Chapter 12

0 0 0
                                    

"Tasha, gising na mamalengke tayo" sabi ni lola sakin.

Tumayo ako agad, nag hilamos at nag toothbrush para maayos. Nag suklay din ako kasi ang panget naman kung mukha kong gusgusin.

Ginising na din ni lola ang pinsan ko kasi isasama namin siya. Pinakain niya muna kami para may lakas kami.


"Aalis muna kami ha?" Sabi ni lola kay Daddy


Daddy ang tawag ko sa tito ko kasi siya ang tumayong tatay sakin nung bata ako.



"Sige nay, ingat kayo. Wag niyong pabuhatin ng mabigat lola nyo ha?" Bilin niya samin



Matanda na si lola kay hindi na siya pwede g magbuhat. Nag lakad kami papuntang palengke kasi malapit lang namin yon sa bahay nila at namili na din kami ng mga kailangan namin. Nag grocery kami tapos nag bili ng raw foods.



Bumili si lola ng panghanda kasi mag papasko na. Ako na ang naghawak ng basket para hindi na mag buhat si lola. Maya-maya sumunod samin si daddy.



Pagkatapos naming mamili ay may nakitang bilihan ng street food so daddy kaya bumili siya, pero palamig lang kasi kakain kami mamaya.


"Gusto niyo?" Tanong ni samin


Tumango kami ng pinsan ko at namili ng flavor ng palamig. Tinanong niya din si lola pero ayaw ni lola, saming lahat si lola ang may ayaw ng mga street foods, hindi naman yung completely ayaw. Ayaw niya kapag hindi siya ang may gawa dahil daw madumi. Mas gusto niya na sariling gawa.



"Dumi-dumi niyan" sabi ni lola




Tumawa ko sa sinabi niya dahil sobrang sensitive talaga ni lola when it comes to foods. Yung nag titinda tinignan niya muna. Sabi niya kasi dapat binabase sa pananamit at sa itsura kapag bumili ng street foods, kaya nakasakanayan ko na din, hindi ako bumibili kapag madumi ang damit, kamay at ang kuko. Para lang safe, tapos kapag ang langaw ng pwesto. Hindi kami judgemental, naninigurado lang.


Pag uwi namin nagluto na si lola pag tapos non kinuwentuhan niya ko tungkol kanila daddy nung mga bata pa sila. Gusto kong nag kwe-kwento sakin si lola dahil dun mas nag kakakilala kami, nag nagiging close kami kaya mas gusto ko yung ganto.



"Oh nandiyan kana pala, tapos na kami mag story time ni Tasha e" sabi niya kay Daddy. "Ay anong oras pala tayo susunduin ng papa mo?"



May tricycle kami at pwede naman siya dito hindi din ganon kalayo ang bahay namin sa bahay nila lola, parang isang oras na byahe lang ang pagitan. May bahay din si lola samin banda. Lagi kasing bumabaha dito ng bata ako kaya hindi ako pwedeng mag inarte.


"Parating na daw po siya sabi ni mama" sabi ko



"Oh sige, mag ready na tayo. Kumain tayo ulit nagugutom ako" sabi niya




Kumain kami ulit pero onti lang kinain ko ayokong kumain ng marami dahil busog pa ko gusto ko lang saluhan si lola sa pagkain niya. Mas gusto niya kasi kapag may kasabay siya kumain.



Pag dating ni papa ay bumababa kami agad kapag kasi natagalan ang pa-park niya dito ay paalisin siya, makasarili ang mga tao dito. Akala mo naman ay sila ang may may-ari ng lupa dito para mag bawal ng parking.




Sa likod ako pumupo dahil pwesto ko naman talaga yon si lola sa loob. Pag katapos non ay nanahimik nalang ako sa likod.



Pagdating namin kanila lola ay tinulungan namin siyang mag buhat ng mga binili namin kanina marami kasi yon.



"Lola dito na po ako" paalam ko sakanya.


Kailangan kong umuwi kasi hindi pa ko naliligo at hinahanap na din ako ni mama, pupunta naman dito si mama kasi mag uusap sila ni lola. 



Pag-uwi ko naligo ako tapos nag practice ako ng kanta. Kakanta kasi kami para sa pasko competition kungbaga. Pero katuwaan lang kasi may party talaga kami kapag pasko kaya nag hahanda ako kahit na dalawang araw pa bago yon.



Wala kong intension manalo sa palarong yon, basta nakipag participate ako yun ang mahalaga. Pricnactice ko ang Versace on the floor ni Bruno Mars, wala na kong choice.



Dapat kasi style by Taylor Swift pero wala pa yung skirt ko kaya Versace nalang ang napili ko.


"Wiw practice siya" Sabi ni Isabela


"Ilang araw nalang kasi" Sabi ko naman


"Oo, ako wala pang kanta" tumawa siya


"Mag hanap kana"



"Saka na, ayoko namang manalo, panigurado ikaw ang mananalo dahil maganda ang boses mo"






____________________________________________________________________________________________________________________________________
ฅ⁠^⁠•⁠ﻌ⁠•⁠^⁠ฅ

Sweetness For Bitterness Where stories live. Discover now