𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 𝗩𝗜

289 25 2
                                    

𝗧𝗮𝗸𝗲 𝗺𝗲 𝘁𝗼 𝘁𝗵𝗲 𝗥𝗶𝘃𝗲𝗿
ᴀʟᴀʏ ᴋᴀʏ ᴘʀᴏᴘᴇsᴏʀᴀ

Reagan Sweetzel Albano's POV

Natapos ang unang sineng pinanood ko na iniwan akong luhaan. Nagsimula naman itong masaya pero pinaiyak niya ako sa huli dahil hindi maaaring magsama ang dalawang bida. Todo kapit tuloy ako sa puso ko bawat segundong lumipas.

Haysst. Ganito pala ang sinema. Laking pasasalamat ko sa sarili ko at pinili kong manood kaysa ang kumain. Ngayon, pamasahe na lang ang mayroon ako.

Pagkatapos ko sa sine ay lumabas na ako ng Robinsons. Hawak-hawak ko pa rin ang phone ko na naka-on habang tinitignan ang itsura ko sa kamera. "Argh, namumula na mata ko, Ma'am Val. Paniguradong magagalit sina Mommy dito" pagdadaing ko habang tinatahak ang daan. Hindi ko na ata namalayan ang oras at ginabi na ako. Mag-aalas syete na kasi ng gabi akong nakalabas.

Dahil dito ay kakaunti na lang ang tao a paligid. Pinagpasyahan ko nang umuwi pero naglakad ako pabalik sa Dancing Fountain. "Naalala mo Ma'am noong sabi mo ihahatid mo ako para masiguro mong ligtas akong makauwi? Pero bigla tayong naligaw kasi hindi mo alam 'yung direksyon mo? Haha, sobrang tawang-tawa ako noon. Pinagalitan nga lang ako ng magulang ko pagkauwi pero masayang experience naman kaya wala akong pagsisisi." Pagkkwento ko sa nakaraan.

Kung hindi ako nagkakamali ay nakaalis na ang unang bus pauwi sa amin. Mamayang alas nwebe na ang susunod kaya umupo muna ako rito sa mga bangko saka pinagmasdan ang tubig na dumadaloy sa Fountain. "Kahit kailan wala paring pagbabago. Sana lang talaga at nandito ka Ma'am Val para makita mo ulit ito." Pagtutukoy ko sa tanawin.

Tumahimik muna ako saka inilabas na naman ang aking gitara. "Ma'am, kantahan kita ha?" Simple kong sabi sa kamera bago iyon ipinatayo pa-landscape sa gilid habang nakasandal sa case ng aking gitara.

Humarap ako rito saka ko nilinis ang aking lalamunan. "Ang ika-anim na awiting alay ko sa'yo ay ang Take me to the River nila Alex Yurkiv and Thelma Costolo. Sana magustuhan mo dahil ito ang sumisimbolo sa kaya kong gawin mahalin ka lang." Binasa ko ang aking bibig matapos ang mumunti kong talumpati sa kamera.

"I want to get lost in you
I want to get lost in you
I want to keep my eyes on you
I want to get lost in you"

"Your love is high like the tide
Come and pull me in
I want to get low in your glory, to see places you been
Sweeter than honey, nourish my soul"

"Oh to know you is to love you
Come make me whole"

"Take me to the river I will swim, I will swim
Take me to the river I will swim
Take me to the river I will swim, I will swim
Take me to the river I will swim"

If loving you means sacrificing my life, I'll do it. If finding happiness with you requires facing death, I'll willingly accept it. Take me anywhere, and I'll follow you wholeheartedly, Valentina.

"I want to get lost in you
I want to keep my eyes on you
Cause I know your word is true
Now I'm holding on to you"

"I'm in the river, its rising
For you im all in
My soul is bursting with praises, deep within
Your Prescence overwhelms me, It cleanses my soul
Oh how you saved me and changed me, make your glory known"

𝗔𝗹𝗮𝘆 𝗞𝗮𝘆 𝗣𝗿𝗼𝗽𝗲𝘀𝗼𝗿𝗮 [𝘎𝘹𝘎 - 𝘊𝘰𝘮𝘱𝘭𝘦𝘵𝘦𝘥]Where stories live. Discover now