Chapter 10: Hack

6.1K 205 45
                                    


Another update! Ehem, magkasunod na araw yung update ko ah? Minsan lang mangyari ito... haha!

Follow me on Twitter: @imericacruzat

Join our new official group page: Crunchh Ricafort Stories

==


Chapter 10


"You did a very good job, Sierra!" nagniningning yung mga mata ko habang tinitingnan isa isa ang mga dokumento na ibinigay niya sa akin. "Ang bilis mo nagawa ang lahat ng ito!"

Masyado niya akong pinabilib sa bilis ng kanyang trabaho. Naibigay niya agad sa akin ang mga kailangan kong impormasyon.

"Walang anuman po iyon, Mrs. Smith. Ginagawa ko lang ang aking trabaho. Napagaralan ko na rin po lahat ng iyan. Ano po ba ang binabalak nyo?" ani Sierra na mukhang masaya sa papuri ko sa kanya.

"Gusto ko malaman ang bawat galaw nila. Para alam ko kung saan o kailan ako dapat umatake." Bigla ko na naman naalala yung ginawa nilang pagpapahiya sa akin. "Yung hacker na sinasabi ko sayo? May nahanap ka na ba?"

May kumatok sa pintuan ng aking opisina. Sierra smiled. "Nandito na po siya."

Pumasok sa loob ng opisina ko ang isang napaka cute na batang lalaki na may nakasubo pang lollipop sa bibig.

"Mrs. Smith, siya po si Vien. Labindalawang taong gulang pero siya ang pinakamagaling na hacker ngayon," ani Sierra. Umupo naman sa harap ko ang batang lalaki at pinagmasdan ang opisina ko.

"Sayo ba ako magtatrabaho, madam? Bata ka pa pala? Akala ko sa isang matandang lalaki ako magtatrabaho. Ikaw ang may-ari ng kumpanyang ito?" sunod sunod na tanong ni Vien. Cute na bata pero hindi ko gusto na tinatawag nya akong madam. 

"Huwag mo na ako tawaging madam. Mas nasorpresa nga ako na ikaw pala yung magtatrabaho para sa akin. Pumapasok ka pa ba?" Tumingin ako kay Sierra na naguguluhan. "Sierra, masama itong ginagawa natin, bata lang siya."

"Huwag ka magalala, madam. Ako bahala sa gusto mo ipagawa basta sa panghahack expert ako. Hehe!" nag peace sign pa siya sakin.

"Kung natatandaan nyo po Mrs. Smith ang panghahack na ginawa noon sa China... siya po ang may kagagawan noon," ani Sierra na ikinalaglag ng aking panga.

Oh my God! Ang batang ito ang nang-hack sa China noon na pinagkaguluhan sa TV? This guy must be a genius! Pero paano siya nahanap ni Sierra?!

"Isang mapagkakatiwalaan na tauhan noon ni President Celeste Salcedo ang ama ni Vien Mrs. Smith. Sa kanya rin namin nalaman ang kakayahan ni Vien na matagal na niyang itinatago. Si Vien din ang isa sa mga dahilan kung bakit napapagtagumpayan ng lola niyo ang lahat ng klase ng deals na kailangan niya.

"Okay lang ba sayo na magtrabaho para sakin? Ayoko pilitin ka sa bagay na hindi mo naman kagustuhan, Vien," sabi ko sa bata. Mukha siyang matino pero hindi ko alam na kaya pala niya manghack. 

"Apo ka ni President Celeste Salcedo di ba?" deretso siyang nakatingin sa akin.

"Oo."

"Kung apo ka niya, magtatrabaho ako para sayo. Malaki utang na loob ng pamilya ko sa kanya... at isa pa, nakita mo na yung mukha ko. Pero hindi ito libre syempre. Kailangan ko rin magipon para sa future ko." Grabe, ang cute niya! Nagiisip na agad siya para sa future niya!

"Walang problema, magkano ba yung kailangan ko ibayad sayo?" Nagisip ako. Hindi ako sanay gumastos pero mukhang mapapagastos ako ngayon ng malaki. Ilang milyon kaya ang kailangan niya?

"10,000 pesos lang sa bawat trabaho na gagawin ko," nakangiting sabi niya. Itinapon pa niya sa sahig yung stick ng kinakain niyang lollipop nang maubos ito.

"10,000 lang?" tumingin ako kay Sierra. Nag-nod lang naman siya sa akin.

"Pero hindi pa dun nagtatapos, kapag may gusto akong ipabiling kahit na anong gadgets, mapa cellphone man o laruan, kailangan nyo akong ibili. Pati kung sakali na may kailanganin akong pyesa para sa trabaho ko. Sure ako na magagamit ko lahat ng mga ginawa ko sa bahay kaya kailangan ko na ng kapalit."

This time yung mata naman niya yung nagningning. 

"Wow! Ang cool mo naman, Vien! Pero ano pa yung mga kaya mong gawin? Pwede ka ba manghack ng facebook?!" Ang cool naman niya!

Natawa silang pareho ni Sierra sa sinabi ko.

"Yes, madam! Sisiw lang sa akin ang facebook, kahit twitter, youtube o instagram pa! Haha! Pero sa totoo lang, ganon lang ba ipapagawa mo sa akin? Wala bang mas mabigat na trabaho?" Vien.

"Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang kaya mong gawin pero umaasa ako na tutulungan mo ako. May mga tao dito sa kumpanya na gusto akong pabagsakin. Gusto ko lang malaman ang bawat galaw nila. Paano mo ako matutulungan sa bagay na yun?"

"Madam..."

"Vien, huwag mo na sabi ako tawaging madam. Tumatanda ako sa tawag mo sa akin, eh." I crossed my arms.

"Okay... Miss Madam." He smirked. Kung hindi lang siya cute na bata baka ginamitan ko na siya ng Judo but I have to remain calm. Kinuha niya yung backpack niya at inilabas ang kanyang laptop. May USB siyang isinaksak doon.

May mga codes siyang inilagay na hindi ko maintindihan. Nagulat din ako kung paano siya mag-type sa keyboard ng kanyang laptop, sobrang bilis na halos hindi na niya tinitingnan. Bakit may mga taong ganito katalented? 

Lumapit din si Sierra para makita ang ginagawa niya.

Lumabas ang isang malaking mapa ng Pilipinas hanggang sa nag zoom in ito. Sa isang iglap ay may lumabas na video.

"Ano yan?" tanong ko.

"Hindi ba pamilyar sayo ang lugar na yan?" Vien smirked.

"Mrs. Smith, iyan po ang lobby ng kumpanya natin," ani Sierra. Napatayo ako para tingnan mabuti ang nasa laptop.

"Vien, paano mo nagawa yan? Nahack mo CCTV namin?!"

"Yes Miss Madam... kaya ko makita lahat ng nangyayari saan mang parte ng mundo na may CCTV kasi connected na ako sa satellite."

Mabilis akong lumapit kay Vien at niyakap siya!

"OMG Vien! Ikaw na ikaw na talaga ang kailangan ko! Ang galing galing mo!" Niyakap ko siya nang mahigpit sa sobrang tuwa! Grabe, lagot talaga sa akin ngayon ang matatandang board members at si Julian Enrquez!

"Aaaahhh Miss Madam bitawan mo ako. Hindi na ako makahinga!" Vien.

Mas lalo ko siya niyakap. "You're my savior! May ipapagawa na agad ako sayo!!!"

Nagpalagutok siya ng kamay. Sobrang excited na siya sa unang trabaho niya.

"Hack Alshin University's CCTV! I want to know where is my beloved husband!" I smirked.

"Yes Miss Madam!"

==End of Update==

Natatawa lang ako habang ginagawa ko ito eh. XD 

Question: Kung kaya nyo mahack mga CCTV sa buong mundo, sino yung mga taong i-stalk niyo? Haha! Wala ng ligtas si Nathan kay Mika! XD

CMFH: Life After Marriage (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon