Chapter 3: Dead Language [n.] 'Wag na lang kaya?

11 1 0
                                    

Pag-uwi ko ng bahay ay naabutan kong nagpupwesto si Lolo Paeng sa mesa. Nanlaki ang mga mata ko. Nangingnig ang mga kamay ni lolo at walang problemang nilalagay ang mga babasaging plato sa hapag.

"Oh, anjan ka na pal–"

Agad akong tumakbo at inagaw ang hawak niyang mga plato. "'Lo! Ako na!"

Nilapag ko muna lahat ng bitbit niya sa mesa at saka ko kinuha ang palad niya para magmano. "'Lo, diba sabi ng doctor, hindi ka po dapat nagpapapagod? Dapat po ay nakapahinga kayo ngayon, di ho ba?"

Napasinghot si Lolo. "Issand Jumal, ma ei sure plaatide kaupa! Hindi naman ako papatayin ng mga platong 'yan!"

"At hindi nga po ako marunong mag-Estonian, di ko po kayo maiintindihan. Pero mas mabuti na po ang laging nag-iingat," sabi ko. Umupo si Lolo sa cabeza de la meza habang ako naman sa kaliwa niya. Ang awkward ng katahimikan.

Inatake sa puso noon si Lolo Paeng, dalawang taon na ang nakalipas. Ang maganda roon ay mild stroke lang naman pala, kaya hindi naapektuhan ang kanyang paglakad, pagbitbit, o pagsalita. Pero may minor impairments na nangyari sa kanyang puso, at naapektuhan nito ang kanyang mga daliri. Ilang buwan pagkatapos niya makaalis sa hospital ay sinusubukan naming i-practice lagi ang kamay niya dahil madalas itong manginig. Ngayon, oo medyo hindi na nanginginig ang mga kamay niya, pero hindi magandang pagpraktisan ang mga babasaging plato.

"Lo siento, abuelo," ani ko bago lagyan ng kanin ang plato. "I overreacted."

"Kein Problem," sagot niya sa German. Ganito kami madalas. Kung saan kami komportable magsalita, hangga't naiintindihan namin ang isa't-isa, ayos lang. Mas marami nga lang na lenggwaheng alam si Lolo, kaya talo ako kapag nagagalit siya at Estonian ang gagamitin niya. "Alam kong concern ka sa lagay ko. Nagpapahinga ako buong araw, iho, kaya wala kang dapat ipag-alala."

Nilagyan ko rin ng kanin ang plato niya at ng nakapwestong inihaw na isda't kusido.

"Oh, s'ya, kaon na ta," dagdag niya.

Bagama't marami kaming alam na lenggwahe, hindi namin isinasantabi ang taal na wika namin: ang Hiligaynon. Tubong Iloilo kami, at doon ako unang natuto ng una kong lenggwahe. Pinapa-English naman ako nina Mama minsan, pero sinasanay ako ni Lolo sa Hiligaynon. Nung bago ako pumasok sa Kinder, pinamememorize na sakin ng Lolo ang numbers 1-10 sa Chinese, French at German, at minsan kakausapin niya ako sa Spanish o Bahasa Indonesia nang 'di ko naiintindihan, tapos hahayaan akong hulaan kung anong sinasabi niya. Kumakanta rin kami ng nursery rhymes sa Russian at 'pag Sabado naman ay madalas kaming nanonood ng mga palabas sa Star Plus. Kung hindi niyo pa 'yun naririnig, 'yun ang channel ng mga Hindi drama.

Madalas akong napapagalitan noon ng Tatay, at madalas niya rin napapagalitan si Mama na dapat pagsabihan niya si Lolo dahil natatakot siyang lumaki akong di nila ako makakausap ng maayos. At ngayon ay masasabi kong nagkatotoo nga.

Dahan-dahang humigop sa sabaw si Lolo nang hindi bumabaluktot ang likod. "Kutsara ang lalapit sa bibig, hindi ang bibig sa kutsara," marahan niyang sinabi.

Agad kong inayos ang pag-upo ko.

"'Lo, kelan niyo ho ba ako tuturuan ng Etruscan?" tanong ko.

"Etruscan? Di ka pa nga tapos sa Thai, mag aaral ka na ng bago?"

"Alam niyo naman pong matagal ko nang gustong matuto ng dead language gaya niyo."

"Naaralan mo nga ang Latin eh."

"Nasa internet 'yun, 'Lo."

"Edi sa internet mo hanapin ang Etruscan?"

Napakamot ako ng ulo sa inis habang ngumingisi si Lolo. Kahit kailan ay hindi ko pa siya napipilit na maturuan ako ng dead language. Oo, patay na wika. Bagama't hindi na 'yan uso ngayon, gusto ko silang matutunan. Iba sa pakiramdam kapag natututo ka ng panibagong lenggwahe. Sabi nga sa isang kasabihan, language has a soul, and each time you learn a language, you become a new you. 'Tsaka para iba na rin ang magamit kong dummy account sa Facebook.

"Alam mo, iho," ani Lolo Paeng habang ngumunguya ng isda. "Pinapatay ko ang sarili ko para matuto ng isang patay na wika. Ang ibig kong sabihin, hindi ito madaling matutunan gaya ng mga itinuro ko sayo. Balang araw ay mamamatay rin ang ilan sa mga wikang ginagamit ngayon, at mas makabubuti kung nilalaan mo ang espasyo sa iyong utak para sa mga bagay na magagamit mo sa mga susunod na henerasyon, hindi sa mga bagay na ngayon lang."

"Sinasabi niyo po bang walang saysay ang pag-aaral ng dead languages?"

"Sinasabi kong walang praktikal na gamit kung pag-aaralan mo ang mga dead language. Maraming nanganganib na wika ngayon, Macoy, na sana iyon ang una mong gawin imbis na mag-aral paurong. Posibleng limampung taon mula ngayon, halos 1,200 na ang mga wikang patay, at walang ibang magsasalba sakanila kundi ang mga taong tulad natin. Tulad mo."

Nahirapan akong kainin ang inihaw na isda, akala ko may tinik na nakasabit sa lalamunan ko.

"Ikiwa unataka kusoma lugha, soma lugha hai," dagdag pa niya sa salitang Swahili. Syempre alam ko ang ibig niya sabihin. If you want to learn a language, read a living language.

"Sayang naman po ng mga natutunan niyo kung hindi niyo ipapasa saakin," sabi ko.

Napatigil sa pagnguya si Lolo at mukhang medyo natawa. "Saka na pagpatay na ako." At nagpatuloy na kumain. 

Me and the Dying LanguageWhere stories live. Discover now