Chapter 5: Algebra [n.] Pagtatagpi ng mga buto

7 1 0
                                    

Second class sa ikalawang araw ko sa SLHS ay ang pinaka ayaw kong subject: ang Math. Riadiat ang tawag nito sa Arabic. Ree-ah-dee-AH-tuh. Umaasa akong isang Indian o Pakistani ang magtuturo saamin dahil mas natututuo ako sa Youtube kapag sila ang nag-eexplain. Sa kasamaang palad, isang Tsinoy ang magtuturo saamin, si Sir Chua, at saka ko lang din nalaman na siya rin pala ang adviser ng section namin. I expect the worse... or probably the worst. Sabi ng mga kaklase ko, ang lesson namin sakanya ngayon ay bone-setting. Oo, pagtatagpi-tagpiin namin ang mga buto ng mga taong Tabon.

Galing sa salitang Arabic ang Algebra. At kung iniisip mong mas marami ang kontribusyon ng mga Greek sa Math dahil lang sa nagagamit ang lambda, pi, sigma, at iba pa, nagkakamali ka. Bago pa man makilala ang mga sikat na mathematicians, may konsepto na ang mga Arabo ng irrational numbers, analytical geometry, algebra, at trigonometry. Dahil mula sa Arabic ang salitang algebra, ang ibig sabihin nito ay bone-setting o pag-aayos ng mga buto. Bukod dito, wala na akong ibang interes sa Mathematics.

Hindi pa pumapasok si Sir Chua pero marami nang mga estudyante sa classroom. Umupo ako sa pinakalikuran dahil lahat ng mga upuan sa harap ay may nakakuha na. Isa na doon sina Andrew at ang dalawa niyang minion.

Habang nag-aantay kami sa pagdating ni Sir Chua ay nahagilap ko ang pagpasok ng babaeng kaklase ko kahapon. Si Aurora. Himala, hindi siya late ngayon. Pero late naman siya sa una niyang klase. Hindi siya masyadong napapansin ng mga kaklase ko. Bakit kaya hindi? Siya naman ay para bang may hinahanap sa classroom; kung saan-saan tumitingin. Hangga't sa–

Tumingin siya sa'kin. Ngumiti siya at naglakad papunta sa inuupuan. Papunta ba talaga siya sa'kin? Hinahanap niya ata ako.

Nang malapit na siya, tumayo ako para batiin sana siya. Pero bago ako makapagsalita, inunahan niya na ako.

"Diyan ako nakaupo!" ani Aurora, nilalakasan ang tono sa bawat salita.

"H-ha?"

"Sabing diyan ako nakaupo!"

"Désolé, je ne savais pas," sabi ko in French.

"Ano?"

"I mean, pasensya na, hindi ko alam. Baguhan ak–"

"Alam ko. Nakita kita kahapon sa Filipino. At siguro alam mo namang hindi ako umuupo sa unahan. Kaya tsupe!"

Hindi ko pa nakukuha ang bag ko, pumasok na sa classroom si Sir Chua. Automatic na nagsiupuan at nagsitahimik ang mga kaklase ko, pati ako. Si Aurora ay nakatayo pa rin sa harap ko.

"Ms. Castilla, why are you standing?" biglang tanong ng teacher namin nang nakita si Aurorang nakatayo pa rin.

Napalingon si Aurora kay Sir at nanginig. "Thi-this is my seat, Sir–"

"We don't have seat plan, Ms. Castilla. If you don't mind, umupo ka na lang muna sa ibang upuan."

"But Sir–"

"Do it now, please."

Tiningnan ako ni Aurora ng masama, at saka umalis at umupo limang raya ang layo. Pagkatapos nun ay wala na kaming ibang naririnig kundi katahimikan at ang ang seryosong pagtuturo ni sir tungkol sa bone setting.

Habang nagsusulat ako ng notes, may kumalabit sa balikat ko.

"Pinapaabot ni Aurora," bulong ng katabi ko, hawak ang isang pirasong papel. Kinuha ko ito at binuksan. Doon nakasulat ang mga katagang "Your Dead" sa pulang ballpen. Mukhang nagalit ko siya. Pero hindi ko ito palalampasin.

Inayos ko ang sinulat niya at dinagdagan ng apostrophe at e ang your gamit ang blue ballpen ko para maging You're Dead, at pinaabot ko pabalik sakanya.

Maya-maya pagkalingon ko sa row kung saan nakaupo si Aurora, namataan ko ang mga nanlilisik na mga mata niya. Nakakunot ang kanyang mga kilay, at para bang kahit tawagin siya ni Sir Chua ay hindi siya kikibo. Hala, mukhang hindi na maganda ang mangyayari sa mga susunod na klase. Kailangan ko nang seryosohin ang pagtagpi ng mga buto, baka sakaling paghiwahiwalayin ito sakin ni Aurora.

"From my problem in the board, can anyone tell me how we are going to divide it out from expressions?" tanong bigla ni Sir nang walang pasintabi.

Walang anu-anupa'y tumaas ng kamay si Aurora.

"Ms. Castilla?"

Sa pagtayo ni Aurora, tinitingnan niya pa rin ako ng masama. At saka siya humarap kay Sir. "We couldn't divide it from the expression because that's not a common factors. Only common factors can be divided from its expressions. The denominator 4 – x is not a factor, they are terms of the denominator."

"Excellent! Good explanation, Ms. Castilla. Now–"

Gusto ko sanang mapansin din ni sir na naka-plural ang common factors ni Aurora kahit na isa lang naman ang tinutukoy niya, kaso mukhang hindi niya ito napansin.

Pag-upo ni Aurora, tiningnan ko ulit siya. Nakahinga ako ng malalim dahil hindi niya na ako tiningnan ulit. Alam ko ang ginagawa niya. Tinatakot niya ako dahil magaling siya sa math at ako hindi. Ibibigay ko naman ang upuang 'to sa mga susunod na klase, pero hindi ibig sabihin ay takot ako sakanya. Wala lang talaga akong choice kanina. It's not necessary for her to be mad about. And I certainly don't like it when somebody is mad at me for unjustified reasons. It's just that... if she can pull it off in Math, I'll pull it off better in English.

English pala ang automatic language ko 'pag piling matalino o makikidebate.

Me and the Dying LanguageDove le storie prendono vita. Scoprilo ora