VII.

14.4K 266 85
                                    

VII. 

Nagulat kaming dalawa ni Candy nang biglang magring ang phone ko. Kasabay nun ang pagitigil ng ginagawa namin. Agad siyang bumalik sa upuan niya at inayos niya ang kanyang sarili.

Isinusumpa ko, kung sino man ang tumatawag na ito, mananagot siya sa akin!

Si Dash.

Kahit kailan, panira talaga itong si Dash.

"Dude! Asan na kayo? Andito na kami sa resort!", sigaw niya. Sumisigaw siya dahil kung hindi siya sisigaw, hindi ko siya maiintindihan. Naririnig ko rin kasi ang malakas na tugtugan.

"W-we're on our way. Malapit na", sagot ko at inistart ko na ulit ang kotse.

Sinulyapan ko si Candy. Wala siyang imik. Nakatingin lang sa daan.

"Okay ka lang?" tanong ko.

Tango lang ang isinagot niya. Anong problema ng babaeng to? Hindi ba siya ang agresibo kanina? Bakit ang tahimik niya ngayon??

Hanggang sa makarating kami, hindi pa din siya nagsasalita.

"Dy!" sigaw ng isang lalaki. Sinalubong niya kami ni Candy.

Ano daw? Dy? Pssh. Mas gusto ko pa rin ang Candy. Mas maganda pakinggan. Mas sweet. Mas masarap.

"Aero!" tawag naman ni Candy.

"Kanina pa nandito si Hershey, bakit ngayon ka lang?" tanong nung lalaki.

"Aero, this is Yuan, siya yung sumundo sa akin. Yuan, this is Aero, kapatid siya ni Jewel", pakilala ni Candy.

Nagtanguan lang kaming dalawa. Hindi ko maintindihan, ngayon ko pa lang naman nakita ang lalaking ito pero naaangasan ako sa pagmumukha niya. Masyadong feeling close kay Candy.

Ako ang date nito uy!

Ako nga ba?

"Sabi ko naman kasi sayo, ako na ang susundo sayo diba?"

"Okay lang. Ano ka ba? Nandito ka na kanina tapos babalikan mo pa ako. Hassle pa yun", sagot ni Candy.

"Alam mo na kahit ano gagawin ko para sayo diba?"

Anak ng! Ang corny ng lalaking to! Pucha!

"Aero", sabi ni Candy.

"Oo na. Oo na. Let's go?" yaya nung Aero na yun.

"Susunod kami. Kukunin ko lang ang bag ko", sabi ni Candy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 03, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tonight I'm YoursWhere stories live. Discover now