𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 𝗜𝗜𝗜

393 28 0
                                    

𝗟𝗲𝗼𝗻𝗼𝗿𝗮
ᴀʟᴀʏ ᴋᴀʏ ᴘʀᴏᴘᴇsᴏʀᴀ

Reagan Sweetzel Albano's POV

Gumising ako kinabukasan na mabigat ang aking dibdib. Kinailangang tawagan ni mommy ang aking doktora pero ayos naman na ako.

"You can walk around the house or the neighborhood. Exercise a little, it will help you" ngiting payo ni dok sa akin bago siya umalis. Ngayon naman ay nakaupo pa rin ako sa aking kama kahit sinabi na ng magulang kong dapat akong magpahinga.

Alas tres pa lang kasi ng umaga. Dahil naman sa may balak akong pumunta sa dagat malapit dito ay kailangan ko nang mag-ayos ng sarili ko. Hindi ito alam ng magulang ko pero hindi rin naman nila ako pagbabawalang gawin ang aking nais.

Kaya naman gumapang ako sa aking kama saka isinuot ang malambot kong bunny shoes. Nakasara na ngayon ang aking bintana pero nandoon pa rin ang phone kong iniwan kong nakaharap sa kalangitan. Kinuha ko ito at napangiti nang hindi pa namamatay ang baterya niya. "Hi, Ma'am Val. Good morning. Alam ko ang sasabihin mo, 'ang aga ko namang gumising'. Tsk, talagang hindi ka lang early bird, Ma'am Val. " bati ko sa kamera saka ako naglakad muli palapit sa aking kama. "Kung nagtataka ka, pupunta tayo ngayon sa dagat. Na-miss ko na kasi 'yung sunrise kaya naman gusto kong masilayan muli. Sasama ka ha?" Pagtatanong ko. Nasa thirty percent ang baterya nitong phone ko kaya magbabaon ako ng powerbank.

Pinulot ko ang isa kong malambot na unan saka ko ito inilagay sa gitna ng kama. Doon ko ipinatayo ang aking phone bago ako lumayo nang kaunti para kita ang halos kabuuan ng katawan ko. "Outfit check haha" pagtawa ko sa kamera sabay postura. Fasyonista kasi si Ma'am Val kaya nakuha ko sa kaniya ang pagsasabi nun tuwing may kumukuha sa amin ng larawan. "Teka lang, Ma'am. Magpapalit lang ako, baka lamigin ako mamaya sa daan." Naglakad ako palapit sa aking closet dahilan para hindi na ako makita sa kamera. Naghanap ako ng maisusuot saka ako nagpalit pagkatapos. Nag-half bath naman ako bago nagpalit kaya kahit papaano ay malinis ang katawan ko.

"Nandito na ulit ako. Na-miss mo ba ako, Ma'am Val?" Paglilitaw ko muli sa kamera. Isinusuot ko ang aking sapatos na nakatayo para makita niya. Tapos, umikot ikot ako sa harapan ng kamera. "Ito po 'yung outfit ko, maganda no? Parang ako lang, Ma'am Val hehe." Aking pagbibiro sabay lapit dito at pulot ng aking phone. Itinaas ko siya sa ere saka ako umawra. "O s'ya, tara na, Ma'am."

Kinuha ko ang aking gitara sa may bintana saka ito inilagay sa kaniyang case para mas madali ko itong bitbitin. Hindi ko rin kinalimutan ang aking powerbank saka ang headphone ko para hindi lamigin masyado ang aking tainga. Wala kasi akong earmuffs kaya ito na lang. Isa pa, para may silbi ay nagpatugtog ako rito sabay salpak sa aking mga tainga.

Nang mukhang handa na ako ay lumabas na ako sa aking kwarto at bumaba ng hagdanan. Naka-on pa rin ang kamera at kinukuhanan ko pa rin ang sarili kong maglakad. Dahan dahan ang aking pag-apak para naman hindi sila magising. Ilang minuto akong ganoon hanggang sa nakalabas na ako ng bahay. "Ang ganda ng langit Ma'am Val oh!" Bulong ko saka itinihaya ang aking phone sa kalangitan. Dahil sa alas tres pa lang ng umaga ay kitang kita pa rin ang mga bituin sa langit. "Kasing ganda mo, Ma'am Val." Bulong ko sa hangin. Hindi ako sigurado kung narinig iyon sa phone ko pero hinayaan ko na lang. Nagpatuloy ako sa paglalakad at lumabas sa tarangkahan na'min saka lumapit sa kalsada.

Ilang metro lang naman ang layo ng pwestong pupuntahan ko mula rito. Maayos ang tanawin doon kaya madalas ako tumambay tuwing madaling-araw. Paminsan-minsan naman ay kinukulit ko si Ma'am noon na sabayan ako kaya halos parati kami nagkikita roon tuwing sabado kapag nagj-jogging ito.

Kinakausap ko ang kamera habang ako ay naglalakad. May mga nakakakitang nagbubukas na mga tindahan sa kalsada pero wala akong pakialam. Kahit mag-isip sila nang kung ano bahala sila. Basta ako gumagawa ako ng film para kay Ma'am.

𝗔𝗹𝗮𝘆 𝗞𝗮𝘆 𝗣𝗿𝗼𝗽𝗲𝘀𝗼𝗿𝗮 [𝘎𝘹𝘎 - 𝘊𝘰𝘮𝘱𝘭𝘦𝘵𝘦𝘥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon