Chapter 5: Enriquez and Melissa

37.1K 1.2K 316
                                    

Humalik ako sa pisngi ni Moo. May next class pa kasi siya. Nauna nang umalis si Melissa. Mabuti na lang at magkaiba na sila ng klase ngayon. Baka mas lalo lang akong mainis sa babaeng iyon kapag magkaklase sila sa lahat ng subjects ng Nathan ko.

"Make sure you'll go home after this. I have a request too..." Tinitigan nya ako. Hindi ko mabasa kung ano ang gusto nyang sabihin kaya naghintay na lang ako.

"Ano yun?"

"Naka-leave ka ngayon kaya sulitin mo ang mga natitirang araw mo bago ka bumalik sa trabaho." Ngumiti ako at tumango bago siya tuluyang umalis.

Masaya akong naglalakad papunta sa parking lot. Naghihintay dun ang driver namin. Sulit din ang araw na ito. Hindi ko kaya kung hihintayin ko pa maghapon si Nathan kaya ako na mismo ang pumunta sa kanya. Sana matapos na siyang mag-aral.

Nakakalungkot na may natitira pa siyang isang taon bago makatapos. Feeling ko mapa-paranoid ako sa mga babaeng nagiging kaklase niya. Hay, ang swerte naman nila. Nakikita nila si Nathan ko buong araw samantalang ako ay sa gabi na lang lalo at may trabaho pa akong inaasikaso.

"Mrs. Smith?" Napatigil ako nang may tumawag sakin. Isang lalaking nakasuot ng business attire. Bata pa ang itsura niya at mukhang kagalang-galang. Nakangiti siyang lumapit sakin. "Akala ko ako ang isinadya mo rito sa Alshin so I waited for you in my office. May ibang ka bang isinadya rito?"

"Sorry... but do I know you?" Sigurado ako na ngayon ko pa lang nakakausap ang lalaking ito.

"Oh, sorry for being rude." Naglahad siya ng kamay. "I'm Mr. Alexander Enriquez."

Siya si Mr. Enriquez? Hindi ko akalain na bata pa pala siya? Ilang taon na kaya sya?

"Mika Smith," sabi ko.

"I know... Akala ko may balak kang pumunta sa office ko ngayon. Ilang beses ka na rin na hindi umattend ng meeting kaya hindi mo pa siguro ako nakikilala. Kung ganun, may iba ka bang ipinunta rito sa Alshin?"

Sa pananalita at kilos niya ay halatang matalino siya. Tama nga si Mama.

"Pinuntahan ko lang ang aking asawa." Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Asawa? Hindi ko alam na dito pala nagtatrabaho ang asawa mo? Isa ba syang professor?"

"He's a student, Mr. Enriquez." Hindi siya nakaimik. Baka iniisip niya na pumatol ako sa mas bata sakin. "Mas matanda sya sakin. Tumigil lang siya dahil ng singing career nya noon sa ibang bansa."

Tumawa siya kaya napatigil ako. What am I saying? Mali ito! Ako ang nagbibigay ng mga inpormasyon sa kanya sa halip na ako ang makahanap sa magkapatid na Enriquez.

Inanyayahan niya ako sa kanyang office. Naisip kong sumama na rin dahil wala naman akong hinahabol na oras. Naku! Lagot ako kay Nathan kapag nalaman nyang nang dahil sa trabaho kaya nandito pa rin ako!

"Tea or coffee?" tanong nya.

"Water." Ngumisi siya. Sumenyas sya sa kanyang secretary at binigyan agad ako ng tubig. "No ice please." dagdag ko.

"Masyado ka atang busy kaya hindi ka na nakakapunta sa mga meetings ng Alshin, Mrs. Smith."

"Ganun na nga." Paano ko ba sisimulan magtanong tungkol sa kapatid nya? " Hm... I heard Mr. Julian Enriquez is one of the toughest board members in Salcedo's. I should take note of that." Hinawakan niya ang kanyang labi at tumingin sakin.

"Hindi mo pa ba siya nakikilala?"

"No. Siya ang pinakamailap na member sa board. Palagi rin siyang nasa ibang bansa pero ayos lang naman, he's not that important. Mas marami pa akong dapat asikasuhin kaysa ang isipin sya."

CMFH: Life After Marriage (Book 3)Where stories live. Discover now