Chapter 4

0 0 0
                                    

"Nakita niyo si Amy?" Tanong ko sa mga kaibigan ni Amy.

I'm aware that Amy is hindi pinapasok ng maaga, pero kasi 11:45 am na, wala pa din siya? Hello ha.

Si Liam nakita ko na siya kausap niya mga kaibigan niyang lalaki sa taas ng pilahan ng tricycle, hinahayaan ko lang siya. Si Amy hinintay ko dito kasama mga kaibigan niya, dumating na din si Hanie, ex ni Aidan.

"Wala pa si Am?" Tanong niya

"Wala pa" sagot ko.

Hindi ako sobrang close sa mga kaibigan ni Amy pero pinili ko paring manatili dito kahit alam kong ma le-left out lang naman ako.

Wala akong ibang kaibigan bukod sakanila Amy at sa circle namin ngayong taon. Well hindi ako friendly sa mga tao pero may naging kaibigan naman ako last year. Cinut off ko lang.

Ayoko sa mga taong nanlalait ng kapwa nila, dati gawain ko siya pero ngayon hindi na.

"Hoy Amy dito!" Tinaas ni Han ang kamay niya para makita siya ni Amy.

Dumiretso naman dito si Amy at nagyakapan sila ganon sila ng mga kaibigan niya mag yayakapan sila kapag nagkikita sila.

"Beh hindi ata papasok si Aidan, yung english na presentation yung nasa manila paper na sakanya yun" sabi niya sakin.

"For real?" Tanong ko pabalik

Pag wala siya hindi kami pwedeng mag report, may manila paper ako pero hindi pwedeng mag sulat ng bago dahil sa may pirma na yun ng subject teacher namin, hindi na siya pwedeng ulitin.


"Papasok yon" sabi ko pampalubag loob


"Pa'no pag hindi?" Tanong niya


"Sampalin ko siya" sabi ko, "sige na makipag-usap ka muna sakanila papasok yun"


Sinunod niya ang sinabi ko. Ang panget naman kasi kung hindi niya kakausapin ang mga kaibigan niya pero nandito siya.

Pumunta na din dito si Liam sa tabi ko nag hahanda na kaming pumasok sobrang daming students ngayon kaya mahaba ang pila, pero sumusunod naman kami kaya hinintay naming umiksi.

Pagkapasok namin nakita rin naman namin agad si Aidan.


"Gago, kala ko hindi papasok!" Sabi ni Amy.

"Hindi nanghihintay eh" sabi ni Liam kay Aidan. "Hoy bunganga mo!" Sabi Niya naman kay Amy nung ma realize niyang nagmura ito.


"Plastic yan eh" sabi ni Amy.



Normal being yan sakanilang lahat, pero hindi naman sila nag aaway sa totoo lang. Lumabas din kami agad kasi maglilinis ang cleaners. Kakapasok lang labas agad, ganon talaga.

Nag-usap lang kami ni Liam about sa math, hindi ko kasi gets yung lesson kahapon kaya nag tanong ako sakanya, ang sabi niya ay tuturuan niya ko mamaya.

Magkagrupo kami kaya hindi yun problema kung magtatabi kami, leader nga siya. He's willing to help me naman pagka hindi ko ma gets yung lesson. Ewan ko ba ang hirap for me.

Pumasok na din kami agad, nakinig ng lecture pero hindi na ko lumipat ng upuan katabi ko si Liam eh, nag aaral kami kahit gets naman namin.

Habang wala pa si sir tinuro niya sakin yung math na hindi ko na gets. Wala siyang notes pero naiintindihan ko naman ang paliwanag niya dahil may notes naman ako.

Pag dating ng teacher namin tumigil na siya sa pagturo sakin, nakinig lang kami ulit. Hoping may magegets ako. Well second quarter was the hardest for me.


I never hated math actually, I loved it. The subject I hate the most habang nag aaral pa ko science, ewan ko ayoko ng topic sa science ang boring lang. Minahal ko lang yung science nung space na ang topic nung grade 6 ako. Kaya minahal ko na siya.


Pag katunog ng bell tinuon ni Liam ang atensyon niya sakin. I pouted.


"Ano? Gets mo?" Tanong niya.

Hindi ako mahina sa math o sa kahit anong subject I'm just really struggling with math this quarter that's why I'm asking for help, but I'm also helping myself through it.

"No"

"Turo ko mamaya sa chat" sabi niya.

Ewan ko ba dito sa chat pa eh mag katabi lang naman kami buong araw. Pero I'm patient naman alam kong kailangan niya ding makinig kahit nag dadaldal lang siya.



____________________________________________________________________________________________________________________________________
ฅ⁠^⁠•⁠ﻌ⁠•⁠^⁠ฅ

Sweetness For Bitterness Where stories live. Discover now