Chapter 3

0 0 0
                                    

"Okay, let's present it tomorrow nalang" our teacher said.




We already put our work on the board since natapos naman namin agad, natapos ni Amy isulat agad. So we have plus 5.





Our next lesson would be to the other room so I already packed my things. Pumila na kami ulit sa labas ng room dahil as usual need na mag linis.




Nagpunta na kami sa room na papasukan namin for the next subject, last subject lang ang naiiba ng room kadalasan. Iniwan namin yung cleaners dun, pero susunod naman sila.





"Bring out your phones picture-ran ang mga nandito sa monitor. Makinig lahat!"






I listened to our teacher said, nilabas ko yung phone ko and pinicturan ang mga lessons na naka flash don. Lahat naman kami ay ginagawa yon pag last subject na.






"Ako na mag picture, Irish" Amy said. Nasa likod ko lang kasi siya kaya binigay ko na yung phone ko sakanya. "Look, ang ganda diba?" Sbi nya pa. Tumango nalang ako sakanya.





Ididiscuss lang samin ang lessons kaya pinapicturan para sa bahay na sulatin. Well nag susulat ako 'no! Pag wala kong ginagawa. Pero nag susulat ako, hindi lang dito sa school kasi ang bilis nila maglipat.





Nakinig lang ako buong lecture. Sabi ng ibang students ang panget niya mag turo, pero para sakin hindi naman panget magturo si sir. Summary nalang kasi ang discussions para madaling matapos, tsaka kung babasahin naman ang PowerPoint Niya naiintindihan mo talaga ang lessons na ginagawa.





Kung panget ang perspective ng ibang students sa ibang teacher ako naman hindi, ok lang silang lahat para sakin, ayoko lang talaga sa isa naming teacher pa'no ba naman kasi nag tatawag siya sa recitation ayaw ko pa naman sa subject niya!




Pero wala akong problema dito sa last subject na teacher, mabait naman siya at naiintindihan ko ang pagtuturo niya. Siguro nga ay inaaral niya na din kami para pag college hnd kami mahirapan sa lessons.





"That's all, pumila na sa labas" sabi niya.






Inayos lang namin ang linya ng upuan para sa mga susunod ng gagamit bukas, sa ngayon ay pagod ako dahil sa sobrang dami naming ginawa.






"Pupunta kayo palengke?" Tanong kanila Liam.






Hindi ako spoiled o kahit ano pa man, sadyang simula nung naging close ko si Liam ay lagi niya kong hinahatid sa may palengke. Kaya nag tatanong ako sakanya. Maganda na din yon at may kasama ko pauwi kahit saglit.




Hindi naman ako nag papahatid sakanila o sakanya, siya ang nag presenta kaya tanggap ko. Hanggang palengke lang may binibili din kasi siya madalas kaya hanggang dun lang ang paghatid niya sakin.






"Oo, ikaw Amy? May sundo kaba?" Tanong niya sa isa.






Saming lahat si Amy ang may pinaka strictong magulang, pero hindi naman natin masisi ang mga magulang na meron siya. Pinoprotektahan lang naman siya nila.








"Oo meron. Ingat kayo! Ikaw beh ingat ka" sabi niya sakin.






Nag paalam lang kami sakanya at nag lakad na kami paalis. Maraming students dahil uwian na pero namanage pa din naming lumakad paalis dito, hindi na din naman sobrang init dahil hapon na ang labasan.






"Madali lang math, 'no?" Tanong ni Liam sakin. Nauna na samin si Aidan kaya hindi ko na siya kinausap.







"It depends kasi sa lesson" sagot ko sakanya.





Sa totoo lang hindi naman palaging gets ko ang tinuturo samin pag dating sa math, pero kadalasan gets ko ang lesson namin sa math may mga times lang hindi. But I'm still catching up to the lessons, ayokong may hindi ako gets.







Nag kwentuhan lang kami ni Liam at tumatawa kami sa isa't-isa habang nag lalakad kami.







"Dito na kami, Irish! Ingat ka, ha?" Sabi ni Liam sabay akbay kay Aidan.






Tumango lang ako at nag paalam na sakanilang dalawa, malayo pa ang bahay ko dito pero nag papasalamat naman ako dahil at least may taong nag hatid sakin kahit na dito lang.


Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko, hanggang sa makasalubong ko si papa.





Tumawid ako at sumakay sa tricycle namin. Ihahatid na niya ko sa bahay ngayon.






"Nakauwi na po ako" bati ko kay mama at sa mga kapatid ko.







Nag mano ako sakanya at nag bihis na, pawis ako kaya naman kailangan kong mag bihis ng uniform.






Nag saing ako bago umupo, wala na kaming kanin at ako ang naatasang mag saing ng gabi. Nag luluto na si mama ng ulam para sa hapunan namin.






Niligpat ko ang mga gamit ko mamaya na ko mag susulat pagtapos kong kumain, kain muna at tapusin ang mga gawain bago magsulat. 





Gutom ako kaya kumain muna ko ng tinapay pagkaupo ko, hindi pa rin naman mawala sa isip ko ang sinaing ko, pero sabi ni mama ay siya na ang babantay kaya hinahayaan ko na sakanya iyon.


____________________________________________________________________________________________________________
ฅ⁠^⁠•⁠ﻌ⁠•⁠^⁠ฅ

Sweetness For Bitterness Where stories live. Discover now