapahamak at hindi malalagay sa peligro ang buhay ninyo."

"Iyon nga lang, kaso ay hindi naman pantay ang bayad, kung minsan ay barya lang nakukuha namin dahil siya daw ang gumawa ng lahat ng trabaho. Hindi naman kasi maipagkakaila na mahusay talaga si Piyo sa paghawak ng mga patalim. Mabilis pa itong kumilos at talagang bihasa sa pagpatay sa mga gidlis," ang sagot ni Wei.

"Mahusay naman talaga si Piyo, ang lahat ng parangal ay nararapat lamang sa kanya," sagot ko naman.

"Naging mahusay si Piyo dahil nais niyang iganti ang kanyang asawa at anak na napatay ng isang demon. Napatay daw ito ng malaking ahas mula sa karagatan. Kaya tuwing makakakita ng ahas si Piyo ay talagang nagbabago ang kulay ng kanyang mga mata at nagiging mas mabagsik. Parang nawawala siya sa kanyang katinuan at mas nagiging hayok sa pagpata," ang salaysay ni Wei.

Water Snake: THE LEGEND OF THE DEEPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon