Chapter 2

0 0 0
                                    

"Libre mo kami Liam!" Sabi ni Amy


"Bakit wala ba kayong baon?" Tanong ni Liam sabay tingin sakin.



Usually kasi nag babaon kami ni Amy para kapag recess may kakainin kami, magutumin kasi siya so kailangan niya. Pero minsan wala kaming dala.




Ako ang kadalasang nagdadala ng baon samin, dinadamihan ko lang tapos share na kami dun sa lunch box ko.





"Tinamad ako magluto lols" sabi ko. Ganon kasi ako minsan, tinatamad ako magluto ng ulam kaya minsan wala akong baon.




"Dalawang biscuits lang naman sainyo, diba? Tara Aidan pati JM samahan nyo ko!" Yaya ni Liam sakanila.




Narinig kong mag reklamo ang dalawa pero dahil wala naman silang choice dahil sinigawan na sila ni Amy ay sumunod nalang sila.

Pag wala kaming dalang pagkain si Liam ang taga bili namin bibili siya ng pagkain tapos ibibigay niya samin. Hindi kami buraot ni Amy sadyang kapatid lang ang turingan namin sa circle namin, pag mag isa sasamahan, pag walang pagkain bibigyan.



20 mins lang ang recess namin dahil half day lang naman kami sa school kaya hindi na kami nag complain. Mabagal ang pila sa canteen kaya siguro ang tagal nilang bumalik. Maraming students, maraming pila.






"Ang tagal naman nila Liam" reklamo ni Amy.



Maiksi talaga ang pasenya niya, kung minsan nga mas maiksi pa diyan, pero alam niya kung paano maghintay hindi niya pinagpipilitan ang lahat ng bagay.





"May sagot kana dito?" Tanong niya maya-maya






Tinigil ko muna ang pag ce-cellphone ko at tinignan kung alin ang tinutukoy niya, may natitira pa kaming tatlong subject kaya hindi ko alam kung alin dun sa tatlo. Pero ang alam ko kasi wala namang assignment.





"Ah yung research, oo meron na, sinumarize ko lang para hindi masabing kopya naglagay din ako ng maiksing explanation. Para wala ng itanong si sir" sbi ko sakanya.





Madali lang naman yon, sadyang ayoko lang talagang tinatanong ako when it comes to my activities, nagagambala ang discussions.





"Oh buti nakabalik pa kayo!" Bungad ni Amy pagbalik ng tatlo.





"Ate, may 10 minutes pa naman" sabi ni Liam.




Kumain nalang kami ng maayos ni Amy nasa tabi niya ko, hindi pa ko bumabalik sa upuan ko mamaya na siguro.





"Patingin ng research mo, Irish"




Binigay ko lang kay Liam ang papel ko, at tinignan niya yon. Matalino siya kaya hindi na siya nag tanong sakin tungkol don, alam kong may sagot siya don.






"Ganto lang pala eh! Meron na ko niyan. Ikaw Belle meron ka?" Tanong niya.






"Nakakairita naman 'to! Ate meron akong akin 'no! Tsaka wag mo kong tawaging Belle I'm not kampana" sabay irap kay Liam.





Ayaw niyang tinatawag siya sa second name niya, panget daw but I disagree maganda ang second name na Belle.



Nang tumunog ang bell ay bumalik na ko sa tamang upuan ko, katabi ko naman si Liam ngayon, well hindi siya dito nakaupo tinabihan niya lang ako.




Bumati na din kami agad sa teacher namin tapos nagdasal tapos umupo na pag tapos.



Nang matapos ang klase niya ay lumipat na kami ulit ng upuan kasi may sitting arrangement kami for the next subject.



Puro lalaki ang katabi ko, pero wala naman akong pakealm kasi komportable naman ako. Madaldal si Liam kasi wala pa yung teacher kagrupo ko siya, pati si Amy at si Aidan.



In our circle so Aidan ang hirap akong kausapin introvert siya at hindi masyadong nagsasalita, pero gets ko naman siya siguro ay hindi siya komportable sakin o kaya'y may problema siya.



Nung dumating yung teacher ay tumayo kaming lahat at bumati sakanya. Pinasa lang namin ang papel namin sakanya at nakinig ng lecture, nag sulat na din ako ng notes.





"Okay, may dala kayong manila paper, diba? Tapos na ang lecture natin ngayon may groupings tayo. Bring out your materials ang start picking your topic here. " Our teacher said.



Bumunot na ng papel si Irene. Pag tapos non ay nag tanong na siya, hindi kasi planado ang groupings ngayong araw sa subject na 'to, kaya hirap talaga.




"Sir pwede po bang bumili muna?"





"Hindi! Diba ang sabi ko sainyo palaging mag dala ng manila paper? Ngayon din yan ipre-present!" Teacher said.




Hindi naman namin siya masisi, pero wala naman kaming problema sa materials dahil may dala ako ng kailangan. Palagi akong may dala baka kasi may biglaang groupings ay wala kami, buti talaga nag dala ko.





"Oh sulat na!" Zoey handed the pentel pen to Amy. Siya lang ang may magandang sulat kamay saming lahat eh.

____________________________________________________________________________________________________________
ฅ⁠^⁠•⁠ﻌ⁠•⁠^⁠ฅ

Sweetness For Bitterness Where stories live. Discover now