VI.

12.3K 204 25
                                    

Hindi pa din gawa ang Candy Crush ko pero namimiss ko kasi si Yuan eh. hahahaha. 

DEDICATIONS will be based on your comments.

Salamat and Enjoy :)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

VI.

"C-candy?" bulalas ni Dash.

Lahat kami napatingin sa direksyon na tinitingnan niya at hindi nga siya nagkakamali. Si Candy nga. Naglalakad siya papasok dito sa shop. She's wearing a pink blouse and a white shorts tapos flat shoes. Her long and flawless legs were exposed. Lahat ng mata namin nakatutok lang sa kanya hanggang makapasok siya sa loob.

"Magpapaayos ka ng kotse?" tanong ni Dash.

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung sino ba sa aming dalawa ang dapat mahiya o kung meron nga ba? Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Naramdaman ko kasing sumusulyap siya sa akin.

"Hindi. Pero ako ang may aayusin. Yuan, pwede ba kitang makausap?"

AKO??

Tiningnan ko na siya. Nakatitig siya sa akin. Nangungusap na naman ang mga mata niya. Aha! Siguro nagsisisi na ang babaeng ito ngayon na tinakbuhan niya ako kagabi! Lumabas kaming dalawa. Nagdiretso siya kung saan nakapark ang kotse niya. Sumandal siya doon.

“I’m sorry for what happened last night”, sabi niya. Di nga? Bakit siya nagsosorry? Nagpunta lang siya dito para magsorry? Sabagay kasalanan naman talaga niya. Kung hindi niya ako tinakbuhan kagabi eh di sana natikman na niya ang katawan ko. Nanghihinayang nga siguro talaga ang babaeng ito.

“You don’t have to. It happens”, sagot ko na lang. Anong it happens? First time nga mangyari sa akin yun eh. “I mean, I understand if—“, hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Shit! Why do I find this conversation awkward. Ano ba kasi talaga ang gusto ng babaeng ito? Diretshanin niya lang ako at hindi ako magdadalwang isip na ibigay ang gusto niya.

Bigla siyang ngumiti. Here we go again. Weakness ko na nga ata ang ngiti niya and her smell as well.

“Anyway, I just wanna invite you and your friends. Bukas na kasi ang opening ng resort ng friend ko and sabi niya maginvite daw ako”, sabi ni Candy at iniabot niya ang isang invitation. Grand opening ng isang resort. Matutuwa ang mga gago kong kaibigan nito.

Teka, so ibig sabihin ito talaga ang ipinunta niya dito? Akala ko pa naman.

“Sana makapunta kayo. Si Liam, sigurado ako makakapunta siya because of Jewel, sana ikaw din.”

How can I say no sa babaeng ganito kaganda? Tell me.

“No problem. Kung kinakailangang isara ang shop for this event, ipasasara ko”, nakangiti kong sagot niya.

“You’re so sweet!” Hinampas pa niya ng mahina ang balikat ko habang nakangiti. “So pano I have to go.

Tonight I'm YoursDove le storie prendono vita. Scoprilo ora