20. One last

51.6K 1K 213
                                    

"Dammit! Easy Calen! Baka mamatay tayong dalawa!" 

Halos paliparin na ni Calen ang Frontier Navarra niya para lang masundan ang kotseng pinagsakayan ng mga kidnappers kay Jin Hye. He hated the fact na hindi niya kaagad nalapitan si Jin Hye upang mailigtas ito mula sa kamay ng madrasta nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang galit nito kay Jin Hye, hindi ba talaga ito titigil. Nakita niyang huminto ang mga pulis sa gilid ng daan at saka bumaba ng sasakyan ang maga ito. He stopped the car too halos itulak niya ang pinto ng sasakyan makababa lang siya at masiguro kung naroon ba si Jin Hye o wala. 

"Boss, diyan na lang kayo." Sabi nito sa kanya. He looked at the police officer. 

"I have to see kung anong nangyari!" Sigaw niya hindi na siya nito napigil nang marating niya ang dulo ay ganoon na lang ang panlulumo niya, si Madam Won lang ang naroon, duguan pero humihinga pa. May hawak itong brown envelop at sa isang kamay naman nito ay baril.

"Chief, nasa kabilang dulo iyong kasabwat niya." Napatingin siya sa nagsalitang pulis. 

"Nansaan si Jin Hye?!" Sigaw niya. 

"Boss, sila lang iyong nakita naman dito."

"Eh iyong kotseng sinasakyan nila?" Naulinigan na lang niya si Caleb, nasa tabi na pala niya ang kapatid pero hindi niya iyon napansin.

"Chief, nasa dulo ng daan iyong kotse, nabangga, may casualty tayo." 

That was when his heart stopped. Kung wala si Jin Hye dito ibig sabihin... Bigla na lang siyang tumakbo, he ran so fast he didn't even bother looking back at his brother. He wanted to make sure na hindi si Jin Hye ang naroon. Mas gugustuhin na lang niya na mawala ito bigla kaysa ito ang maging casualty na sinasabi ng pulis. 

Nang marating niya ang dulo ng daan nakita niya ang sinakyang kotse nina Madam Won may medica na rin doon at mga pulis. Mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya ang isang katawan na inilalagay sa stretcher ng mga medic. Agad siyang tumakbo papunta roon, hinang-hina na ang tuhod niya pero kailangan niyang makasiguro. 

"Broken ribs, dislocated arm and a head injury, but still the subject is breathing." Wika ng isang babae. 

"Cinderella..." Nanlumo siya nang makita ang magandang mukha nitong duguan. "Cinderella!" Lumapit siya dito pero hinarang siya ng medic. 

"Sir, kamag-anak po ba kayo?" tanong nito sa kanya. 

"A-asawa niya ako." Naluluhang sabi niya. 

"Ganoon po ba? Sir, sumama na kayo sa amin dadalhin namin siya sa ospital." Isinakay ng mga ito ang stretcher ni Jin Hye sa likod ang ambulance. Sumunod siya. Wala itong malay, hinawakan niya ang kamay nito at paulit-ulit na hinagkan iyon. His tears were falling, he wanted to shout, he wanted to question the universe, bakit siya pa? Bakit ba sa kanya nangyayari ito? Ang dami-daming masamang tao sa mundo bakit sa kanya pa? Mula nang makilala niya si Jin Hye ay isa lang naman ang ginusto niya, iyon ay ang maging masaya pero bakit napakahirap makamit noon?

He just wanted a happy life with her. 

"She's waking up!" Sigaw ng isang nurse. "Ma'am please stay awake." 

Lumapit siya dito nang makita niyang nakadilat ang mata nito. He smiled at her tapos ay hinaplos niya ang buhok nito. 

"Stay with me, Cinderella." 

And then, the most amazing thing happened. Jin Hye smiled at him. She tried opening her mouth and the words that she said gave him goosebumps. 

"I was the one who saved you now. Quits na tayo." 

The one that got awayWhere stories live. Discover now