Chapter 1: Macoy [n.] Tagalog lang ng Mark

30 1 0
                                    

Sabi nila ay may limang paraan para matukoy mo kung ang isang nilalang ay may lenggwahe o wala.

Una ay ang discreetness. Ito ay ang mga bagay na mayroong laman at konteksto tulad ng mga tunog o salita. Ikalawa ay ang grammar, ang batas at mga patakaran kung paano mo gamitin ang mga bagay na binanggit ko. Ikatlo naman ay ang productivity. Kung nagagamit mo ang mga salita at patakarang ito sa pang-araw-araw na pakikipagsalamuha, sinasabing productive ito. Ikaapat, syempre, ay ang interpretability, ang pagbibigay daan sa iba na i-interpret ang bawat tunog, salita, o kilos upang maintindihan ng nakararami.

Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang ikalima. Ito ay ang tinatawag nating displacement. Ang kakayahang gamitin ang wika para pag-usapan ang mga bagay na nakikita, nararamdaman, naamoy, o naririnig mo. Ang pag-usapan ang kasaysayan at kung paano nabuo ang daigdig. Ang bumuo ng mga opinyon kung sino ba talaga ang nakapatay kay Magellan o kung bakit wala na ang mga dinosaur. O ang paghinuha kung anong mangyayari bukas, samakalawa, o sa mga susunod pang mga araw.

Kapapasok ko lang sa bago kong eskwelahan, pero mukhang ni-isang estudyante ay hindi nagpapakita ng alinman sa limang iyon. Tahimik ang buong San Lorenzo High School... or at least, sa part lang kung saan ako nakaupo. Hindi ako sanay na walang kausap, kaya nga nag-aral ako ng iba't-ibang lenggwahe para mas marami akong nakakakwentuhan.

Hawak-hawak ko ang bago kong schedule, pero wala rin akong idea kung saan ko ito hahanapin. Malawak ang school na 'to, at for sure hindi classroom ang mahahanap ko kundi mga senior na bully kung maglalakad-lakad ako ng mag-isa. Hindi. Hindi ako susugal.

Ah, siguro meron naman pala ditong discreetness. Puro tunog ng mga nagdadaldalang estudyante ang naririnig ko.

Huminga ako ng malalim. Mag-aalas-syete na at kailangan ko na talagang hanapin ang classroom ko.

Wala akong kakilala sa araw na ito, at alam kong mawi-weirduhan lang saakin ang mga tao kung babatiin ko sila ng ciao, bonjour, nihao, hallo, ola...

"Kumusta?" napatalon ako sa gulat nang biglang may bumati sa likod ko.

Agad akong humarap para makita ang hangal na estudyanteng halos kaedad ko lang. Magulo ang kanyang buhok at maraming laman ang kanyang backpack. Isang libro na lang yata ang kailangan, mapapatid na ang strap ng bag niya. Tumawa siya bigla. "Pasensya ka na, nagulat ata kita. Baguhan ka ba?"

"Yup," sinabi ko.

"Sabi ko na." Inabot niya sakin ang kamay niya. "Jason nga pala. Grade 8 Representative ng SSG."

"Macoy," ipinakilala ko ang sarili ko. "Mark sa English, Marcos sa Spanish, Márkou sa Greek, Mǎ kè sa Chinese, Marc sa French... pero Macoy na lang itawag mo sakin."

"Wow! Marami ka palang pangalan!"

Mali, maraming lenggwahe.

Binuklat ko ang class schedule ko at pinakita ko sakanya. "Ahh, pwede ba magtanong? Sa Section 2 raw ako sabi rito eh. Sa'n ba 'yun?"

Nagsimula kaming maglakad ni Jason papasok sa may main building – ang tinatawag nilang Lorenzo Bldg. Minsan iniisip ko na sana sa santo rin ako pinangalan. Ang mga barkada ko noon sa Iloilo, sina John, Michael, Luke, Theresa, Matthew, ayun. Ganap nang mga mensahero sa mga simbahan nila. Habang ako, well, hindi ko alam kung santo ba talaga si Mark, pero Macoy ang tunay kong pangalan. Nung pinanganak ako, walang maisip na ipangalan sakin sina Mama. Pero yung lolo ko sa father side, kamamatay lang noon. Kaya heto ako ngayon, si Macoy Manalo Jr., ang Macoy na talunan.

"Alam mo," umpisa ni Jason. "Every year, may kino-conduct kami ritong mga project tapos pino-propose sa Board."

"Every year? Wait, 'di ba Grade 8 ka lang din?"

Me and the Dying LanguageWhere stories live. Discover now