Chapter 7: Challenge

18.8K 576 150
                                    

Author's Note:

MERRY CHRISTMAS AND ADVANCE HAPPY NEW YEAR! WOHOOOO 2016 NA HINDI PA AKO TAPOS MAGSULAT. HAHAHA!

Regalo ko sa inyo. :) Yung susunod na update ay sa susunod na pasko na din. Hahaha! Joke! :p

Binabati ko nga pala ang magkakaibigan na sina Charlotte, Ella, Sonella, Angela, Christy, Honeyjay, Rachel, Mya, Glen Vincent and Donita!!! HELLO SA INYO :) Thank you sa pagsuporta sa kwentong ito. :)

==


Chapter 7

Nasa loob ako ng opisina. Nakaupo. Tahimik. Kinakabahan. Hinihintay ko ang tawag ni mama sa akin kung dapat na ba akong pumasok sa loob ng conference room.

Nakatanggap ako ng mensahe galing kay Nathan.

From Moo: 

Just a tip... Huwag kang magpakita ng kalambutan sa lahat. :) Kaya mo yan. I love you!

Napangiti ako sa text niya. Kakaalis pa lang niya ay para bang gusto ko siyang tawagan at sabihin na sa tabi ko na lang siya muna ngayon. Gusto kong nandito siya para bigyan ako ng lakas ng loob. Pero sabi nga ni Nathan, hindi dapat ako magpakita ng kalambutan sa harap ng mga board members. Siguradong ultimo maliit na bagay ay mapupuna nila sa akin.

Bumukas ang pintuan at agad akong niyakap ni mama. Hawak niya ang dalawang balikat ko at proud na proud na nakatingin sa akin.

"My daughter, Mika... This is the start. Makakaharap mo na sila. All you need to do is to show them you deserve to be the next president of this company," halos mangiyak ngiyak na niyang wika sa akin. Kitang kita sa mukha niya na sigurado siyang hindi ako magkakamali. Sobrang proud niya. Kaya mas nakadagdag iyon sa kaba ko. Paano kung pumalpak ako? Paano kung hindi nila ako magustuhan?

Someone knocked kaya nabaling ang mga paningin namin sa taong pumasok sa loob. Isang morenang babae na nakasuot ng itim na coat at itim na palda. Magkahawak ang dalawa niyang kamay sa unahan at saka tumungo upang magbigay bati sa amin.

"Good morning Mrs. Mendoza," unang bati niya kay mama at saka naman tumingin sa akin. "Mrs. Smith..." Muli na naman siyang yumuko ng bahagya.

"May I know who you are?" I asked.

"Mika, she's Sierra Magpantay, your executive assistant. Simula ngayon hindi mo na makakayanan na ikaw lang. You need her assitance," ani mama at saka inayos ang aking buhok. 

"Pero-"

"Walang pero. Believe me hindi mo kakayanin ang trabaho lalo na pagkatapos ng meeting." Tumingin siya sa kanyang relo. "It's time. Let's go."

Binuksan ni Sierra ang pinto. Tumungo siya at inalahad ang kamay simbolo na mauna na kaming lumabas.

"See you later, Sierra," ani mama sa kanya. Ako naman ay ngumiti lang.

Binuksan ni mama ang pinto ng conference room at mabilis kaming pumasok. Lahat sila ay tahimik na nakatingin sa amin. 

"Good morning!" I greeted. Isa-isa kong pinasadahan ang mga mukha nila.

May isang matanda ang tumingin sa relo niya at ngumisi sa akin. "Not bad Mrs. Smith. You're not late." Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Nakita ko ang nakangising mukha ni Julian Enriquez sa akin. Nakakalap na ako ng mga impormasyon sa kanilang lahat at si Julian ang pinakabata. He's only 28 pero may mas babata pa ba sa magiging presidente nila ngayon because I'm only 23. Isa ito sa dahilan kung bakit mainit ang mga mata nila sa akin dahil para sa kanila ay kulang pa ako sa kaalaman at experience.

CMFH: Life After Marriage (Book 3)Where stories live. Discover now