IV.

14.9K 196 34
                                    

dedicated to @MyrnaPimentel  maramingsalamat po sa pagbabasa!

 ------------------------------------------------------------------------------------------------------

IV.

Sinulyapan ko si Candy at nginitian niya ako. Hindi nga ako nagkamali, matinik nga siya.

Matinik ako, matinik siya. Bagay nga ata kaming dalawa.

"Gusto mo bang magkatabi kayo?" tanong ni Dash kay Candy.

May kung anong maliit na bagay na ibinato si Spencer kay Dash.

"Gago ka ba, Dash? Tinatanong pa ba yan? Kanina ka pa dapat umalis sa kinauupuan mo ng makapagmoment na yung dalawa!" sigaw ni Spencer.

Agad namang tumayo si Dash at hinampas hampas pa ang tagiliran ko.

"Isod! Urong ka na dun!" itinulak pa ako at napalapat ang braso ko sa braso ni Candy. Sigurado, amoy candy na din ang braso ko nito!

Nang tingnan ko si Candy, nakangiti pa din siya. Ako naman mukhang natatameme na nga. Pero wala naman sa bokabularyo ko yun ah! Matinik nga ako, diba?

"Ibig mong sabihin kaya kayo nagbreak ng syota mo dahil sayo?!" malakas na tanong ni Liam kay Levi.

"Di nga Levi, nambabae ka?" tanong naman ni Dash.

"Oo na! Ginagaya ko lang naman kayo ni Yuan ah!" sagot niya. Pucha! Nandamay pa!

Pinanlakihan ko ng mata si Levi. Kung ano ano kasi ang lumalabas sa bibig. Hindi pa nga ako nakakasimulang makadiskarte sa babaeng katabi ko, tatapusin na niya?!

Sinulyapan ko si Candy, blanko na ang reaksyon niya.

"Let's get out of here", bulong ni Candy sa akin.

Tiningnan ko siya at nakatitig siya sa mga mata ko. Yung mga tingin na nagaanyaya. Tapos bigla na lang siyang nagpaalam sa na magc CR lang daw siya.

Pagkaalis niya, nagpaalam din ako sa mga kaibigan ko na magc CR lang din ako.

“Pucha! Sabay pa! Ang galing talaga ni Yuan, walang imik imik pero matinik pa din!” bulong ni Spencer pagkatayo ko.

Tonight I'm YoursWhere stories live. Discover now