I.

26.5K 309 49
                                    

dedicated to @dhadedidada

---------------------------------------------

I.

"No way! Pauwi na ako!"

"Eeeehh! Kuya, sige na. Nandyan ka na lang din naman ah, ibili mo na ako."

That's my sister, kausap ko sa phone. Nangugulit na naman. May ipinapapabili sa akin dito sa mall. Nagmamadali pa naman ako. Nakakabadtrip kasi. Sabi nina Liam dito nila ako pupuntahan sa mall tapos bigla na lang nagbago. Patay talaga saken yung mga yon!

"Ano bang bibilhin?" naiinis kong tanong.

"USB lang. Ung 4GB. Sabi nung friend ko sa CD-R King daw siya bumili", sagot niya.

Naisip ko, maibili na nga ang kapatid kong to. Tutal nabadtrip naman ako kina Liam, gaganti na lang ako. Paghihintayin ko sila.

Naglakad na lang ako at ng mabasa ko ang pangalang CD-R king pumasok ako.

Pagkapasok ko, hindi ko na alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Pucha! Ang haba ng pila. Pero nakipila na din ako.

Napansin ko may mga hawak silang number. Badtrip talaga! Kapag umalis ako sa pila ko, sigurado masisingitan ako pero wala naman akong ibang dapat gawin kundi kumuha din ng number. Badtrip talaga!

Nagsisisi na ako na sinunod ko ang kapatid ko!

22

Yan ang number na kinuha ko. Mabilis na naman siguro to. Bumalik na ako sa pila ko. Number 05 na yung tinatawag. Mabuti dalawa yung nag-aassist.

06

07

08

Ang bango ah! Ang tamis ng amoy, parang candy. Nakakaadik!

Hindi ko alam kung ano yon pero may nagudyok sa akin na lumingon sa likod ko.

Pucha!

Tonight I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon