Chapter 10: Susan [n.] Dahilan kung bakit ako nabubulol

2 0 0
                                    

Dumerecho ako sa cottage ng school after ng class at tinext agad si Mama.

YOU: Ma pwedeng wag ka na munang tumawag pls????

YOU: Nasa klase ako

YOU: Okay lang ako dito samin at okay lang kami ni Lolo.

Inoff ko ang phone ko at naramdamang nanginginig pa rin ang kamay at tuhod ko. Sa puntong ito ay bigla na lang sumaid ang social battery ko dahil sa kahihiyang ginawa ko kanina. Ako pa ang napahamak. Pero tama naman ako, 'di ba? Why is it that some teachers do not make efforts in restructuring the learning process of the students? Matagal nang napatunayan na hindi nakakatulong ang labis na pagpapahirap sa estudyante para ma-develop ang critical thinking skills nila. Sino ang mag-a-adjust sa pagkakatuto– kaming mga natututo o siyang nagtuturo?

Sa ngayon ay hindi ko pa alam. Ang alam ko lang ay kinamumuhian ko si Ma'am Mon-Mon.

Habang hinihintay ko ang mga napiling miyembro ng Dying Language Club para mapag-usapan ang tungkol sa paghahanap ng secretary, naunang dumating si Daniela at mukhang tuwang-tuwa nang makita niya ako.

"Timjangnim!" [Team Leader] tinawag ako ni Daniela, pero alam ko ibig-sabihin niya. Hindi ako gaano kabihasa sa Hanggul kaya hindi ko ito ginagamit, pero narinig ko na 'to sa Super Junior nung ininterview sila tungkol sa music video nila. "Oh, now you know how it feels 'pag nagre-recitation kay Ma'am Mon-Mon?"

"Chingu na lang," sabi ko, dahil masyadong pormal ang timjangnim. At least kahit papaano napatunayan ni Daniela na hindi niya nga pinagsasalita lang ang mga lyrics sa Kpop music tulad ng sabi ni Jason. "Takot lang ata kayo masabihan eh. At saka, mali naman kasi talaga si Ma'am. Hindi ibig sabihin na iba ang sagot ko sa nasa isip niya, mali na ako agad. Okay! If she likes to talk facts, then I'll talk facts din!"

"Okay, chill, conyong Macoy!" Umupo siya sa tabi ko. "Well, ganto kasi eyeon. The more you answer Ma'am Mon-Mon, the more she will stir fry you."

"Stir fry?"

"Gigisahin, duh!" sabi niya habang nagsusuklay. "Anyway, 'asan na ba 'yang si Jason? Napakatagal. Pare-pareho lang naman dismissal natin ha!"

Walang anu-ano pa'y dumating sina Jason kasama ang ilang miyembro ng Dying Language Club. Dumaan din sila sa likod ng school papunta sa may canteen para makarating dito. Masaya akong makita silang nagtatawanan dahil mas lalo kong nararamdaman na worth it habulin ng sekyu. Si Bella na naka-pencil skirt as usual, si Cha na anak ni sir Chua, si Lawrence na magaling mag-Latin, si Mike na iniwan ng girlfriend niya, at si Lukas na magaling sa writing systems.

"Yeoboseyo!" pagbati ni Daniela sa Korean.

"Oh, 'anjan na pala sila. 'Asan si Carlo?" tanong ko.

"May aasikasuhin daw eh," sabi ni Jason. "Dito na lang tayo magmi-meeting?"

Tumaas ng kamay si Bella. "I suggest bili na din tayo ng lunch habang nag-uusap-usap!"

Nagsang-ayon kami lahat at pumila kami sa canteen. Tinanong kami ng tindera na sa tingin ko ay si Aleng Susan dahil sa pangalan sa kanyang nametag na... eh, Susan. Kung wala pang nabubulol na estudyante dito sa San Lorenzo, isipin na lang nila si Aleng Susan kapag kinukulong niya ang mga sisiw ng kanyang mga alagang manok. Sinusi ni Susan ang sisidlan ng sisiw. Sinusi ni Susan ang sisidlan ng sisiw. Sinusi ni Susan ang sisidlan ng sisiw.

"Oh, sainyo?" tanong ni Aleng Susan, pero hindi ko pa rin matanggal ang tongue twister sa isip ko.

"Sisiw–FRIED CHICKEN PO!" bigla kong sinabi.

Tinignan ako nina Jason.

"Hash yer dothrae chek asshekh?" tanong ni Jason na hula ko ay Dothraki, ang language na ginawa ni David Peterson para sa Game of Thrones noong 2009. Sa sobrang sikat ng language na 'yan, mahigit 200 na ang mga batang napangalanang Khaleesi sa Amerika. Tanda ko pa 'to dahil ayon kay Peterson, ang mga ekspresyon sa wikang Dothraki ay may kinalaman sa mga kabayo. Ngayon iniisip ko kung may tongue twister din sila na may kinalaman sa kabayo.

Me and the Dying LanguageWhere stories live. Discover now