Chapter 14: What a mess

5.3K 162 35
                                    




Na-corner si Nathan nang ibang mga bisita ni Ira na nakakakilala sa kanya. Ako naman ay kausap si Ira at si Trance. Nagkukwento si Trance kung paano sila nagkakilala ni Ira at kung paano siya naaliw sa pagtataray nito sa kanya.

Nagtatawanan lang kami nang biglang tumingin sa akin si Ira at ngumuso sa direksyon ni Nathan.

"'Yung asawa mo kanina pa tingin nang tingin dito. All the hardworks paid off, Mika. 'Yung itsura niya parang makikidnap ka ng iba," sabi ni Ira.

"Napansin ko rin 'yun. Sabagay, ganoon talaga kapag mahal mo 'yung tao," sabi ni Trance at inakbayan si Ira. Pagkatapos ay uminom sila ng wine at malanding ngumiti sa isa't isa.

"As if naman magkakagusto ka pa sa iba eh nakatali ka na sa kanya." Tumawa si Ira.

Nagulat kami nang biglang pumasok sa eksena si Tristan. Akala namin ay busy pa siya sa pakikipagusap sa iba. Ang dami kasi nagpapicture sa kanya at inimbitahan na rin siya sa iba't ibang okasyon ng iba't ibang kumpanya.

"Hey, nakausap mo ba si Drew? I didn't know na naging sila pala ni Andrea!" Ira.

"At pinagsasabi pa nila kung kailan break na sila. Ang weird nila 'di ba?" sabi ko kay Tristan.

"Weird nga. Pero hayaan na natin mga trip ng mga 'yun. Hindi ko rin sila maintindihan, eh." Tristan.

Tumunog ang cellphone ni Trance. Tumatawag 'yung father niya kaya umalis muna siya para sagutin ang tawag.

"Thanks for singing sa party ko... tapos libre pa. Ang sarap magkaroon ng kaibigan na sikat." Ira.

"Next time may bayad na. Nagalit sa akin manager namin dahil na-cancel ko 'yung mini concert namin sa Baguio dahil dito, ah!" Tristan.

Napansin ko na naman si Melissa malapit sa amin. Naguusap sila ni Julian Enriquez at nakatingin sila sa diresyon ni Nathan.

"Ira... how are you related to Mr. Julian Enriquez?" Naalala ko na naman ang pambabastos na ginawa nila sa akin. Sinadya nilang hindi sumipot sa meeting. Nakaramdam ako ng inis lalo at kasama pa niya si Melissa na lumalandi sa asawa ko.

"I don't know much about him but my mom did invite him. Siguro naging magka business partner sila dati. Why?" Ira.

"And that girl beside him? You know her?"

"Oh, that bitch." Sumingkit ang mata ni Ira. "Melissa Enriquez, cousin of Julian Enriquez. Hindi ko alam kung bakit siya nasa party ko eh hindi naman siya invited. Kilala ko siya kasi naisama ako ni mommy sa company nila for a business proposal. I don't really know much about her. Hindi ko lang gusto 'yung aura niya."

Inubos ko yung wine na meron ako at ibinigay ang baso sa dumaang waiter.

"Tristan, alam kong marami kang nakikilalang babae. Kilala mo ba ang isang 'yan?" Hinihintay namin ang sagot ni Tristan. Mukha kasi siyang natigilan.

"N-no."

"The hell, hindi ako naniniwala!" Ira.

"Nautal ka." I told him. Napalagok naman siya ng laway. "You know her, right?"

"Ano ka ba, Mika. Masyado ka naman tiwala sa radar ko sa babae. Hindi ko sya kilala... at lalong hindi ko type ang mga katulad niya." Tristan.

"That girl wants my Nate."

Tumawa si Ira.

"Kahit hindi mo na gamitin ang koneksyon at yaman mo, ano'ng magagawa niya sa isang Mika Mendoza Smith? But if you'll just use your connection right now Mika no one can dare making you as their enemy." Napaisip ako sa sinasabi ni Ira. "C'mon... You are a true blooded Salcedo, the most powerful name in Asian. Your husband is Jonathan Smith, ngayon lang ako magpapaka overreact but it's like you have the whole world kung gugustuhin mo! Imagine, Salcedo and Smith? You're a bomb!"

CMFH: Life After Marriage (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon