Chapter 2

77.5K 2.2K 456
                                    

Reiko POV

Maaga akong pumasok para makipagdaldalan kay Ciara. Hindi kami nakapag-kwentuhan kagabi sa telephone kasi pinutol ni Mom ang linya sa kwarto ko. Kainis! Ano bang masama sa pakikipag-telebabad? Buti nga hindi ako nagda-drugs, e.

"Earth to Reiko, please?"

Sinimangutan ko si Ciara. Nakaupo kami dito sa may labas ng room namin. May bench kasi dito at may inaabangan kaming dumaan.

Alam na! Kahit sino namang may crush, ganito ang ginagawa, e. Nag-aabang na dumaa baka sakaling mapansin.

"Nakita mo na ba siya?" Tanong ko. Ayokong pangalanan kasi.. kasi kinikilig ako!

Ngumiti siya ng nakakaloko. "Oo na! Huwag kang mag-alala, hindi masasayang ang pag-aabang natin. Dadaan 'yan mamaya! Nakita ko sila kanina sa gym, dumaan kasi ako. Kunwari may naiwan akong libro dun kahit wala. Haha!"

"Galawang papansin tayo, Ciara ah!" Tumawa ako. Baliw talaga 'tong babae na ito. Crush na crush kasi niyan si ano..

"Syempre! Lahat gagawin ko para kay crush. Hindi kasi ako pinapansin. Parang menopause lagi." Humagalpak siya ng tawa. "Paano kaya niya ako papansinin?"

"Lapitan mo kaya!" Suhestiyon ko. Wala naman sigurong masama kung lapitan natin ang crush natin 'di ba?

"Nakakahiya, e! Murahin ko kaya sa chat sa facebook? Ewan ko nalang kung hindi ako pansinin no'n!"

Tumawa ako sa sinabi niya. Tumawa din siya. We laugh together.

Halos maluha-luha pa ako kakatawa hanggang sabay kaming mapatigil ni Ciara.

"Hina mo talaga, brad!"

"Oo nga, libre mo lunch. Talo ka, e."

"Tch."

"Dahil talo kayo, bilhin niyo lahat ng pakwan sa canteen. Bigay niyo sa akin. Wahahah!"

"Lul! Muka mo pakwan!"

"O, tama na! Selfie na sa mga talo!

Parang nag-automatic na naging hugis puso ang mata namin ni Ciara. Hanggang sa nakalampas na ang grupo ng mga lalaking iyon, nakasunod pa din kami ng tingin.

"Ang gwapo talaga niya.." Nagde-daydreaming na sabi ko.

"Ang hot niya.." Sabi naman ni Ciara.

Ang SWU Wolf na pinagkakaguluhan ng SWU highschool department. Kasama na kami doon ni Ciara.

"Kelan kaya talaga tayo mapapansin ng crush natin?"

Tinitigan ko siya sa malayo.

"Gagawa ako ng paraan. Basta! Hahamakin ko lahat, mapansin niya lang!" Buong lakas ng loob kong sabi.

Hinila ako ni Ciara. "Tara na sa loob ng room. Nagiging makata ka na diyan, girl!"

Nagpout ako saka nagpahila na lamang sa kaniya.

Magka-klase na naman. Boring pa ang mga teachers.. Mas gusto ko pang panoorin siya kesa makinig sa lecture ng mga teachers. Mas may napapakinabangan pa ako kasi.. Binubuo niya ang araw ko.

"Reiko, ayos ka lang? Natutulala ka na naman sa kawalan." Siniko ako ni Ciara kaya umayos ako ng pagkaka-upo sa desk ko.

Tiningnan ko siya ng masama. "Nag-iimagine lang ako. Panira ka naman, e."

"Oopps! Sorry, girl! Ano, ikinakasal na ba kayo sa imagination mo? Hindi mo man lang ako in-invite!"

I showed her my pokerface. Baliw talaga ang babaeng 'to.

One-sided LoveWhere stories live. Discover now