𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 𝗩

280 23 0
                                    

𝗡𝗮-𝗮𝗸𝗶𝘁
ᴀʟᴀʏ ᴋᴀʏ ᴘʀᴏᴘᴇsᴏʀᴀ

Reagan Sweetzel Albano's POV

"Ermita! Ermita!" Nagising ako sa pagsigaw na naman ng kondoktor. Dahan dahan kong inangat ang aking ulo saka nag-ayos ng upo. Hindi ko namalayan at nakatulog na pala ako kaninang biyahe namin. Agad kong kinapa ang aking bulsa at laking pasasalamat ko nang mayroon pa naman aking wallet. "Ermita, may bababa ba?" Tanong ni kuya kaya itinaas ko ang aking kamay.

"Ako po, teka lang." Sabi ko

"Bilisan mo! Hindi lang ikaw hinihintay namin, ineng." Sigaw naman niya. Kahit napahiya ako roon ay ipinagwalang bahala ko na lang dahil ganito naman sila parati. Marami rin kaming mga nakasakay at mukhang ako lang ang bababa rito.

Dali dali ko tuloy isinakbit ang gitara ko sa aking balikat saka lumabas na ng bus. Pagka-apak ko sa sahig ay naramdaman ko agad ang pag-alis ng sinakyan ko. Nagmamadali ata sila.

Inayos ko ang aking sarili saka lumapit muna sa may malaking puno para sumilong. Alas otso na ng umaga kaya nagsisimula nang uminit ang panahon. Dahil sa nasa syudad ako ay maraming polusyon sa kahit saan ako lumingon kaya naman naghanap muna ako ng matatambayan.

Malapit dito ang pinapasukan kong paaralan. Kapag tapos na 'yung klase ko ay nagpupunta kami ni Clarries sa Robinsons. Nililibot na'min'yung lugar hanggang sa 'di nagtagal at si Ma'am Val na ang nakakasama ko. Noon kasing sumali ako sa banda ay naging magkalayo na kami ng kaibigan ko kaya naman napabarkada na siya sa iba. Tapos dahil sa pagiging mag-isa ko ay napansin siguro ako ni Ma'am Val at kinausap.

Ayun, 'di nagtagal ay naging magkaibigan na kami. Masaya siyang kasama kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong mahulog sa kaniya. Tanda ko, ika-trese ng pebrero noong nakaraan taon ako umamin sa sarili ko. Iyon din ang araw ngayon, what a coincidence.

Dahil sa bukas na nga ang araw ng pag-ibig ay nagkalat ang mga nagbebenta ng mga bulaklak at kung ano-ano pa. May nagpatigil nga sa aking tindera at hiniling na bilhin ko na ang binebenta niyang bulaklak. Sabi ko naman ay wala na akong mapagbibigyan saka ako umalis doon.

Ngayon ay nandito ako sa may Musical Dancing Fountain. Umuupo ako rito sa bangko kung saan may punong nagsisilbing silong ko. Walang masyadong tao rito pero kung mayroon man ay ang mga magkarelasyon lang. Bawat sulok nga ng mga mata ko ay sila lang ang nakikita.

Hindi ko tuloy alam kung maiingit ako o masusuka.

Haysst. Maiingit ako. Sila kasi ay malayang umibig ng taong minamahal nila. Tapos ako nandito, gumagawa lang ng film para sa sinisinta ko.

A bittersweet smile formed on my lips as a bit of the past lingered in my memory. It was when I saw her in a red dress during Valentine's Day. Iyon din ang araw na kumanta kami ng banda ko sa stage. Ngayon parang gusto ko tuloy kantahin ulit iyon.

Dali dali kong inilabas sa aking bulsa ang phone ko saka tinanggal ito sa pagkaka-charge. Nag-video ulit ako saka kumaway na naman sa kamera. "Hi, Ma'am Val. Naaalala mo 'yung kantang Na-akit by Henyong Makata? Nais ko sanang awitin iyon para sa'yo bilang pang-limang kanta. Bigla ko lang naalala na sinabi mong iyon ang isa sa pinakagusto mong kinakanta ko kaya ito. Gusto ko siya muling awitin para sa'yo."

Ibinaba ko ang aking phone saka inilabas na naman ang aking gitara at inilagay ito sa aking hita. Pagkatapos ay pinahiga ko ang phone pasandal sa case saka lumayo nang kaunti para kita ang kamay ko sa kamera. Mahaba 'yung kanta pero susubukan kong tapusin.

𝗔𝗹𝗮𝘆 𝗞𝗮𝘆 𝗣𝗿𝗼𝗽𝗲𝘀𝗼𝗿𝗮 [𝘎𝘹𝘎 - 𝘊𝘰𝘮𝘱𝘭𝘦𝘵𝘦𝘥]Where stories live. Discover now