Chapter 8: Isaw [n.] Pambansang street food, pwedeng hindi bayaran

9 1 0
                                    

Sa totoo lang, wala na akong pera. Sinabi ko lang na libre ko na para sumama siya. Well, meron naman akong fifty pesos, kaso baon ko to hanggang Biyernes eh. Bahala na nga.

"So," simula ni Aurora. Naka-upo kami sa may kupas na berdeng monobloc ng isawan at hinihintay na lang din namin ang order namin. Wala kaming idea kung kumain na si Aurora, pero alam kong gutom kaming lahat at pareho kami ni Jason hindi marunong sumuyo sa babae, kaya sana naman ay ma-appreciate niya ang pagyaya namin. "Kakauwi niyo pa lang? Anong ganap sa school?"

"Ah, katunawayn niyan," sabi ni Jason. "Bumubuo kami ng club. Dying Language Club."

"Dying Language Club?" inulit ni Aurora.

"Iyon ang ipopropose namin next week sa contest. Si Macoy nakaisip."

Tumingin sakin si Aurora at ngumiti. "Hmm, no wonder. Kasama ba sa platform niyo ang pagbibigay ng upuan sa may-ari?"

Tiningnan ako ni Jay.

"Sayo na 'yun," sabi ko. "Again, sorry na. Ibibigay ko naman talaga sayo eh, bigla kasong pumasok si Sir Chua."

"Sige since nilibre mo ako ngayon, it's a truce," sabi niya. "Pero hindi pa tayo bati."

"Magkaklase kayo?" tanong ni Jason.

"Magkaklase lang sa Filipino at sa Math," biro ko.

"Anong sabi mo?" tanong ni Aurora.

"Kuya pa-cancel nga po ng tatlong isaw ja–"

"Joke lang, ito naman..." sabi niya. "Anyway, ba't kayo bumubuo ng club bukod sa pang-propose sa Board? Mahirap 'yan, mag-papasa pa kayo ng constitution and by-laws at maghahanap pa kayo ng adviser niyan."

"Actually, hindi pa naman namin 'yan kailangan. Pero yes, tama ka mahirap nga," sabi ni Jason. "Hihintayin muna namin kung makuha ng Board ang proposal namin, saka kami gagawa ng mga document at maghahanap ng adviser."

"Ah." Tumango si Aurora. "Eh, wait, so para sa'n nga?"

"Iaadvocate namin ang mga endangered language. Kahit ano, pwedeng local, pwedeng sa ibang bansa," sabi ko. "Statistics say that many living languages today might disappear in the next fifty years. Kaya magpopropose kami ng elective classes sa mga languages na alam namin at kami ang magtuturo sa mga interesado. Pwede rin kaming gumawa ng mga dictionary or application kung pano matuto ng mga language na 'yun. Depende kung ano mapaguusapan namin."

Tinaas ni Aurora ang kamay niya. "Ok, ok, gets. Polyglot ka, marami ka talagang alam na wika. Eh ikaw, Jason?"

"Ako?" tumawa si Jason. "Aurora, marami rin akong alam na lenggwahe."

"Gaya ng?"

"Dothraki, High Valyrian,"

"Mga language sa movies ah. Totoo ba 'yan?"

"'Tsaka Na'vi, Enchanta–"

"Enchanta?!" tumawa kami ni Aurora. "Nanonood ka ng Encantadia?!"

Sumimangot si Jason at gumulong ang mga mata sa inis. "Encantadia is just like any other fictional series! Maybe a little lowkey than Star Trek, pero still! Gawang pinoy yun!"

"Mas maganda pa nga CGI ng 70's film ng Star Trek kaysa jan eh."

"Bahala ka jan."

Dumating na ang inorder naming mga isaw at kumain kami bago mag-away away tungkol sa Enchanta. Ginagamit ni Aurora ang normal right hand niya sa pagkain ng isaw, habang yung isa niyang kamay nakatago lang sa mahaba niyang sleeves. Alam ko ang nakita ko kanina, pero ayaw kong pag-usapan dahil ayaw kong masira ang moment.

Me and the Dying LanguageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon