Chapter 11

0 0 0
                                    

"Ate, aalis ka ngayon diba?" Bungad ni Isabela sakin.


"Oo, bakit?" Tanong ko sakanya

"Wala lang, kami nalang ni Ivan maiiwan dito, ingat ka!" Sabi niya


Minsan kapag mag sasabi siya ng ganyan may gala siya kaya ayaw niya kong paalisin pero hindi naman pwedeng hindi ako umalis, simbahan yung pupuntahan ko, tsaka nandon si lola kaya hindi ako pwedeng umabsent ngayon.



"May gala kaba?" Hindi mapigilang tanong ko



"Uh wala naman" sagot niya



Tinaasan ko siya ng kilay, mukhang nahihiya pa siyang magsabi.


"Ano? Meron wala?"



"Meron ate, pero hindi naman ako pinayagan e" sagot niya



Naglalaba ko kasi Sabado na, si Isabela ang nagtutupi ng mga damit dahil sa yun ang Gawain niya, palagi kaming may gawaing pansarili dito sa bahay na kailan naming gampanan.



Pagkatapos kong mag laba nilutuan ko sila ng makakain, hindi sila marunong magluto ng ulam nila kaya umaasa sila sakin pag dating sa pag luluto.



Nung naluto na ang pagkain tinawag ko na sila sa dinning para kumain na, ako din kasi ang mag huhugas ngayon kaya pinakain ko na sila para walang maiwang hugasan bago ko umalis dito sa bahay.




Pagtapos kong kumain naglinis ako ng bahay kasi ang dumi na atsaka kailangan ko ding mag linis dahil aalis ako, ang panget kung aalis ako ng bahay tapos makalat.



"Clean up, after eating, ok?" Pag papaalala ko sa dalawa kung sino kasi ang huli ay siyang mag liligpit, "tsaka stop fighting and just eat" sabi ko



Palagi kasi silang nag aaway ni Ivan, mabagal kumain si Ivan palaging may sigawan sakanilang dalawa walang may gustong mag patalo.



"Ate tapos na ko" sabi ni Ivan "si ate Isabela na ang mag liligpit niyan!" Sabi niya pa


"Oo, kaya ko naman kasi" Isabela said sticking out her tongue to tease Ethan more.



Bata pa si Ivan 5 palang siya, pero si Isabela she's 14 and know how to do things right, yet she's immature to fight with our younger brother.



Parang hindi buo ang araw nilang dalawa kapag hindi sila nag aaway, ewan ko ba sa dalawang 'to.


Pag tapos kong maglinis ay nag hugas na'ko ng mga plato tapos naligo na para makaalis na ko.


I wore a wide pants, black polo top. Pero hanging top naman siya kaya kapag tinaas ko lang ang kamay ko ay saka din siya taas pero hindi naman 'to sobrang iksi.



Pupunta ko ngayon sa simbahan, last day na kasi namin tapos dun ako matutulog kay lola after. Sasamahan ko din siyang mamalengke kasi yun ung usual na bonding namin. Bata palang ako palagi na niya kong kasama kasi ang time ng mga magulang ko kay nasa mga kapatid ko lang.




Pero masdalas na hobby namin ni lola together is mag shopping together to buy new clothes for each other tapos libre niya ko. Then kumain sa labas together afterwards kasi nakakapagod mag shopping lang 'no! We need food too.



Habang nag di-discuss sa church nag palit ako ng puti na dress yun kasi ang theme tapos umupo na ko ulit, yung buhok ko tinalian ng bilog dalawa so I looked like a rabbit pero favorite ko siyang hairstyle.



"Okay, Irish Natasha Gonzalez punta na dito for a picture taking"



Umupo ako sa tabi ng leader namin at ngumiti lang. Hindi ako sanay na ngumiti sa picture pero kailangan kasi eh, so ngumiti nalang din ako.



Tapos bumalik sa upuan ko, naka cater yung venue namin kasi nga last day na namin, marami ding pagkain na sila ang nagluto.


Nagdasal kami at pumila na para kumuha ng pagkain, tapos umupo ulit. Mag dadasal kami ulit pagkatapos neto pero hindi naman namin kailangang mag madali kasi take your time lang kasi marami kaming gagawin. Pero maaga pa naman kaya ayos lang.



"Pwede pa pong bumalik kung kulang pa" sabi ng announcer namin



Marami nga kasing pagkain kaya ayos lang na bumalik, pagkatapos kumain ay nag botohan na kami para sa mga officers, namamangha pa ko sa iba dahil ang sabi nila nung sila ang ninomanete as president ay pupunta siya ng Germany.



Marami akong pangarap sa buhay, gusto ko ding makapunta sa ibang bansa kaya manghang mangha ako nung sinabi niyang nasa Germany siya. Hindi ako naiinggit, natutuwa ako.



Pagkatapos non ay may ginawa lang kaming onting stuffs after non umuwi na kami at natulog, wala kong panahon maligo dahil ang bigat na ng katawan ko.



Nagdasal ako at nahiga na para matulog, walang kumot pero antok na antok na ko kaya nakatulog ako agad.


____________________________________________________________________________________________________________________________________
ฅ⁠^⁠•⁠ﻌ⁠•⁠^⁠ฅ

Sweetness For Bitterness Where stories live. Discover now