Chapter 9: Why?

6.8K 213 32
                                    

Hi guys! Something good happened kaya nakapag-update na uli ako. I just want to thank the people who motivate me to write. I am so sorry kung matagal akong nawala dahil may mga bagay lang ako na inasikaso at medyo naging busy din talaga.

I want to thank you kasi matyaga pa din kayo naghihintay sa story na ito.

==

Chapter 9

Galit na galit akong pumasok sa loob ng aking opisina. Umupo ako sa swivel chair at nahampas ko sa sobrang galit ang lamesa. Napapikit si Sierra sa ginawa ko nang dahil sa takot.

I gritted my teeth.

"How dare they!"

"I am sorry Mrs. Smith. I will make sure this will never happen again."

"No, Sierra. Wala kang kasalanan. I will make them pay for this!"

Nakahanda na lahat ng mga kailangan namin ni Sierra para sa meeting kanina. Pumasok ako sa loob ng conference room na walang katao tao. Nagpanic si Sierra at yumuko sa harap ko.

"Tatawagan ko po sila, Mrs. Smith."

"No, Sierra. We will wait."

Umupo ako sa harap at naghintay. Pinagkakaisahan ako ng lahat. Sinadya nila ito para ipakita sa akin na hindi nila ako tinatanggap sa posisyon. Labinlimang minuto na ngunit wala pa rin dumadating na kahit isa sa mga board members. Naiisip kong  pinagtatawanan nila ako ngayon kung nasaan mang lugar sa impyerno sila.

Yumuko na naman si Sierra sa harap ko. Sinisisi niya ang sarili niya.

"Patawad po. Ako ang may kasalanan. Dapat ay naasikaso ko agad ang bagay na ito. Pinapangako ko na wala na pong mangyayaring ganito."

Ngumisi ako.

"Hindi nila ako kilala. Hindi ako nakikipaglaro sa kanila pero mukhang gusto nila ng laro. I will show them who is Mika Mendoza Smith." I clenched my fist. "Sierra..."

"Yes, ma'am."

"Gaano ka na katagal na nagtatrabaho sa mama ko?"

"Limang taon na po." Hindi ibibigay sa akin ni mama si Sierra kung alam nyang hindi ito makakatulong sa akin. I guess I have to show them Mendoza's character, Smith's wealth and Salcedo's power."

"Sierra, gather all the board member's data. Personal, family and their companies background. Magagawa mo ba iyan para sa akin?" Ngumiti ako kay Sierra. "Pwede mo ba akong tulungan?"

Ngumiti si Sierra na para bang ito yung matagal na niyang hinihintay.

"Yes, Mrs. Smith."

Lumabas siya ng opisina para gawin ang sinabi ko. Naupo ako sa swivel chair at nagisip.  Matinding laban ang haharapin ko. Mukhang kailangan ko na gamitin ang koneksyon ng pamilya ko.

CMFH: Life After Marriage (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon