Chapter 13

7.2K 263 87
                                    

REIKO

Hindi ako mapakali. Ayoko din mag-assume pero kasi ano ba! Narito lang naman ako sa kotse ni Enzo. Oo, at kaming dalawa lang. Solo flight! Feeling ko tuloy mag-jowa kami.

Siguro na-fall na talaga siya sa akin tapos tinatago niya lang. Tapos ako, tinatago ko lang din so para kaming naglalaro ng taguan.

"Enzo─"

"Daan muna tayo sa grocery, Reiko. Ayos lang ba?"

Kumunot ang noo ko. "Ah, sure."

"Kailangan natin ng ingredients para sa pakwan cake." Nakangiting sabi niya.

Bibili pala kaming ingredients for cakes o iyon ang gagawin namin sa kanila.

Siguro ginagawang dahilan ni Enzo ang pakwan cake para makasama ako. Enebe! Alam ko na 'yung mga ganyang galawan. Nahihiya siguro siya sa akin? Sabagay, hindi naman kasi niya alam na gusto ko rin siya.

Sa sobrang lutang ko, hindi ko na napansin na ibang daan pala ang tinahak niya kanina at narito na kami sa grocery.

"Tara na, Reiko?"

Tumango ako saka bumaba ng kotse ni Enzo. Ang gqapo niyang tingnan sa jersey short at puting tshirt. Siya iying klase ng lalaki na hindi na kailangang pumorma para magmukhang gwapo. Kahit yata basahan ang isuot niya, gwapo pa rin siyang tingnan. Kinikilig tuloy ako na kasama ko soya ngayon.

Kunwari nalang boyfriend ko siya at mamimili kami ng groceries para sa house namin? Kyaaaaaa! Kinikilig ako sa naiisip ko.

"Okay na 'tong big cart?"

"Oo, para kasya 'yung pakwan." sabi ko.

Napansin ko ang ilang students na nakakasalubong namin na hindi mai-alis ang tingin kay Enzo. Bakit kasi saksakan siya ng gwapo?!

Sorry girls pero sa akin na 'yan.

"Anong mga kailangan? Syempre, hindi mawawala ang pakwan. Dito na tayo bumili dahil bukas pa ang delivery ng mga pakwan sa bahay namin galing sa plantation namin." Nakangiting sabi niya habang tulak tulak ang cart.

Enebe, fall na fall na talaga ako sa lalaking 'to.

"Ikutin nalang natin ang buong grocery store then ako na ang bahalang kumuha ng mga kailangan natin for pakwan cake." Sabi ko.

Yeee! Syempre para matagal kami dito. Masyado kong nafe-feel na parang kami kasi look, dalawa lang kaming magkasama ngayon. Mamaya kasi sa bahay nila, hindi nalang kami ang tao dun. Gusto ko talaga siyang ma-solo.

"Kapag may gusto kang bilhin, kuha ka lang. Ano bang favorites mo?"

Hala hala, d'yan talaga nagsisimula 'yan e. Tatamong kunwari kung anong favorites ko. Getting to know each other very well ba 'to?!

"Hmm, wala namang specific but I like sweets." Sagot ko.

"Chocolates, gusto mo?"

'Yan na nga ba ang sinasabi ki. Pa-simple lang 'yan si Enzo.

Tumango ako saka ngumiti. "Sobrang hilig ko sa chocolates."

"Kuha tayo." Sabi niya saka tumigil sa section ng sweets.

Kumuha siya ng mga chocolate bar na iba't ibang brands. Grabe, ang galante.

"Ano pang gusto mo, Reiko?"

"Ikaw."

"Ano?"

"Ah─" tumawa ako "Sabi ko mahilig din ako sa mga inihaw." Muntik na ako do'n!

One-sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon