𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 𝗜

937 35 3
                                    

𝗩𝗲𝗿𝘆 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗟𝗼𝘃𝗲
ᴀʟᴀʏ ᴋᴀʏ ᴘʀᴏᴘᴇsᴏʀᴀ


Reagan Sweetzel Albano's POV

Be vigilant with your heart; keep its beat at bay, control your emotions. Live longer, Rea–––those were the same words they engraved in me. In order to live longer, the joy of being a person were taken away from me.

Since childhood, I've been a frail kid. May butas sa aking puso kaya halos parati akong balisa at nasa hospital. Paulit-ulit akong pumapasok sa operasyong mas nagdulot naman ng paghina ng aking puso. Kaya ito, lumaki akong pinagbawalang makaramdam ng sobra-sobrang kalungkutan o kasiyahan.

Naaalala ko na kasing dami ng ulan sa kalangitan ang mga bawal sa akin. Isa na rito ay ang hayaan ang puso kong mahulog sa kahit na sino. Hindi raw kasi maganda para sa puso ko baka masaktan pa ako. Kaso malas nila, dahil nahulog nga ako. Nahulog ako sa nag-iisang Allora Valentina Monroe, ang aking propesora sa larangan ng sining. Masiyahin ito at palatawa. Magaling siyang umawit at mahilig tumogtog ng gitara, siya nga ang nagturo sa akin e. Pero ang pinakaunang bumighani sa akin ay ang mouth corner nitong dimple na one-sided lang. Kapag siya ay ngumingiti o tumatawa, nasisilayan ko ito kaya mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko.

A bitter smile formed on my lips unconsciously. Mag-iisang taon na akong ganito. Mas inilalapit ko ang sarili ko kay kamatayan sa bawat araw na hinahayaan ko ang sarili kong ibigin siya. Pero kahit alam ko ang magiging resulta nito ay hindi ko kayang pigilan ang aking sarili.

Ito ang unang beses kong mahulog at sa babae pa. Natatakot ako pero kasabay nun ay tila handa ako sa aking magiging kapalaran. Maybe because the day I accepted the truth was the day I felt a genuine happiness in my life. The same happiness that caused me to lie down the hospital bed a day later.

It was too much for my heart to handle. Dr. Harris advised me to take it easy. I tried my best, and then something unexpected came out of nowhere which caused my heart to experience more hanggang sa hindi ko talaga makayang huwag kimkimin ang nararamdaman ko. So she said, "Try to avert these feelings, or use any medium to express them without altering the regular beat of your heart." Payo niya 'yun sa akin halos kanina lang. Pinag-isipan ko naman at napagtanto kong tama siya. Kung hindi ko kayang kimkimin ay ilabas ko, at may alam akong paraan paano.

Pumasok ako sa aking kwarto saka ni-lock ang pinto. Katatapos lang naming nagpunta sa hospital dahil inatake na naman ako. Lumapit ako sa may bintana saka ito binuksa. I can feel the wind slowly blowing in. Huminga ako nang malalim habang nakapikit. Nanatili ako sa ganoong kalagayan hanggang sa malapit nang lumubog ang araw na natatanaw sa aking kinaroroonan.

I am a musician. It was my escape. I expressed my emotions through singing and strumming my guitar. It worked before, so i thought... maybe it will work this time too?

Gusto kong malaman ni Ma'am ang nararamdaman ko na hindi ko nasabi-sabi sa kaniya. Kaya naisipan kong gumawa ng maikling film kung saan ako ang bida ngunit siya ang paksa ng kwento. Sa film na iyon ay kakantahan ko siya hanggang sa magkaroon na ako ng lakas na loob at ibigay sa kaniya iyon ng buo.

Para kahit papaano, kapag wala na ako ay malaman niya.

Inilabas ko sa aking bulsa ang aking cellphone saka ito isinandal sa may halaman dito sa may bintana. Pagkatapos ay kinuha ko ang aking gitara sa rack nito at umupo sa window seat. Kitang kita ang mukha ko sa kamera bago ko ito pinindot. "Hi, Ma'am." Matamis kong sambit at nanlumo agad ang aking puso. "Ika-labing dalawang araw na ng pebrero. Malapit na naman ang araw ng mga puso. Sana mabigyan kita muli ng mga rosas pero sayang..." Tumigil ako nang biglang sumikip ang aking dibdib. Hinawakan ko ito saka pinakalma ang sarili. "S'ya nga pala. Ginagawa ko ito dahil nais kitang haranahin. Nais kong malaman mo ang pag-ibig ko sa'yo na hindi ko nasabi sa personal. Masyado akong duwag kaya naman hindi kita malapitan. Kaya idadaan ko na lang sa sampong awitin na inaaalay ko sa'yo." Natawa ako nang wala sa oras dahil sa sinabi ko mismo. Tumigil naman na ang puso ko sa pagsikip kaya ko muli hinawakan ang aking gitara. "Unang aawitin ko sa'yo ay ang A Very Special Love ni Sarah Geronimo. Ito 'yung kantang nagpapaalala sa akin ng una na'ting pagkikita. Sana magustuhan mo, Ma'am." Ngumiti ako sa kamera bago inayos ang postura ng gitara sa aking hita.

Hinayaan kong mabalot ako ng katahimikan hanggang sa gitara ko na lang ang aking naririnig. Pumikit ako saka huminga nang malalim. Kaya ko ito...

"I never believed in love
I was forbidden to love
I never had much luck with my heart before"

As I sing the first stanza, my memory takes me back to when I first saw her. It was during my senior year enrollment. I vividly remember her, chatting with her co-workers and flashing her dimple.

"And I couldn't compete
I seemed just part of the street
To be walked on by everyone, but then~"

I used to wonder, how can she be so happy? Masyado siyang palatawa at masiyahin na napagtanto ko isang araw ay nasa kaniya na lang parati ang paningin ko. Pinagmamasdan siya sa tuwing nakangiti ito.

Tapos isang araw... tinanggap ko na sa aking sarili na nahulog ako.

"Then, I found a very special love in you
It's a feeling that's so totally new
Over and over, it's burning inside"

My heart warms every time she smiles. It skips a beat when she laughs. It aches when she's angry. It folds when she's sad or unwell. My heart's condition depends on her emotions. It was new. It is still new. But I'm fine with it. I think it's special.

"I found a very special love in you
And it almost breaks me in two
Squeezing me tighter"

Pagkakanta ko sa huling stanza. Hindi ko mapigilang maluha. Because I may lose my breath tomorrow or any seconds from now. My heart may decide to stop fighting. loving her will put my heart in danger. Kaso, ayaw kong tumigil.

"But I'm never gonna let go" –––So, I can't let go. I will choose to be happy even if it means to be two step closer to my grave.

...

Tumigil ako sa pag-strum nang natapos ko na ang kanta. Tinitigan ko lang ang kamera. Tumulala lang ako at iniisip na nasa kabila siyang bahagi ng kamera at pinapanood ako ngayon.

"Rea, kain na nak." Biglang saad ng aking ina mula sa pinto. Dahil dito ay mabilis kong pinatay muna 'yung video. Hindi kasi alam ng mga magulang ko ang aking ginagawa.

"Opo, Mommy." Mahina kong sagot. Ayaw ko namang lakasan dahil paniguradong mag-aalala sila at baka kapusin ako ng hininga. Ibinaba ko na lang ang aking gitara saka lumapit sa pinto at binuksan ito.

Sumalubong ang loob ng bahay na tila may atmosperang nasa loob ako ng sementeryo. Malamig sa kahit anong sulok ng bahay na'min at nanlulumo ang mga mukha ng mga magulang ko. Parang hindi pa sila handa sa kamatayan ko...

Hindi ko naman sila masisisi. Ako ang nag-iisa nilang anak. Ako ang pinakahirap-hirapan nilang mabuo pero nang naipanganak na ay kukunin din naman. Sa tingin ko nga ay nawalan na ng pag-asa ang magulang ko ilang taon na ang nakakalipas. Sadyang pilit lang nilang ginagawa ang lahat-lahat para makasama ako kahit ilan pang segundo.

Because my death is inevitable and unforeseen. I may even die now at walang magagawa ang mga magulang ko. Kaya kahit papaano ay naiintindihan ko sila. They just want to hold me as long as I'm still breathing. I'm their daughter, their treasure, their life. So, I tried to live while not actually living... pero pagod na rin ako e.

Gusto ko rin makaramdam nang hindi prinoproblema ang puso ko. Gusto kong mabuhay nang normal gaya ng iba. Sapat na siguro ang nakalipas na labing-pitong taon para sa kanila.

Ako naman.

Puso ko naman.

Kaligayahan ko naman, kahit ikakapatay ko pa.

𝗔𝗹𝗮𝘆 𝗞𝗮𝘆 𝗣𝗿𝗼𝗽𝗲𝘀𝗼𝗿𝗮 [𝘎𝘹𝘎 - 𝘊𝘰𝘮𝘱𝘭𝘦𝘵𝘦𝘥]Where stories live. Discover now